Kabanata 7

51 4 1
                                    

Naomi's POV

Nangilabot ako nang makita ang pagpatak ng malaking orasan sa 6:30. Naramdaman ko ang onti onting pagbilis ng pulso ko at ang paglamig ng kamay ko. Ang hangin ay biglang lumamig. O jusko, anong kasalanan namin.

Narinig ko ang pagtili nila Maddie at Kimberly ng biglang namatay ang ilaw. Nandilim sa buong dorm room. Nagkapit kapit kami.

"Ahh!" Narinig ko ang pagdaing ni Robin. Agad ko siyang kinapa ngunit wala talaga akong magawa sa dilim na ito.

"Robin? Ayos ka lang?" Tanong ko habang kinakapa ko siya sa dilim. "Oo!" Sagot niya. Nakahinga ako ng maluwag.

Mayamaya ay namatay ang ilaw. Inilibot ko ang paningin ko at nadako ito sa salamin.

"Close your eyes. Cover your ears.
Don't look back. My name is black
And i will kill you......

Ps. Can you guess who I am?
-killer"

Nagsitayuan ang balhibo ko kasabay ng pagbasa ko sa nakasulat sa salamin na ginamitan ng dugo. Ang tanong, dugo nino?

"N-naomi." Napalingon ako ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Kasabay ng paglingon ko ay ang pagbagsak ko sa lupa. Tuluyan ng humina ang tuhod ko.

Agad ko siyang nilapitan. "Alexis.." Punong puno siya ng dugo. May saksak sa likod at may marka sa noo na ang nakasulat ay "witness". "Nakita ko s-siya. N-naoimi kilala k-ko s-s-si-siya." Nanghihina niyang bulong.

"Sino siya?"

"Papatayin n-niyo ba siya para sa'kin?" Tanong niya. Tumango ako dahil oo ang sagot ko. Papatayin namin siya para sa ikakatahimik ng mga namatay naming kaibigan.

"Nasa malapit lang s-siya. Si Ma--" Nagulat ako ng bumagsak siya sa mga bisig ko. "Omg!" Agad akong napatingin kay Maddie ng napatili siya sa gulat. Si Kimberly ay umiiyak na habang nakatingin ng masama kay Maddie.

"Maddie, Ikaw? Ikaw ang killer?" Tanong ni Ivan. Pahina ng pahina ang boses niya sa bawat salitang binibigkas ng labi niya.

"No.. I'm not." She said. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. I have my suspect. And It's not her. Tahimik lang siya at laging nakamasid sa palagid namin. All she did is protect us and now, kami pa ang naghuhusga sa kanya.

"Leir! Pinatay mo ang kapatid ko! Hindi ka ba naawa?!" Napatingin ako kay Kimberly ng bigla siyang nagwala at pinagsasabunutan si Maddie. Napatayo ako sa gulat na naging sanhi ng pagkabitaw ko sa bangkay ni Alexis.

Patuloy na umiyak si Kimberly habang pinagsasabunutan niya si Maddie. Pinilit siyang awatin ng mga lalaki pero hindi siya nagpatinag. Maya maya ay napatili ako ng bigla na namang mawalan ng ilaw. Sobrang dilim ng paligid at ang hikbi na lang ni Kimberly at Maddie ang maririnig.

Pinilit kong pigilan ang mga luhang patuloy na umaagos mula sa mga mata ko. Pumikit ako. Ang nangyayari sa amin ay hindi isang sumpa kundi isang kabayaran. Kabayaran sa lahat ng nagawa namin masama.

Maya maya ay tumahimik ang paligid. Kasabay ng pagtahimik ay ang pagsindi uli ng ilaw. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at inilibot ang mga mata ko sa aming paligid.

"Asan si Maddie? Si Kim? Si Robin?" Tanong ni Leonard.

"Asan na rin ang bangkay ni Alexis?" Napatingin ako kay Ivan ng itanong niya iyon. Itinuro niya ang lugar na pinaglapagan ko ng bangkay ni Alexis. Wala na ito doon.

Napatulala ako. Una si Venny, sunod si Robert, pagkatapos ay si Alexis. At si Maddie pati na rin si Robin at Kimberly. Iniisa isa kami ng taong naglalaro sa amin ngayon. Napatingin ako sa salamin. Sa pinto. At sa mga sulok ng sala. Asan sila?

Ngayon ko lang napagtanto. Una, ang nangyari kay Venny. Siya ang doctor. Ang may kapangyarihang pagalingin ang mga mabibiktima ngunit siya mismo.

Sa panahong ito. Bawat galaw namin ay may katumbas. Sa bawat maling galaw. May mangyayaring masama. Isang laro na kamatayan mo ang game over. Ang killer eye na nila namin noon ay isa sa mga maling galawa na ginawa namin. Ang larong iyon ay ang larong nilalaro namin ngayon. At sa larong iyon.. Kamatayan ng lahat ang game over.

Nawindang ako ng marinig ang pagtunog ng telepono. Nakita kong lumapit dito si Ivan. Sinagot niya ito.

"Hello?"

Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Ivan. Tila ba may sinabing hindi maganda ang kausap niya ngayon.

"Ano?! Please! Wag niyo silang sasaktan!"

Nagulat ako ng padabog niyang binaba ang telepono. Agad niyang kinuha ang hoddie at nagmamadaling isinuot ito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Leonard bago siya makalabas. Huminto siya sa tapat ng pintuan. "Ililigtas ko sila." Sagit niya bago ipagpatuloy ang paglabas.

Agad kaming tumakbo ni Leonard para kunIn ang jecket namin at sundan si Ivan.

Kinakabahan ako pero hindi ito ang tamang oras para kabahan. In saving my love ones, I failed many times. And so, this time I won't be losing my chance.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Ps. Please do vomment guys! at sorry kung may typos!

Lovelotsx!

The Killer Eye [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon