Habang ako ay nag-aayos ng gamit ko, hinayaan kong mauna na ang mga kaibigan ko para makakuha ng bakanteng table sa canteen. Dahil lunch ngayon at alam kong mauubusan nanaman kami.
"Dalian mo na dyan."
Napatingin ako sa nagsalita. Si Lalisa. Nandito pa pala siya.
Nginitian ko siya. "Halika na. Hinintay mo pa talaga ako," Sabi ko.
"Syempre naman. Ano pa at bestfriend kita, 'diba?" At talagang kinindatan niya pa ako. "Lika na. Nagugutom na ako."
Habang naglalakad kami, nakasalubong ko si Skyler. Siya ang boy bestfriend ko. "Zyanaaaa!" At sobrang hyper neto. Ewan ko ba. Exam namin ngayon pero nagagawa niya pang maging hyper.
"Kamusta exam, Sky at parang ang hyper mo ata ngayon?" Natatawang tanong ni Lalisa.
"Madali lang kaya ang exam. Bakit? Nahirapan kayo? Psh. Basic!" Pagmamayabang niya pa. Sarap tuktukan ng paulit-ulit talaga nito ni Skyler. Palibhasa ang tali-talino eh.
"Sumabay ka na sa amin. Siguradong may nakuha ng bakanteng table doon sila Chey," Sabi ko at hinila na si Skyler sa tabi ko at nagsimula na kaming maglakad.
Walang nagbago. Laging magulo ang canteen tuwing lunch dahil sabay-sabay ang junior at seniors. Dapat nga hindi pinagsasabay dahil minsan wala na kaming naaabutan na pagkain dito sa canteen.
"Nakabili na kami ng pagkain, Zya. Pare-parehas na tayo dahil ubusan na ng pagkain eh." Sabi ni Genevieve habang katulong ang kambal na maglagay ng pagkain sa table namin.
Tumingin ako kay Skyler. "Pa'no ka? Anong bibilhin mong pagkain?" Tanong ko.
"Okay lang ako, beshi. Huwag mo na ako intindihin. Puntahan ko na lang mga teammates ko. Balik na lang ako mamaya," Sabi niya at ginulo pa ang buhok ko.
Habang kumakain kami, may humawak bigla sa balikat ko. Napalingon naman ako sa taong iyon. Si Joseph, boyfriend ko. "Nandyan ka lang pala," Sabi niya. Nginitian ko naman siya. "Ako maghahatid sa'yo mamaya ha?"
"Pero, Sep, kasabay ko si Lalisa." Bigla naman nagbago ang ekspresyon niya.
"Sabi ko, ako maghahatid sa'yo. Huwag nang matigas ang ulo." May diin ngunit kalmado ang pagkakasabi niya.
Wala naman akong ibang nasabi kundi, "Okay." Hinalikan niya ako sa ulo ko tapos umalis na siya kasama ang mga kaibigan niya.
"Sorry, Lali. Mukhang hindi nanaman tayo magkakasabay mamaya," Malungkot na saad ko.
"Okay lang iyon, ano ka ba? Sa susunod na lang," Nakangiting sabi mo. Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.
"Akala ko ba makikipag-break ka na sakanya?" Tanong ni Cheyanne.
Umiling ako. "Hindi ko alam kung paano ako magsisimula."
"Nako, kung ako sa'yo? Break-an mo na iyan. Mukhang hindi siya worth-it para sa'yo eh." Sabi ni Bryleigh.
"Tama si kambal, Zya. Kung ako ang tatanungin? Si Skyler ang pipiliin ko," Kinikilig na saad naman netong si Cayleigh.
"Anong meron? Bakit ko naririnig ang pangalan ko?" Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Skyler. Pinanlakihan ko naman ng mata si Cayleigh.
"Wala. Oh bakit nandito ka?" Tanong ko.
Nangiti siya at kinuha ang kutsara ko. "Gutom ako." At ayon nga, kinain niya ang pagkain ko. Pinaurong niya pa ako para makaupo siya. "Sarap neto ha?" At ang bwisit, eh inubos na ang pagkain ko. Naki-inom pa sa tubig ko.
Nag-peace sign siya sa akin. "Sorry, beshi. Nagugutom kasi ako eh." Umiling na lang ako dahil sa kakulitan ng bestfriend ko.
Bigla naman may sumundot sa tagiliran ko. Napatingin ako sa kambal at parang kinikilig sa nakikita nila ngayon. Napairap na lang ako. "Tumigil nga kayo," Bulong ko.
"Hi Skyler!" Napalingon ako doon sa tatlong babae na bumati kay Skyler. Mga mukhang kinikilig pa.
Famous kasi 'tong bestfriend ko. Paano ba naman? Mvp 'to ng basketball. Lumalaban na rin siya sa iba't-ibang school at nabi-bwisit ako minsan dahil hindi ako pinapayagan na sumama sakanila. Bakit ba? Baka hindi ko namamalayan na pinagfi-fiesta-han na 'to ng mga babae doon.
"Kumakain pa siya mga 'te. Balik na lang kayo sa susunod," Nakangiting saad ko. Pero sana maramdaman nila na gigil ako sakanila.
Sinunod naman nila ako. Umalis sila. Mabuti naman. "Possessive bestfriend," Sambit ni Skyler. Piningot ko naman siya. "Masakit kasi, beshi. Eto talaga mapanakit eh." Inayos niya ang buhok niya.
"Nilalanggam na kami," Sigaw ni Geneveive. Lumingon ako sakanya at kunwaring pinapagpagan ang legs. Gumaya rin ang iba. Maski si Lalisa ay nakigaya na rin. Mga siraulo talaga.
"Wala namang langgam," Basag ni Cheyanne sa trip nila. Tumigil naman silang lahat at sumama ang tingin sakanya. Nag-peace sign si Cheyanne.
"Cheyaaaaanne!" Tinulak ko si Skyler. para makatayo kaming dalawa. Alam ko na kasi kung anong gagawin nila.
At tama nga ako. Naghabulan silang lahat. Ganon kasi talaga kapag sinisira ni Cheyanne ang trip nila, mauuwi sila sa ganyan. Sa habulan.
"Hatid kita sainyo?"
"Hahatid ako ni Joseph eh," Halos pabulong ko na sabi. Sa totoo lang, mas gusto kong si Skyler ang maghatid sa akin pero ayoko naman na may masabi si Joseph.
"Ganon ba?" Nakita ko naman kung paano nagbago ang ekspresyon niya. "Sa susunod na lang," Nakangiti niyang sabi. "Sige na, aalis na ako, beshi. See you tomorrow!" Ginulo niya ang buhok ko at umalis na.
Bumuntong-hininga naman ako at pinuntahan ko na lang ang mga kaibigan ko na hindi pa rin tumitigil sa paghahabulan. Parang mga bata 'tong mga 'to eh. Kaloka.
Dumiretso na lang muna ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Humarap ako sa salamin para tignan ang itsura ko.
Ang haggard ko na. Dahil siguro sa exam kanina. Di ko na kinaya eh.
Habang naglalagay ako ng toothpaste sa toothbrush ko, bigla na lang namatay ang ilaw.
"Shit!"
Napapikit ako. Halos mabitawan ko ang hawak kong toothbrush dahil biglang nanginig ang buong katawan ko. Takot ako sa dilim.
Nang dumilat ako, ganon pa rin. Hindi pa rin bumubukas ang ilaw. Huminga ako nang malalim. Linakasan ko ang loob ko at tumakbo ako palabas ngunit nabigo ako. Bigla itong nagsarado.
"Tuloooong!" Halos sirain ko na ang pintuan dahil sa takot ko. Hindi pa rin bumubukas ang ilaw. Takot na takot na ako. Mukhang wala pang nakakarinig sa akin.
"Tulungan niyo akoooo!"
Napatigil ako nang marinig ko na isa-isang nagsara ang mga pintuan sa mga cubicle. Doon lalong tumindi ang takot ko. Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko dahil sa takot.
Dahan-dahan ako naglalakad para tignan ang mga pintuan. Lahat ng iyon ay nakasarado na.
Napasandal ako nang may makita akong babae na nasa pinakadulo ng restroom. Nakatayo siya at ang mga mata niya punong-puno ng galit.. at nakatingin sa akin.
"Papatayin kita.." Rinig kong sabi niya.
"T-tulooooong!" Napasigaw na lamang ako nang makita kong tumakbo siya papalapit sa akin. "Tulooooooong!" Napapikit ako at napaupo.
"Zyana?!" Dahan-dahan akong napatingala. Nakita ko si Skyler pati ang mga kaibigan ko. "Shit! What happened?!"
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang yumakap kay Skyler. "Its okay. You're safe now." Lalong humigpit ang yakap ko sakanya. Takot na takot ako. Hindi ko alam gagawin ko kung hindi sila dumating.
Pero.. hindi pa rin ako mapakali.
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako kanina.
Pero.. bakit ganon?
Bakit kamukha ni Lalisa yung babaeng nakita ko kanina?
~
08.24.16. 9:05PM - WednesdayMultimedia section: Zyana Lavato

YOU ARE READING
I'll Be Back, My Friend
Horror"Humanda ka, dahil papatayin din kita.." -Lalisa. All rights reserved~ -deerqueen