Friend 2

60 3 0
                                    

Ngayon ay nandito ako sa kwarto ko. Kasama ko si Skyler. Mas pinili kong siya muna ang kasama ko ngayon dahil alam kong magiging mas maayos ako kapag nandito siya. Simula bata pa lang kami ay siya na talaga ang laging nandito para sa akin.

Hindi ko muna inintindi yung kay Joseph. Alam kong galit siya dahil hindi ko siya pinili. Pero wala talaga akong magagawa. Si Skyler talaga ang kailangan ko ngayon.

"Anong sinasabi mong kamukha ni Lalisa yung nakita mo kanina sa banyo?"

Tinakpan ko naman bigla ang bibig niya. "Ang ingay mo naman, beshi."

"Huwag ka ngang OA. Soundproof kaya 'tong kwarto mo."

Inirapan ko na lang siya. Kaya ayokong nagke-kwento rin dito minsan kasi napaka-ingay. Talagang uulitin niya yung sinabi mo.

"Pero seryoso na, baka namamalik-mata ka lang. Beshi naman. Buhay pa si Lalisa. Ginawa mo namang multo."

Napaisip ako. Baka nga namamalik-mata lang ako. Baka. Sana. Dahil kung hindi, siguradong manganganib ang buhay ni Lalisa. Baka doppelganger niya iyon. At sinasabi nila na kapag nakita ni Lalisa mismo ang doppelganger niya, posibleng mamatay siya. Hindi ko alam kung totoo pero mas mabuti nang nakakasiguro akong safe siya.

"Hindi ko alam, beshi. Pero sana nga. Sana nga namamalik-mata lang ako." Lumungkot bigla ang mukha ko. First time kong makakita ng ganito. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko dahil sa nangyari kanina.

"Oh, mukhang nandyan na sila mama ganda at papa pogi," Excited na sabi ni Skyler. Alam ko naman kung bakit ganon tono ng pananalita niya eh. Dahil alam niyang magluluto nanaman si mama ng paborito niyang pagkain dahil nga nandito siya.

"Lika na. Baba na tayo!" At talagang hinila niya pa ako palabas ng kwarto ko. Hindi ko na tuloy nasara ang pintuan. Baliw talaga. Basta pagkain eh.

"Mama ganda! Papa pogi!" Masiglang bati ni Skyler sa magulang ko na akala mo eh magulang din niya.

"Poging Skyler! Nandito ka pala!" Nag-bro fist naman sila ni papa. Si Skyler din kasi ang nag-request kay papa na tawagin siyang ganon. Kaya ayan, nasanay na din si papa.

"At dahil nandito ka, alam mo na.." Makahulugang saad ni mama. Ay nako, talagang alam na niya. Kaya naman eh niyakap niya si mama at nag-thank you 'to sakanya.

Dumiretso na muna kami ni Isaac sa sala habang nagluluto si mama. Si papa naman ay nagbibihis sa taas.

"Kamusta naman kayo ni Joseph?" Biglang tanong niya habang nanonood kami ng spongebob squarepants.

"Aye aye, captain!"

Tumingin ako sakanya. Diretso lang ang tingin niya. Hindi ko na lang sinagot. Ayoko siyang sagutin. 'Di ko rin naman alam ang isasagot ko.

"Balita ko makikipag-break ka daw sakanya. Bakit? Anong problema?"

"K-kanino mo naman nabalitaan 'yan?" Tanong ko.

"Sa mga kaibigan mo," Diretsang sabi niya. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga yung mga kaibigan ko. "So .. totoo ba?"

"Sa totoo lang.. hindi ko alam eh. Gusto ko na. Kasi alam mo 'yon? Parang nawawala na yung pagmamahal ko sakanya. Ayoko naman maging unfair. Ayoko naman na ipagpatuloy 'tong relasyon na isa lang ang nagmamahal sa aming dalawa."

Gulat ako nang hawakan ni Skyler ang kamay ko. "Kung anuman ang maging desisyon mo, susuportahan kita. Lagi mong tandaan na nandito lang ako," Sabi niya at nginitian pa ako. Tumango na lang ako.

Nang maluto na ang pagkain namin ay nagsimula na kaming kumain. Naka-ilang kanin ata 'tong si Skyler. Paano ba naman? Niluto ang paboritong ulam. Kulang na lang nga siya ang maka-ubos ng pagkain eh.

I'll Be Back, My FriendWhere stories live. Discover now