House
"umakyat ka na sa kwarto mo!" sigaw ni mommy.
"Mom.. sorry, pakinggan mo naman ako"
"Ang sabi ko umakyat ka na sa kwarto mo!" Hindi ako kumilos.
"Whaaat! ayaw mo? Matigas na ba talaga ulo mo! Kaya pati ang pagpasok sa school mo hinahaluan mo ng kalokohan!"
"Mom naman kasi. Listen to me first. Promise ngayon ko lang po ginawa 'to. At hindi ko na po uulitin"
She shake her head. "you're ban for two weeks" I nod.
Ok lang, kahit One Month pa. kesa naman mawala allowance ko.
.
.
.
.
.
.
.
*tok tok *
"ma'am Hendry, hija kakain na"
"busog pa po ako yaa"
"halika ka na, masamang pinag hihintay 'yung pagkain"
"busog pa po talaga ako eh" sabi ko na lang.
"balik na lang ako mamaya ha.. dalan kita dyan" Hindi na ko kumibo.
krruuggggg.....
tunog ng tiyan ko! kyaaaaah! gutom na 'yung mga anacondas ko sa tiyan!. Ang tagal naman ni yaa.
ahmmp...Oooopps! tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Ayun yehey! wala ang pusa.
Agad ako sumilip sa kusina, ang bilis naman kumain ni Mommy.
Hindi na ko nagpa-tumpik-tumpik pa, binuksan ko na 'yung ref. Kinuha ko 'yung fried chicken at 'yung mush potato na nasa cup.Tingin sa kanan, kaliwa. taaakboooo...
haiyst! lagot ka saking manok ka! ahrrggg ahrgg.. kagat sa manok. Subo ng mush potato. Manok, mushpotato, manok, manok, mushpotato, manok, mushpotato. "HAK-HAK-HAK tubeeg!" nubulunan ako, wala pa la ako nakuhang tubeg.
*tok tok*
"ahem ahem" ... pinilit ko lunukin 'yung nasa bibig ko. Tinapik-tapik ko pa 'yung dib-dib ko para maalis 'yung hirin ko. At tinago ko 'yung supot. *open-eyed* supot na lang talaga natira?
binuksan ko 'yung pinto. "yaa bakit po?" may dala si yaa.
"pasensya ka na hija, natagalan ako nag order pa kasi ako sa Mcdo"
"po? bakit po" sabi ko. bakit mag-o-order pa?
"eh, maalat kasi 'yung niluto kong adobo tsaka hindi mo naman paborits 'yun. Kaya eto oh kumain ka na"
adobo? akala ko fried manok niluto? "yaa eh diba manok po niluto mo?"
" manok? hindi... sino naman nagsabi sayo"
"ahm may nakita po kasi ako'ng manok po ata dun kanina?"
"ay sus... 'yung nasa ref? nakko! nakalimutan ko na itapon. Sorry hija teka itatapon ko lang. nu'ng nakaraan pa kasi 'yun. baka mangamo'y lang sa ref" inilapag ni yaa sa table 'yung plastic.
Nahihilo ako. "yaa wag na po"
" bakit hija?"
"tinapon ko na po pati 'yung mushpotato" kaya pa la....... kaya pa la ganun lasa...