Someone's POV
Sige lang. Patuloy kayong magpakatanga sa mga kilos niyo. In no time, mananalo na ko at mamamatay lahat kayo.
Ivan's POV
Ramdam ko ang pagsunod sa akin nila Naomi at Leonard.
Minsan ay napapaisip ako. Ang mga nangyayari ay hindi sumpa kundi isang kabayaran sa laht lahat. Sa mga kasalanan. Sa mga pagdurusang naidulot namin sa iba.
Noong bata pa ako nakita ko ang isang nasusunog na bahay malapit sa aming bahay. Tinignan ko ito at nakita ang isang batang lalaki na humuhingi ng tulong mula sa isang kwarto sa ikalawang palapag. Umiiyak siya habang paunti unting nilalamon ng apoy ang kaniyang katawan. Gusto ko siyang tulungan ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Makalipas ng isang linggo ko nabalitaang nakaligtas ang babaeng anak ng may ari ng bahay. Ang kaniyang kalaro at ang kanyang kapatid ay namatay sa aksidente. At ang batang lalaki na humihingi ng tulong ay ang kapatid niya na sana ay buhay pa kung tinulungan ko lang sana.
Ang panguayari ay nagdulot sa akin ng depresyon. Natataranta ako kapag may nasasaktan. Isang araw ay nakarinig ako ng sigaw mula sa ibaba. Nakita ko ang yaya ko na naipit sa pinto. Sumisigaw siya sa sakit. Naririndi ako. Kahit na anong pagpapatahimik ko sa kanya ay hindi siya nakinig. Umiiyak kong kinuha ang kutsilyo sa kusina at bumalik sa lugar niya. Agad kong isinaksak ito sa may bandang leeg niya. Mas lalo siyang napasigaw sa sakit. Ilang sigundo lang ay tumahimik na ang paligid. Umakyat ako sa kwarto ko na para bang walang nangyari.
Nang makarating kami ng 7th grade ay gumaling na ako. Akala ko lang pala. Noong mga panahong iyon ay nakaranas ako ng pambubully dahil mailap ako sa mga tao. Nainis ako sa kanya at binalikan siya. Sa sususnod na araw ay nakita na lang ang bangkay niya sa isang ilog malapit sa dati kong pinapasukan. Alam kong ako ang may kasalanan pero kasalanan ko pa rin ba kung hindi man lang nila ako pinagbintangan?
Oo, demonyo ang nakaloob sa isang mala anghel na katulad ko. Ang kagandahan ng itsura ko ay kabaliktaran ng kulo ko. Ang lahat ay palabas lamang. Lahat ay isang napakalaking opera. At eto na ang tamang oras para matigil ang palabas na iyon.
Killer, tingin mo ba tanga ako? Sa lahat ba ng pinagdaanan ko ay may oras pa akong magpakabobo? Sorry pero mas matalino ako sa'yo.
Naomi's POV
Napansin ko na wala sa dinadaanan niya ang atensyon niya habang naglalakad siya.
Sumakay siya sa isang kotse at binuksan ang makina nito. Sasakay na sana ako kaso nakita ko na pagkabikas na bagkabukas ng makina nito ay agad na lumabas si Ivan ng kotse. Tumakbo siya papunta sa amin ni Leonard at hinila kami papunta sa likod ng isang kotse. Mga limang kotse mula sa sasakyang pina andar ni Ivan.
Mga limang minuto kaming nandoon. Pinapanood ang kotse. Maya maya ay sumabog ito na siyang nakapagpatili sa akin.
Tinignan ko si Ivan. "Ano yon?!"
"Simula ngayon. Pwede ba nating maipakita sa killer na hindi tayo singtanga niya?" Tanong niya. Napatahimik ako at tumango. Mas pili kong itikom na lang ang bibig ko.
Ngayon ay mas naunawaan ko ang mga bagay. Sa oras na ito ay dapat namin siyang pagkatiwalaan.
Hinila kami ni Ivan papunta sa isang van at pinasakay doon. Nagmaneho siya hanggang madaanan namin ang gate. Nagulat ako ng may tila ba detector ang gate at ng maramdaman niya ang sasakyan namin ay bigla itong sumabog.
Agad na inilabas ni Ivan ang van mula sa paaralan namin. Hindi ako makapaniwala na sumabog ang gate namin. Ang gate namin na pangahabangbuhay na yatang nakasara.
Pinagpatuloy niya ang pagmamaneho. Mayamaya ay nakaaninag ako ng isang bahay na nagmistulang isang mansyon sa laki. Isang mansyon na pagkasigla sigla ng itsura. Isang bahay na papangarapin ng lahat.
Nagulat ako ng patayin ni Ivan ang makina ng sasakyan. Bumaba siya kaya sumunod kami ni Leonard. Tinignan ko ang binabaan namin at nakitang ito nga ang mansyon na inaninag ko kanina.
"Tara na." Paguutos niya. Nagkatinginan kami ni Leonard bago sumunod. Anong meron sa bahay na ito at ano ang meron sa loob? Maraming tanong sa isip ko pero hindi ito ang oras para alamin ang sagot sa mga iyon.
Pinagpatuloy namin ang pagpasok sa bahay. Pagpasok pa lang ng mansyon ay maaninag mo agad ang magandang disenyo ng bahay. Katulad ito ng mga sinaunang bahay ngunit mas marami ang salamin. May pool na rin ito.
Sa harap ng gate nito ay may arko na may pangalang Suarez. Inisip kong mabuti kung kanino ko nalaman ang apillidong iyon. Familliar ito sa akin ngunit hindi magunita ng isip ko kung kanino.
"Guys. Kilala ko ata iyong Suarez na yon." Pagtawag ko ng pansin sa dalawa. "Suarez. Suarez. Si yaya Kris ata... Oo! Si yaya Kris nga! Kris Suarez."
Pero teka... Anong koneksyon ni Yaya Kris dito?
BINABASA MO ANG
The Killer Eye [On-going]
Mystery / ThrillerLahat ng nakikita mo ay isang napakalaking ilusyon. Lahat ay may halong kasinungalingan. Lahat ay isang pagpapanggap. Kapag sinimulan mong basahin ang istorya, ikaw ay mapapasali sa laro niya...... Ang killer eye.