Ang bilis naman ng araw parang kelan lang sabado pa, ngayon lunes na. Hindi ko naramdaman 'yung linggo!. Oiy writer hanuna? Bakit lunes agad! Ahaha XD
*tok tok*
"ma'am hendry gising na po" *tok tok tok*
-si yaa."Nandyan na po yaa" psh naman kasi. Bumangon na ko at nag punta sa kitchen para maligo jowk! syempre para kumain.
" yaa 'yung milk ko po" hindi ako nagkakape. Gatas lang. Binilisan ko na 'yung pag lamon ko. Oo ganern talaga lamon na. Baka ma-late kasi ako.
" yaa penge po tubig"
-ako"ha? akala ko ba gatas"
" yaa mabibilaukan na......... po........... ako..........!" gosh ayoko pa mamatay! sayang 'yung pes ko. Mamamatay mga tigyawatis ko.
" o-eto na hija. Dahan dahan lang naman kasi. Ge bilisan mo na at ma-le-late ka na"
toinks dahan-dahan tapos bilisan. Parang Relasyon! dinahan dahan ka pa, mabilis ka din pa lang iiwan.
"Maliligo na po ako" Agad ako nag punta ng C.R sa kwarto ko at mabilisang naligo.
Pak! wisik-wisik, ganern! tapos na ko maligo at nag-aayos na aketch."yaa alis na po ako"
"sandali hija... o-eto, pina-aabot ng mommy mo"
"WAAAAAAAAAAAAAAH" namilog mga mata ko! kasi...... may allowance na ulit ako. Before kasi si Dad pa 'yung nagbibigay ng allowance ko! yeheey! "thanks yaa" *kiss* Ok lang kahit hindi kasing laki ng allowance ko before! basta ang importante, mahalaga. May allowance ako ulit.
"mang Jose, tara na po sa schoooooool." sumakay na ko
"sige po ma'am hendre"
after 5 minutes...
"mang jose, punta po muna tayo sa Mall"
-me"pero ma'am hendre, mali-leyt na po ka'yo"
"a-e hin.di pa po! wala pa po si prof nyan. Palagi po 'yun na-le-late" kamot sa ulo
"nakko, pasensya na po ma'am hendre. Hindi po talaga pu-pwedi, malalagut po ako sa mami mo"
*pout* "hmmm sige ganito na lang po, hindi po ako magsusumbong, tsaka bakit ko naman po gagawin 'yun!? basta quiet ka lang po mang jose" sabi ko
"hindi po talaga pwedi ma'am hendre!"
'May kinuha ako sa bag at iniabot kay manong.
"nakko ma'am-"
"ok lang po mang jose, hindi po suhol 'yan"
"pero-" sabi nya at dinag-dagan ko pa, 3k na 'yung inaabot ko kay mang jose.
"kasi ma'am hendre baka-" +1k aba! uubusin ata ni manong allowance ko ah? isa pa ayoko na! papasok na lang ako.
"a-e ma'am-"
"sige po wag na lang. Tara na po. *lour/scowl* at itatago ko na sana 'yung pera.
"a-e-i sige po ma'am hendre malapit na po tayo sa Mall"
yehey! "thanks po mang jose! promise po secret lang po natin 'to ah?" *smirk*
"Oo naman po ma'am hendre he-he-he" at ini-abot ko na kay mang jose 'yung 4k.
MALL...
"wag nyo na po ako hintayin mang Jose. Mag-ta-taxi na lang po ako" pagkasabiko't bumaba na ko.
" sigurado ho ba kayo ma'am? eh antayin ko na lang po kayo"
"kaya ko na po mang Jose :-) ingat po" Gusto ata 1k ulit! ahahaha!
.
.
.
.
.
Nasa loob na ako ng Mall, hmmmmm sa Outerwear muna ako nag punta.
"Good morning ma'am-.." up and down tingin sakin nu'ng storekeeper. Nakakagulat ba 'yung ganda ko!?
Tumingin-tingin lang ako. Hindi ko kasi type 'yung mga clothes! etchos!!
"ate panyo po" ini-abot ko 'yung handkerchief ko kay ate shopgirl.
"bakit?"
" pamunas po ng laway. Gandang ganda ka po kasi sakin! baka po matunaw ako."
" aha-ha-ha" luh nakakatawa ba 'yung sinabi ko? weird!
lumabas na lang ako sa clothing store. Sayang lang ibabayad ko.
Naglakad-lakad pa ko hmmm i want ice cream...
"Hendry?"
WAAAAAAH! "MOMMY?" ohmygad! PAKTAY!! Mang Jose... Mang Jose, Kailangan ko po ng tulong nyo! Mang Jose tulong. Tulong!..
