Patawad

305 1 0
                                    

Thore's POV

Nagising ako.

Ang dilim ng lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako.

Bukod sa madilim, ang sangsang ng amoy! Amoy nabubulok.

May narinig akong mga yabag.

Ng biglang bumukas ang ilaw.

Halos maduwal ako sa aking nakita! Mga kalansay ng tao, mga patay na pusa na wakwak ang tyan!

Hindi ko akalain na kaya niya itong gawin.

"Surprise! Nagustuhan mo ba Thore? Ito ang paraiso. Dito ka nababagay. Haha. Masyado ka kasing pakialamero e. Kaya dapat mawala ka na sa mundo!"

Hindi ako makapagsalita. Tinakpan niya ang bibig ko. Ang lakas niya.

"Thore, alam mo ba? Nahirapan ako noon. Pasensya ka na ha? Lahat kayo nadamay. Hahaha! Pero ayos lang yan. Para naman maintindihan niyo ako."

Naglakad siya paikot sa akin.

Ng biglang may itinurok siya sa kaliwa kong binti.

Anesthesia!

Paulit ulit niya itong tinusukan. Unti unting nawalan ng pakiramdam ang mga binti ko.

Gusto ko ng mamatay ng makita ko ang hawak niyang lagari!

Unti unti niyang ibinaon ang lagari sa mga binti ko. Wala akong maramdaman! Basta ang alam ko, magtatagumpay siya sa pagputol ng mga binti ko.

Gusto niya akong pahirapan. Ramdam ko. Sobrang ramdam ko. Tawa siya ng tawa!

Nagtagumpay siya sa pagputol ng mga binti ko.

Oo, hindi ko ramdam ang sakit pero nanghihina na ko sa dami ng dugong nawawala sa aking katawan.

Alam kong mamamatay na ako.

Ipinikit ko ang aking mga mata at narinig ko siyang nagwika ng...

"Patawarin mo ako Thore."

--

Ngayong patay na si Thore, sino na lang ang makakatuklas kung sino ang killer?!

A/N: yay! feeling ko malapit na itong matapos readers! ü

keep supporting and voting po!

*lalalaira

Berta, Berta. Nandito ka na ba? (UNFINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon