Gerard

200 2 2
                                    

Iyon nga. Pagdilat ko ng aking mag mata, nasa bahay ako ni Greg Morales.

"Greg Morales? Bakit ka niya tinulungan Berta?" Tanong ni Marco

"Humingi siya ng tawad sa akin. Hindi daw niya ginusto ang mga nangyari." Sagot ko sa kanila.

"Nung araw na ikinalat ninyo ang mga litrato ng kababuyang ginawa niyo sa akin ay ninais ko ng mamatay. Buntis na ako nang hinalay ninyo ako. Ang nobyo ko na isa sa inaarkila ninyo na gahasain ako. Hindi niya daw alam na ako ang gagahasain ninyo. Nung nakita niya ako ay gusto na daw niyang umayaw pero tinakot niyo daw sila kapag umayaw sila ay mamamatay sila.

Humingi siya ng tawad sa akin at igaganti niya raw ako mula sa inyo.

Ibinigay ko sa kanya ang isa sa anak namin. Oo, kambal sila. May kakambal si Arc, at iyon ay si Alliea. Wala na akong ideya kung nasaan ang mag-ama ko."

Chary's POV

"Dali Gerard. Baka maabutan pa niya tayo. Dalian natin." Pagmamadali ko kay Gerard na siyang nagdadrive ng kotse.

Binilisan nga niya ang pagmamaneho.

Makalipas ang halos sampung minuto ay nakarating na kami sa school.

Dali dali kaming nagtungo sa locker room.

Nakita ko agad ang envelope na inabot sa akin noon ni Prae.

"Gerard ito na yun oh. Tignan mo." Iniabot ko kay Gerard ang envelope.

"Hindi safe dito Chary kung dito natin titignan."

Sinundan ko na lang si Gerard hanggang sa kotse. Pinaharurot niya ito at hindi ko alam kung saan kami papunta. Nakaramdam ako ng pagkahilo. Parang inaantok ako. Oo, inaantok na ako.

Ipinikit ko na ang aking mga mata dahil inaantok na ako.

Yiennes'sPOV

Sino si Alliea?

"Papa?" Tinignan ko si papa.

"Berta, kung hindi ikaw ang pumapatay, sino?" Tanong ni papa. Hindi ko inaasahang tatanungin ni papa iyon.

"Kahit binaboy ninyo ako, hindi ko kayang pumatay Marco." Yan lang ang isinagot ni aling Berta.

"Pa, sa tingin ko kailangan nating makausap si tito Greg." Sabi ko kay papa.

"Sige Berta, aalis na kami. Salamat sa oras." Pagpapaalam ni papa.

Tumayo na si papa at sumunod na ako.

Akala namin ni papa nandito lahat ng sagot sa mga tanong namin. Hindi pala.

Saan namin mahahanap ang kasagutan? Nawawalan na ako ng pag-asa.

Gerard's POV

Tulog na si Chary. Sa wakas! Haha.

Siguro nagtataka kayo kung bakit parang masaya ako? Well, oo. Hahaha. Tama ang hinala ninyo. Tamang tama. Haha. Ako, kasabwat ko ang killer. Haha.

Tama ang sinabi kong si Lia ang killer. Pero hindi niya alam na tinutulungan ko siya.

Ako ang nakakaalam lahat. Hahaha.

Oo, alam ko lahat. Siguro ay nagtataka kayo kung bakit wala na si Josh. Oo wala na rin si Josh. Kasama ang tatay niya. Pinatay ko na silang dalawa. Alam din nila lahat e. Hahahaha.

-

A/N

Salamat po sa mga readers! Kung di niyo po naaantay mga update ko, pasensya na po. Please bear with me. :)

Thank you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Berta, Berta. Nandito ka na ba? (UNFINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon