Si Mrs. Sanchez

344 2 0
                                    

Mrs. Sanchez' POV

Tuwing naaalala ko ang nakaraan, hindi ko mapigilang maiyak at mangamba.

Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa akin, pati na rin kay Lia.

Flashback

Taong 1973. 4th year college din kami. Sa Don Louisse Silvestre University rin. Kabarkada ko sina Carrie De Guzman, Katie Gomez, Marco Ancheta, Luis Bautista, Greg Morales at si Jean Manzano.

Oo, sila ang mga magulang ng mga kabarkada ng anak ko. 

Nung panahon na yun, kaming magkakabarkada ang kinatatakutan sa deprtment namin.

Ako yung may image na pinakamasama, pinakademonyo.

Pero hindi. Hindi lang ako. Kundi kaming lahat.

May kanya kanya kaming kwento.

Si Katie at Jean, magkaaway sila. Pinag-aagawan nila ang iisang lalaki. At ang lalaking iyon ay si Marco!

Ako ang mahal ni Marco. Ngunit nagpakasal ako sa iba.

Nagpakasal ako sa iba dahil ayokong sumali kina Katie.

Ang nagkatuluyan, si Katie at Marco. Nagkaanak sila. At iyon ay si Yienne. Hindi pinagamit ni Katie ang apelyido ni Marco kay Katie kahit na kasal pa sila dahil nabuntis din ni Marco si Jean.

Ang anak ni Jean at ni Marco ay si Prae.

Balita ko, napatay ni Jean si Katie at nakulong siya.

Sa mga natatandaan ko pa.

Mayroon kaming inapi noon. sa sobrang pang aapi namin. Nagpakamatay siya.

Dahil maimpluwensya ang bawat pamilya naming magkakabarkada, hindi kami nadawit sa isyung iyon.

Siya si Bernandina Talia Ventura o mas kilala bilang si Berta.

Si Berta ay isang promdi.

Kulot at buhaghag ang buhok. Tadtad ng tigyawat ang mukha. Sungki ang ngipin. Makapal ang salamin. Manang na manang ang mukha. Napakabaho niya.

Nakakadiri. Nakakasuka.

Pero sa lahat ng kapangitan niya, siya namang katalinuhan at kasexyhan niya.

Taong hipon kumbaga.

Inggit na inggit ako. Pati sila.

Sa sobrang galit ko, nagtipon tipon kaming magkakabarkada at binubuo namin ang plano.

--

oooooooooooooops! bibitinin ko muna kayo ha?

Ano kaya ang plinano nila?

ABANGAN!

A/N

Ang nakaraan na po talaga to! Subaybayan niyo po at malalaman na natin kung sino talaga si Berta :))

Vote naman po kayo. Ang daming silent readers eh.

Hanggang dito muna neh? :))

Berta, Berta. Nandito ka na ba? (UNFINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon