Matapos ang insidente ay hindi ko na ulit nakita si Joseph. Hindi ko alam kung saan na siya nagpunta. Sinikreto ang ginawa niya sa akin. Hindi alam ng mga nag-aaral dito ang nangyari noong mga nakaraang linggo.Pumayag naman ako sa naging desisyon nila dahil ayoko nang pag-usapan pa sa buong eskwelahan. Ayokong pag-usapan ako ng mga estudyante dito.
Galit ako. Galit na galit ako. Hindi ko akalain na kayang gawin sa akin iyon ni Joseph. Akala ko iba siya. Pero nagkamali ako. Wala siyang pinag-kaiba sa mga lalaking gago sa paningin ko.
Mabuti na lang at dumating sila Skyler at Lalisa. Dahil kung hindiㅡhindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin. Baka pati sarili ko ay pinandidirian ko na rin.
"Zyana," Tawag sa akin ni Skyler. Nandito kasi kami sa kwarto ko. Hindi muna ako pumasok ng isang linggo. Sabi kasi ng doktorㅡmagpahinga na muna ako. "12 oclock na. Kumain ka na dahil iinom ka pa ng gamot mo."
"Sinabi ko na kasi sa'yong pumasok ka. Bakit ba ang kulit mo? Nandyan naman si yaya Lucy eh," Sabi ko at inaayos ang upo ko. Sinandal ko rin ang ulo ko sa headboard dahil medyo masakit pa rin ang ulo ko.
"Ayoko. Gusto ko ako mag-aalaga sa'yo. Tsaka hindi rin naman ako mapapakali sa school kung wala ka doon. Kaya mas mabuti nang nandito ako atleast buong araw kitang kasama," Sabi mo sabay kinindatan ako. Hindi ko alam pero ramdam ko na biglang uminit ang pisngi ko. Napahawak din ako sa dibdib ko. Mabilis ang tibok neto.
Susmaryosep, ano ba 'tong nararamdaman ko? Umayos ka dyan, Zyana. Bestfriend mo 'yan.
-
Pagtapos kong kumain ay uminom ako ng gamot ko. Pinatulog na rin muna ako ni Skyler. Gigisingin niya na lang ako kapag iinom na ulit ako ng gamot.
"Zyana.."
"Zyana.. gumising ka dyan."
"Zyana.. nanganganib ang buhay ng mga kaibigan mo."
Bigla akong nagising nang marinig ko ang mga salitang 'yon. Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid ng kwarto ko. Wala akong makita. Masyadong madilim.
Binuksan ko ang lamp na nasa mini table ko. Pero ayaw bumukas. Nagsimula akong manginig.
"S-skyler.." Tawag ko. Pero wala akong nakikitang Skyler. Talagang madilim dito sa kwarto ko.
Hanggang sa may narinig akong kalampag sa pintuan ng walk-in-closet ko. Napasandal ako sa wall. Hindi ko alam gagawin ko.
Gusto ko maging matapang pero nangangatog ang tuhod ko. Pinapangunahan talaga ako ng takot ko.
Pero imbis na pairalin ko ang takot koㅡnagsimula akong maglakad. Dahan-dahan. Hanggang sa makarating ako sa pintuan na kumalampag.
Pagbukas ko ng pintuan ay gulat ako sa nakita ko. Puro dugo. Pero ang nakapagtatak, wala na ang mga damit ko. Clear wall na siya. At may mga numerong nakalagay.
Malaking numero na 7 at 20 tapos yung mga nasa baba naman ay medyo maliliit na numerong 13, 28, 19, 5, 10.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito. Dahan-dahan rin akong napatingin sa taas dahil merong tumulong basa sa ilong ko. Pinunasan ko iyon at nanlaki ang mata ko dahil dugo.
Takot na takot pero nagawa kong tumingin sa taas. Gulat na gulat ako sa nakita ko.
I'll be back.. just wait for me.
Napa-atras ako. Biglang nanghina ang tuhod ko. Lalabas na sana ako ng kwarto pero may lalaking nakatalikod ang tumambad sa akin. Bumalik ang nginig ko. Tuluyan akong umiyak dahil sa sobrang takot ko.
Napasinghap ako nang makita kong dahan-dahan siyang lumilingon sa akin. Bumilis ang paghinga ko.
Hanggang saㅡ
"Shit, Zyana! Wake up! Damn it!"
Napadilat ako at hingal na hingal ako. Kaya naman tinayo ako ni Isaac. Hinahagod niya ang likod ko.
Pinainom niya agad ako ng tubig. Napahawak din ako sa dibdib ko at napasandal sa ulo ko.
"Nightmare?" Tumango ako.
"N-natatakot ako, Skyler.."
Napatingin agad ako doon sa may walk-in-closet ko. Tumayo ako at lumapit doon. Binuksan ko iyon at lahat ng mga damitㅡmga gamit ko ay nandoon. Tinignan ko rin ang taasㅡmalinis at walang bakas ng dugo.
"Bakit? Anong bang nangyari sa panaginip mo?" Tanong ni Skyler.
"May.. may mga numero. Dalawang malaki at ang lima ay maliliit. H-hindi ko alam ibig sabihin non. Meron ding nakalagay sa taas naㅡI'll be back.. just wait for me.."
"I'll be back? Just wait for me?" Napatingin ako kay Skyler. Halatang nag-iisip siya. "Kailangan natin mga kaibigan mo dito. Lalo na si Lalisa. Maraming alam 'yon sa mga ganito."
Nang makarating sila Lalisa ay nagsipuntahan agad sila dito malaki kong kama na kahit sampung tao ay kasyang-kasya ata.
"Ano nanaman nangyari?" Tanong ni Cheyanne.
"Bakit parang napapadalas ata 'yan? Lagi ka na lang nananaginip," Sabi ni Bryleigh.
"Hindi ko nga rin alam eh. Puro masasamang panaginip lagi."
Na-ikwento ko sakanila yung napanaginipan ko. Maski nong mga nakaraan na napanaginipan ko ay kinwento ko na sakanila.
Gulat naman ako dahil nagyakapan si Bryleigh at Cayleigh. Halata mo ang takot sa mga mata nila. Kaya naman ginitna namin silang dalawa. Sila kasi ang bunso sa aming magkakaibigan.
"Hindi ko alam 'to, Zya. Parang kakaiba naman kasi." Sabi ni Lalisa. "I'm sorry pero hindi ko alam ang ibig sabihin ng ganon." Napayuko siya.
Ngumiti na lang ako. "Okay lang, Lali. Panaginip lang naman ata talaga 'to. Hindiㅡshit!"
Gulat akong napatingin sa pintuan ng walk-in-closet ko. Merong babaeㅡbabaeng nakatayo at nakatingin lang sa amin.
"Zyana, anong nakikita mo?!"
Hindi ako makapagsalita. Parang may sinasabi sa akin yung babae.
"Zyana, shit! Look at me! Hey!"
"Zyana!"
Kita kong papalapit na siya sa amin pero nananatili akong nakatulala at nakatingin lang sakanya. Hanggang sa may biglang tumakip ng mata ko.
Mga ilang minuto ang lumipas ay inalis ang takip sa mata ko. Nakita kong wala ng babae.
"Zyana, are you okay?" Tanong ni Geneveive. Tumango na lang ako.
"What did you see?" Tanong ni Lalisa.
"Girl.." Sagot ko. "May suot na dress na white. Maputi. Mahaba buhok. Nakatali ngㅡ" Nanlaki ang mata ko nang mapatingin ako kay Lalisa.
Katulad niya yung babaeng nakita ko kanina. Oh myㅡ
"Nakatali ng?" Tanong niya ulit.
"H-hindi ko na maalala.." May biglang humawak sa kamay ko. Si Skyler. "Bakit?"
Umiling siya. "Para mawala yung kaba mo." Ngumiti siya sa akin. Ginantihan ko rin naman iyon ng ngiti.
"Masamang titigan ang multo," Biglang sabi ni Lalisa. Lahat kami ay napatingin sakanya.
"Dahil maaaring mamatay ang tumitig," Nanlaki naman bigla ang mata ko. "O kaya naman.."
"Kung sino ang taong buhay pa ang nakita mo o naalala mo nong tumitig ka sa multoㅡmaaari rin siyang mamatay."
Shit. No.
~
09.04.16 11:32AM - Sunday
Multimedia section: Skyler Manansala.
YOU ARE READING
I'll Be Back, My Friend
Horror"Humanda ka, dahil papatayin din kita.." -Lalisa. All rights reserved~ -deerqueen