ang paghahanap

267 2 2
                                    

Yienne's POV

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Papunta kami ngayon sa bahay nina Lia. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Tahimik lang si daddy. Nakakabingi.

"Daddy. Bakit tayo pupunta sa mommy ni Lia?" syempre binasag ko na ang katahimikan.

"Yienne. Hindi ba kaklase ko noon ang mommy ni Lia?" halos mapahiya ako sa sagot ni daddy.

"Kailangan natin ng tulong niya anak. Anak. Kahit anong mangyari, kahit na anong rebelasyon ang malalaman mo, mangako ka sa akin na hindi ka magtatanim ng galit." pagpapatuloy ni daddy.

hindi ka.magtatanim ng galit.

hindi ka magtatanim ng galit.

hindi ka magtatanim ng galit.

Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako makakapangako.

Mahirap ang mangako

Minsan ng sinira ni daddy ang pagtitiwala ko sa kanya. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko kapag may nalaman akong hindi maganda.

Baka maisumpa ko na si daddy.

Ilang minuto pa. Narating din namin ang bahay nina Lia.

"Hi Marco! Mabuti naman at nadaan kayo ni Yienne." Halatang tuwang tuwa si tita.

"Hello po tita. Pumunta po kami dito ni daddy kasi po may mga bagay po akong gustong malaman." walang takot kong sabi kay tita.

"Ganun ba? Sige pasok kayo."

Pumasok kami at naupo sa sala.

"Anong gusto mong malaman hija? Marco?" tanong ni tita.

"Tita, gusto ko pong malaman kung sino si Berta."

Nagkatinginan si daddy at si tita. Parang ayaw nilang sabihin sa akin kung sino si Berta.

"Hija. Kaklase namin si Berta noon. Nabully namin siya noon at dahil sa pambubully na iyon, nagpakamatay siya." dire-diretsong pahayag ni tita.

"Patay na ba talaga siya tita?"

-

patay na nga ba si Berta? Patuloy na abangan! ü

A/N; hello hello! sorry po! malapit na po kasi exam namin kaya medyo busy. pero salamat pa dn po sa lahat ng nagttyaga at naghihintay sa update nito!

pangako babawi po ako after exam! :)))

thanks po ulit :]

Berta, Berta. Nandito ka na ba? (UNFINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon