Naomi's POV
Halos liparin ko ang hallway ng bagong paaralan na papasukan ko. Kailangan kong mahanap agad ang classroom na papasukan ko. Section Ac ako at ako na mismo ang magsasabi, napakahirap hanapin ng section na iyon.
Napatigil ako sa isang mini fountain sa gitna ng napakalawak na hall na ito. Umupo ako sa marble na nasa gilid ng mini fountain. Pinagmasdan ko ang paligid at hindi mapagkakailang sobrang ganda ng paaralang ito. Naka red carpet ang hallway at automatic ang mga pintuan ng mga classroom. Fully air condition din ang buong paaralan. Gawa ang paaralan sa marble kaya hindi mo mapagkakaila na mayayaman ang mga nagaaral dito.
Pero may ipinagtataka lang ako, asan ang mga estudyante kung hindi pa naman nag bebell? Nung pumasok kasi ako ay halos puro mga estudyante lang sa garden ang nakita ko. Ni wala man lang estudyante sa hallway.
Tinignan ko ang orasan ko. 9:38 am. Ilang minuto na lang mag bebell na pero hindi ko pa rin nakikita ang classroom ko. Tumayo na ako at inilibot ang tingin sa buong paligid hanggang nadako ang mga mata ko sa isang babaeng nakatayo sa likod ng isang poste.
Tumayo ako para lapitan siya kaso nahulog ang piso ko. Mahalaga din yun noh! Yumuko ako para pulutin ito.
"Oy chix!" Agad akong napaayos ng tayo ng biglang may nagsalita sa harap ko.
Tinignan ko sila at nakitang walo silang magkakasama. Apat na babae at apat na lalaki. Pinagmasdan ko ang mga itsura nila at hindi mapagkakailang mula sila sa mayayamang angkan.
"Hi! Ako pala si Venny Crystel Constantine." Constantine?! Diba yun yung may ari ng isang sikat na airline? Pinagmasdan ko ang mukha niyang mukhang anghel. Juskoooo.
"Ako naman si Alexis Joy Almarez! But you can call me Alexis to make it short or you can call me Joy or A to make it shorter!" She said with a smile.aSinabi ba niyang Almarez?! Sa pagakatnda ko sila ang may ari ng Almarez clothing, ang pinaka malaki at pinaka sikat na clothing line kung saan ka makakabili ng mga mamahaling damit.
"I'm Maddie Lumbrea." Nakngiting sabi nung babaeng mukhang nerd. Ang ganda naman niyang nerd. Humaygash. Sila ata ang may ari ng Lumbrea Toy Company.
"Hello! Kimberly Almarez is my name! And if you need a shopping buddy, just call my name and i'll be there! Hihi." Napakunot ang noo ko.
"Teka? Kapatid mo si A?" Tumango siya sa sinabi ko. Ahhh kaya pala parehas silang bubbly.
"Woah! Pati boses maganda, bagay sa isang magandang babaeng katulad mo." Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at halikan ito. "Robert Amli at your service, beautiful." Kinindatan niya ako bago bitawan ang kamay ko. Ang mga Amli ay nakilala sa masasarap nilang putahe sa kanilang mga resto. Sikat ito sa buong asya dahil na rin sa world class nitong mga pagkain.
"Don't mind him. Ganyan talaga yan. I'm Robin Amli. Di kapanipaniwala pero kakambal ko siya." Inabot ko ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. Napatingin ako sa kanilang dalawa at natawa ng mapansing magkamukha nga sila.
"Ang cute niyo!" Feeling ko nag heart shape ang mga mata ko habang kinukurot ang nga pisnge nila.
"Hello. I'm Leonard Green and that?" May itunuro siyang lalaking naka plain white shirt at jeans. He's wearing earphones. And his the way he look at you, it's sooo..... cold. "He's Ivan John Cruz." Green and Cruz is known with their big shipping lines and car manufacture.
"H-Hi. I'm Naomi Paige Dalton. Nice to meet you!" Nakangiti kong sabi. Nakita kong napanganga sila sa sinabi ko.
"D-DALTON?!" Sabay sabay nilang sabi. Tumango ako.
"Oh my gosh. Totoo nga ang mga sabi sabi! Sobrang ganda mo nga talaga." Napayuko ako sa sinabi ni Venny. Hindi ako sanay na pinupuri dahil lumaki ako na puro mga pinsang lalaki lang ang kasama.
"S-salamat." Nahihiya kong sabi.
Dumako ang tingin ko kay Ivan at nakita siyang nakatitig sa akin. Pero ibang titig yon. Parang.. parang may gusto siyang sabihin.
"Mukhang naliligaw ka. Ano bang section mo?" Tanong ni Maddie.
"Section Ac." Sagot ko.
Nanlaki ang mga mata nila. "S-sure ka?" Tanong ni Leonard.
Tumango ako. Napakunot ang noo ko ng makita silang tila nabuhusan ng malamig na tubig ng biglang magring ang bell. Tumingin sila sa bell na tumutunog kaya tumingin din ako dito.
Ano ba talagang meron?!
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•Soooo sa mga nagkabasa po ng "The Story Of My Life"! Yung names po ay dito talaga originally nangaling pero iba po ang mga gumaganap. Meaning iba po si Naomi dito, iba din po yung Naomi sa SML. And! Ito po ang original story nila Naomi at hindi po talaga SML. 😉
BINABASA MO ANG
The Killer Eye [On-going]
Mistério / SuspenseLahat ng nakikita mo ay isang napakalaking ilusyon. Lahat ay may halong kasinungalingan. Lahat ay isang pagpapanggap. Kapag sinimulan mong basahin ang istorya, ikaw ay mapapasali sa laro niya...... Ang killer eye.