Friend 4

41 4 0
                                    

"Seryoso ka ba talaga dyan, Zya?" Hinampas ko nang mahina yung mukha ni Skyler. Magkatabi lang kaming dalawa pero akala mo nasa kabilang mundo yung kausap. Napakalapit pa ng mukha sa akin. "Sakin non, beshi ha? Nakakabawas ng kapogian 'yon."

"Kailangan kasi malapit? Magkatabi na ngaㅡkailangan ilapit pa mukha?"

Gulat naman ako nang lumapit pa siya lalo sa akin. Kaya naman umatras ako. "Uuuy, bakit parang nanginginig ka? Crush mo ako 'no?"

"A-anoㅡ"

"Okay lang, beshi. Sanay na naman ako na may nagkaka-crush sa akin. Hindi ka nag-iisa. Madami pa sila."

Tinarayan ko na lang siya. Kahit kailan naman talaga 'to. Ni hindi ko man lang nadepensahan sarili ko. Pero baka sabihin niya napaka-defensive ko. Kaya naman hindi na lang ako umimik.

"Back to the topic." Hay salamat at naisip niya 'yan. "Talaga bang si Lali-"

Tinakpan ko ang bibig niya. "Napakaingay mo talaga kahit kailan. Papaputol ko 'yang dila mo eh. Gigil na ako sa'yo kanina pa."

Niyakap niya naman ako bigla. "Beshi naman eh. Joke lang. Huwag ka na manggigil sa akin. Sorry na." Natawa naman ako nong nakita kong nangingilid na yung luha niya. Tch. Ang bakla talaga netong bestfriend ko. Nasigawan ko lang ng ontiㅡumiiyak agad.

"Iyakin talaga."

"Sa'yo lang."

"Huh?"

"Naiiyak lang ako agad kapag ikaw na ang nagagalit. Ayoko kasi nagagalit ka sa akin eh. Alam mo 'yon? Para ba akong mamamatay?"

Binatukan ko ulit. Hindi ko na alam kung naka-ilang batok na ako sakanya magmula kaninang papasok kami hanggang ngayon na nasa classroom kami. "OA mo, Sky."

"Totoo naman." Dahil doonㅡeh napangiti na lang ako. Kahit naman anong gawin neto, eh hindi ko kayang magalit dito nang matagal. Sobrang mahal ko 'tong bestfriend ko. Kung maaari nga ayokong nawawala sa paningin ko 'to. Baka kasi mamaya malingat lang ako, biglang kung ano na ginagawa eh.

Napaka-protective ko dito. Ayoko ngang napapalapit 'to sa mga grupo ng mga lalaking puro papogian ang alam eh. Baka mapariwara lang. Mas mabuti na yung kasama siya sa varsity. Para alam ko na 'yon lang ang bisyo niya. Atleast 'di siya magkakasakit.

"Guys, hindi na daw papasok si Ma'am." Anunsyo nong president namin.

Nag-apir naman kaming dalawa ni Skyler. Tuwang-tuwa talaga kaming dalawa kapag wala yung teacher namin sa science. Lalo na 2 hours pa yung subject namin na 'yon. Kakaloka na kasi. Mas gusto ko math. Pero etong bestfriend ko, laging tulog every math time. Tinatakip ang module sa mukha at ayun tulog. Eh bilang supportive bestfriend niya, tinatakpan ko siya. Nilalapit niya rin upuan ko sakanya para hindi siya mahalata.

"Bryleeeeeigh!"

"Cayleeeeigh!"

Napatingin ako don sa kambal. Hala sige, akala mo isang taon hindi nagkita. Eh laging magkasama sa bahay. Kung magyakapan eh. Abnormal talaga.

"Oh, tulog nanaman si Skyler?" Kumunot ang noo ko at napatingin kay Skyler.

Anak ng tewawang. Kanina lang kausap ko 'to ha?

Bakit parang ang bilis niya naman matulog?! Ang tindi. At infairness, walang module sa mukha niya. Kaya ayan, yung iba naming classmate eh pini-picture-an siya. At yung ibaㅡkinikilig pa.

Kaya ang ginawa ko? Kinuha ko yung mahabang bench & bath ko. Tsaka ko tinakip sa mukha niya. Nakanganga pa kasi. Pero hindi ko alam kung bakit kahit ganonㅡeh ang gwapo gwapo niya pa rin.

I'll Be Back, My FriendWhere stories live. Discover now