Si Berta

165 0 6
                                    

"Ako po si Arc." Sagot ng binata.

"Sandali lang po at tatawagin ko si inay."

Habang palabas siya, nagmamasid lang kami ni papa.

Makalipas ang ilang minuto, pumasok ulit si Arc, at akay akay niya ang babaeng si Berta ata. Kaedad siya ni papa pero mukha na siyang matanda.

"Bakit ka nandito Marco?" Ano ang ginagawa mo dito? Ang lakas ng loob mong humarap sa akin matapos ng kababuyang ginawa ninyo sa akin." Umiiyak na sambit ni Berta. Mahahalata mong galit na galit siya. Sa tono pa lang ng boses niya, alam mo nang galit siya.

"Patawad Berta. Hindi namin ginusto iyon. Dala lang ng bugso ng damdamin. Patawarin mo ako. Nagsisisi na ako. Dumating na ang karma naming magbabarkada Berta. Pinagbabayaran na namin lahat ng nagawa namin sa iyo."

"Kahit na binaboy ninyo ako, matagal na akong nagpatawad Marco. Tignan mo ako ngayon Marco. Ito ang nangyari sa akin dahil sa kababuyan ninyo. Hindi ko dapat nararanasan ito Marco. Dahil alam kong wala akong kasalanan sa inyo."

"Alam namin Berta." Iyon. Ako naman.

"Ah, excuse me po aling Berta, ako po Yienne. Anak po niya ako. Sa pagkakaalala po ninyo. Alam kong hindi niyo pa po nakakalimutan si Katie. Sabi po niya patay na kayo. Pero heto nga po at kaharap ko kayo. Ano po ang nangyari sa inyo nang nagpakamatay kayo?" Mejo awkward na magtanong pero kailangan kong malaman.

Berta's POV

Hija, ganito ang nanagyari ng araw na iyon.

FLASHBACK

Ayoko ng mabuhay. Nakakahiya. Nakita na nila ang lahat sa akin. Paano na ako.

Halos lunurin ko ang sarili ko sa drum ng tubig dahil pakiramdam ko ay napakadumi ko. Halos umiyak na ako ng dugo sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Bakit ako pa? Ako pa na puro kabutihan ang ginawa? Bakit sa akin pa? :(

Nandito ako ngaon sa pinakataas na parte ng building. Handa na akong mamatay. Handa na akong magpakahulog ng biglang may tumulak sa akin.

Ramdam ko ang lakas ng hangin. Hanggang sa..

BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGG

Ramdam ko ang sakit ng katawan ko. Ramdam kong halos magkabali bali ang mga buto ko.

Nagdilim ang paningin ko.

Pagdilat ko ng aking mga mata, nasa isang bahay ako.

At ito ay bahay ni.....

-

A/N

Pambawi lang po! Naku sorry po talaga. Halos 3 months po akong walang update. Sana po magustuhan ninyo ito. Salamat din po sa mga patuloy na nagbabasa at nagtitiyaga na mag antay ng update.

Kung gusto po ninyo, imessage niyo ako sa mga social networking sites.

Sa facebook: lyryysie.ranu@gmail.com

Twitter: lalalairadmm

Kulitin po ninyo ako para mapadali ang update. Salamat po sa inyong lahat! :*

Berta, Berta. Nandito ka na ba? (UNFINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon