Kabanata 6

54 3 2
                                    

Someone's POV

My life was fine together with my mom. My life was fine before that Naomi start to ruin it.

She's a criminal. Pero nga naman, pag mayaman ka, abswelto ka. So obviously, hindi siya kinulong. A killer dressed like a sweet daughter. That's her type.

Tinignan ko siya ng maayos. Sorry na lang kay Venny at Robert. Nakipagkaibigan kasi sila sa Naomi na yon eh, kung hindi lang? Edi sana buhay pa sila. Tsk tsk tsk.

"It's funny how you act as if you're clean, Ms.Criminal." Pabulong kong sabi. I'm sorry Naomi pero magsisimula pa lang ako.

Inalis ko ang tingin ko kay Naomi at tinignan ang bago kong target. Hmm, paano ko kaya siya papatayin? Well, madali na lang yan. Mukhang nahihirapan silang malaman kung sino ako.

Soon.. Magpapakilala ako and that day will be your greatest nightmare..

Naomi's POV

Nakaupo kami sa sala, nanonood ng tv pero hindi lingid sa kaalaman ko na wala sa pinapanood namin ang atensyon nila kung hindi ay nasa kilos ng bawat isa. Mas lalong lumalala ang sitwasyon.

Sino kaya ang isusunod niya?

Yan ang tanong na pinaka bumabagabag sa akin. Lahat sila ay napalapit sa akin kahit sa maiklang pagkakataong iyon at hindi ko makakayang pati sila ay mawala.

Tumayo ako at naglakad papuntang kwarto ko.. Titignan ko ang nakasulat sa papel na nakuha ko sa bangkay ni Venny.

Agad kong hinanap sa cabinet na pinaglagyan ko ang papel ng makarating ako sa kwarto ko.

"If you call yourself an actres then maybe I'm a hollywood star. You're just good at acting but you will never be as great as me.
-killer

An you guess who I'am?"

Ayan ang nakasulat sa papel na nakuha ko. Bigla akong napatingin sa bintana ng kwarto ko sa hindi malamang dahilan. Tila ba nakakulong ako sa larong nakakabaliw at ang kamatayan mo ang Game Over.

*Riiinggg Riiingg*

Napatingin ako sa cellphone ko. Unkown Number. Yan ang nakasulat. Hindi ako karaniwang sumasagot sa mga ganitong tawag pero tila ba kusa na lang gumalaw ang mga kamay ko at sinagot ang tawag.


"Hello?"

"...."

"Hello, sino toh?"

"....hihihihi"

"Wala akong oras sa pantritr-"

"Hulaan mo nga kung sino ang isusunod ko?"

"...."

"Bigla ka atang natahimik.. Bakit? natatakot ka ba?"

"Hindi kami natatakot sa'yo.."

"Tignan na lang natin. Wait until 6:30pm, tignan natin kung matapang ka nga."

-The End-

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Nahirapan akong huminga, Tila ba lahat ng galaw namin ay alam niya.


Agad akong tumakbo palabas ng aking silid at tinahak ang daan papuntang sala kung saan andon ang aking mga kaibigan. 6:00 na ng hapon at kalahating oras na lang bago ang itinakdang oras ng tumawag sa akin.


"Guys!" Hinihingal kong pagtawag. Tumatagaktak ang pawis ko hindi dahil sa pagtakbo ko kungdi dahil sa kaba at takot. Alam kong mababakas ang takot sa mukha ko dahil kahit sino namang nasa posisyon namin ay ganito ang mararamdaman.

"San' ka galing? Bakit hinihingal ka?" Sunod sunod na tanong ni Leonard. "6:30 pm."


Napatingin ako kay Maddie na nakatingin sa paa niya. Napankunot ang noo ko. Paano niya nalaman? May nagsabi ba sa kanya? May nagtext ba sa kanya? May tumatawag din ba sa kanya? May alam kaya siya?


"6:30 pm, tama ba ko?" Napatingin ako sa kanya at nakitang nakatingin din siya sa'kin.


"Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya. "Katulad ng paano mo nalaman. Tinawagan niya din ako at paulit ulit na tumawa. Hindi ako sigurado pero ang alam ko, May mawawala na isa sa atin mamayang 6:30 or worst..... May mamamatay."


Napakurap ako sa sinabi niya. Hindi yun haka haka o ano man. Isa iyong katotohanan. Sa bawat oras na nakakatanggap kami ng isang palatandaan o babala ay may nawawala at pag nangyari yun, hindi na sila mahahanap dahil paniguradong patay na sila.


Napaupo ako sa sofa dahilalam kong walang makakapigil sa kanya basta basta. Nanginginig ang mga tuhod ko pati na rin ang kalamnan ko. Tila ba babagsak na ang katawan ko kahit anong oras. Hindi ko alam ang kasalanan ko sa kanya o kung sino man sa amin. Ang hirap malagay sa posisyon namin at sana magising na lang kami at maisip na panaginip lang lahat ng mga ito dahil ang delubyong ito ay matatawag mong isang napakasamang bangungot.


*Tok tok*


Napatingin ako sa pinto at may nakitang papel na nakadikit dito. kinuha iyon ni Robin. At binasa "Here I come? anong ibigsabihin nito?"


Napatingin kaming lahat sa telepono na nakalagay sa table ng tumunog ito. "G-Guys?.." Napatingin ako kay Alexis na nakatingin sa may orasan. "6:30 na."





~~~~~

You're free to comment who do you think is the killer~!


The Killer Eye [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon