Bagong bahagi.

301 1 0
                                    

Gerard's POV

Nakakapanibago si Thore.

Bakit kaya?

Sabi niya killer. Hindi kaya may alam na siya tungkol sa killer kaya siya nagmamadali?

Kung gayon. Dapat lang na mag-ingat din ako.

Kailangan hindi mapansin ng killer na may alam na din ako para mabigyan ko ng hustisya sina Prae.

Pero teka. Ano ba 'tong binigay ni Thore.

Lia's POV

Pagkamulat ko ng aking mata.

"Nate?" tanong ko.

Nakangisi siya na parang demonyo.

"Napatay ko na si Thore. Haha! Unti unti na silang nawawala Lia. Si Chary. Yienne, Josh at Gerard na lang Lia. Hahaha."

"Hindi totoo yan! Buhay si Thore! Demonyo ka!"

"Sinong demonyo Lia? Ako o.ikaw? haha." tunawa siya ng malakas. Nakakabingi.

"Tama na Nate! Tama na!" umiiyak na akong sumisigaw.

Biglang tumahimik at nawala siya.

Hindi ko alam kung ano na mangyayari sa akin. Hindi ko maipaliwanag.

Yienne's POV

Naglalakad ako papunta sa kulungan. Bibisitahin ko ang mama ni Prae.

Galit ako kay tita pero may kailangan akong malaman.

Pagdating ko roon. Kinausap ko ang nasa information at nagtanong kung pwede kong bisitahin si tita. Pumayag naman yung mamang pulis.

Pinapasok niya ako sa receiving area at nakita ko si tita na nakatulala lang. Siguro apektado pa rin siya sa pagkamatay ni Prae.

"Yienne? Nag umpisa na syang maghiganti." umiiyak na turan ni tita.

"Sino tita? Sino po?"

"Si Berta Yienne! Papatayin niya lahat ng umapi sa kanya! Mamamatay na ko!" sigaw nibtita na parang nawawala na sa sarili.

"inapi namin si Berta Yienne! inapi namin! Kami ang dahilan kung bakit siya namatay! Kami! Hahahah"

Agad syang hinawakan ng mga pulis.

kinausap ako ng warden.

"Sorry miss. Nawalan na sya ng bait sa kanyang sarili mula ng mamatay ang kanyang anak. Simula ng malaman niya iyon, makikita at mapapansin mo na parang may kinakatakutan siya. At lagi niyang sinasabi na si Berta daw ang may kasalanan."

"Wala po ba syang ibang nababanggit?"

"Wala miss e. Subukan mo po sina Ginoong Ancheta."

"Si dad..." bulong ko sa sarili ko.

"sige po ma'am. Mauna na po ako."

Kailangan kong makausap si Dad.

iisa lang ang nais kong malaman.

Sino si Berta?

-

Malalaman na kaya ni Yienne kung sino nga ba talaga ang killer?

Ating sama samang subaybayan ang mga natitirang kabanata ng BBNKNB.

A/N: Yay! Salamat po sa lahat ng nagbabasa, magbabasa at nagbasa na ng kwento ko!

Beginner lang po ako kaya medyo ganyan panpo ang mga update. Haha. Pagpasensyahan niyo na po.

Vote and comment na din po! Pwersahan na.po ito. Hahaha

echusera kasi yung author nito ee :))) sige po. till next update :P

Berta, Berta. Nandito ka na ba? (UNFINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon