Prologue

129 4 0
                                    

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Simula noong nangyari iyon, hindi na ako makatulog. Lagi ko na lang naiisip iyon. Para na akong mababaliw.

Hindi ko alam.

Hindi ko naman...sinasadya.

Alam ko sa sarili ko...aksidente lang iyon. Hindi ko intensyong gawin iyon sakanya.

"Friend, masyado kang tulala dyan."

Hindi ko na lang pinansin ang kaibigan ko na nagsalita. Hindi ko alam kung magagawa ko pa bang kumilos ng normal pagtapos nong nangyari noong nakaraan.

Tinakpan ko ang mukha ko. Ramdam ko naman na biglang tumahimik ang buong paligid. Inalis ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko at doon ko lang napagtanto na ako na lang mag-isa sa classroom.

Dahan-dahan akong tumayo. Hindi ko alam ngunit bigla na lang nanginig ang paa ko.

Humangin bigla. Halos lahat ng gamit ko kumalat sa sahig. Napatingin ako sa bintana. Lahat ng iyon ay nakabukas.

Hindi naman naiwasan ng mata ko ang babaeng nasa pinakadulo ng classroom.

Nanlaki ang mata ko.

Palapit siya ng palapit sa akin. Hinugot ko ang natitira kong lakas para tumakbo sa pintuan. Ngunit hindi ko ito mabuksan. Nakita ko rin na papalapit na siya sa akin.

Hanggang sa magkaharap na kaming dalawa. Gusto kong pumikit ngunit parang may pumipigil sa akin.

"Nagkita tayo ulit...sa wakas.." Biglang nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa malamig na boses niya.

"Hindi kita patatahimikin.."

"Hindi ako titigil.." Kita kong lumapit pa siya sa akin hanggang sa magkalapit na ang labi niya at ang tenga ko. "Humanda ka..."

Lalo ako nanginig nang marinig ko ang huli niyang sinabi, "Papatayin din kita.."

~
Well, first time kong gumawa ng horror story. Paki-support ako. Hehe. Salamat.

This is pure fiction~ don't plagiarize. That's a crime. Let's all be friends.

Date started: August 21, 2016

I'll Be Back, My FriendWhere stories live. Discover now