Makalipas ang dalawang buwan.
Sariwang-sariwa pa rin sa utak ko ang nangyari nong gabing 'yon. Hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng bangungot na 'yon.
Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko ginusto. Hindi ko talaga gugustuhin dahil.. gusto kong iligtas ang kaibigan ko. But it gone wrong.
"Zyana?" Napatingala ako. Ang mga kaibigan ko.. nakatayo sila sa harapan ko. "Let's go.." Aya nila.
Saka ko na lang napagtanto na lahat ng estudyante ay lumabas na. "Kumain na tayo." Rinig ko pang sabi ni Seifred. Tumango na lang ako.
Nang makalabas kamiㅡsakto na papunta sa amin si Skyler. May dala-dala siyang dalawang malamig na tubig.
"Zya.." Ngumiti na lang ako sakanya. "Sunod na lang kami."
"Sige.. sunod agad kayo ha? Bibili na kami ng pagkain natin." Sabi ni Vieve. Tumango kaming dalawa ni Skyler.
Nang makaalis silaㅡgulat ako nang hawakan ni Skyler ang dalawang kamay ko. Napatingin naman ako sakanya.
"Hey.. wala kang kasalanan, okay? Hindi mo iyon ginusto." Pagkasabi niya non ay awtomatikong napaluha ako. Tuwing naaalala ko ang nakaraan ay naiiyak na lang talaga ako.
Ramdam ko ang higpit ng yakap sa akin ni Skyler. Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya dahil mas matangkad siya sa akin.
Nang matapos ang insedenteng 'yonㅡpinaliwanag namin ang lahat sa magulang ni Lalisa. Inakala ko na ipapakulong nila ako ngunit mas naniwala pa rin sila na hindi ako ang may kasalanan. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ng mga kapulisan si Joseph. Ngunit lumipas na ang dalawang buwan ay hindi pa rin siya nakikita.
Kahit hindi ko sadya 'yonㅡay ako pa rin ang nakapatay sakanya. Sobrang sakit para sa akin. Dahil para ko na ring kapatid si Lalisa. Siya ang pinaka-malapit sa akin sa aming magkakaibigan.. bukod kay Skyler.
"Kain na tayo. Huwag ka na mag-isip masyado." Hinawakan ni Skyler ang kamay ko at sabay na kaming nagpunta sa canteen. Mabilis lang namin natanaw ang mga kaibigan ko kaya namanㅡkumain agad kami.
Habang kumakain ako.. naramdaman ko na lang na may humihinga sa kaliwang tenga ko. Kaya napatigil ako. Mabilis ko pang nabitawan ang kutsara't tinidor na hawak ko.
"Zyana.. what's wrong?"
Hindi ako makagalaw. Rinig ko ang mahinang halakhak niya habang ramdam na ramdam ko pa rin ang hininga niya sa tenga ko.
"Hindi kita papatahimikin," Nanlaki ang mata ko. Biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa braso dahil sa sobrang lamig ng kanyang boses. "Papatayin kita.. maghintay ka lang."
Hindi ko alam ngunit bigla na lang siya nawala. Naramdaman ko naman na may yumuyugyog sa akin. Si Skyler. Punong-puno ng pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Okay ka lang? Anong nangyari?"
Umiling ako. Babalik na sana ako sa pagkain nang bigla akong napatingin sa harapan ko at imbis na si Seifred ang nakita ko.. bigla kong nakita si Lalisa.
"Ah!"
Nakita ko ang pag-ngisi niya. "Nakalimutan kong sabihin sa'yo.. hindi magiging maganda kung ikaw lang. Hayaan mong.. unahin ko ang mga kaibigan mo." At bigla siyang naglaho.
Napaluha ako. Ako lang naman ang may kasalanan.. bakit pati sila Cheyanne idadamay niya pa? Natatakot ako.
"Zyana? Anong nakikita mo?" Tanong sa akin ni Seifred dahil sakanya na ako nakatitig ngayon.
"W-wala. Sorry.." Bumalik na ako sa pagkain ko. Pansin ko na nakatitig lang sa akin si Skyler. Nakikita ko siya mula peripheral vision ko.
Nang matapos ang lunch time.. nandito lang kami sa classroom. Iba't-iba ang ginagawa naming lahat. Wala nanaman kasing professors, may biglaang meeting.
Kaya naman.. katulad ng lagi naming ginagawa, bumibilog kami. Si Skyler ay pina-pwesto ko dito sa may bintana dahil alam kong pagpe-pyestahan nanaman 'to ng mga kaklase naming mga babae.
"Zyana.. okay ka lang ba? Napapansin ko laging may nangyayaring hindi maganda sa'yo." Panimula ni Vieve.
Alam nila ang nangyari. Hindi ako natakot na sabihin sakanila. Isa pa.. karapatan nilang malaman dahil kaibigan din nila si Lalisa.
Ang unang naging reaksyon nila ay syempre.. pagka-gulat. Ngunit kalaunan.. mas naniwala pa rin sila na hindi ko ginustong patayin si Lalisa. Hindi ko naman talaga ginusto. Mahal ko si Lalisa.. para ko na rin siyang kapatid.
Hayop talaga si Joseph. Sana mahanap na siya ng pulis at mabulok sana siya sa kulungan.
-
Sabay kaming umuwi ni Skyler. Sinabi niya na dito na muna siya matutulog sa amin. Dahil mas nag-aalala siya sa akin ngayon. Dalawang buwan na ang lumipas ngunit nandito pa rin ako. Patuloy pa rin akong hinahabol ng pangyayari na 'yon.
"Andito lang ako ha? Lagi mong tandaan 'yan," Sabi ni Skyler. Napangiti naman ako at tumango.
Alam ko naman na nandyan ka lang. Alam kong 'di mo ako iiwan. Thank you, Skyler.
"Mameh! We're home!" Natawa naman ako. Kung makapagsabi ng we're home, akala mo talaga bahay nila 'to eh.
"Skyler? Nandito ka! Tamang-tama at paborito mong ulam ang niluto ko." Bungad sa amin ni Mom na naka-apron pa talaga. Mukhang kakaluto niya lang.
"Yehey! Si Mameh talaga, mahal na mahal ang napaka-pogi niyang anak." Napahawak naman ako sa noo ko. Sobrang kulit talaga ni Skyler. Anak? Anak talaga. Ano ko siya, kapatid? Jusko.
"Sige na. Mag-ayos na kayo. Ihahanda ko na ang pagkain natin."
Sumagot naman kaming dalawa ng, "opo".
Mabilis lang kaming nakapag-bihis. Lalo naman si Skyler. Madaling-madali eh. Meron na rin kasing mga damit si Skyler dito. Request ni Mameh, mama niya. Lalo na ngayon.. dito na siya matutulog halos araw-araw.
"Zyana, beshy." Napatingin ako kay Skyler. Naka-sando at pajama na siya. Natawa naman ako sa itsura niya. "Huwag mo akong pagtawanan. Nagugutom na ako!" Hinila niya ako. Habang pababa kami ng hagdan.. tawa pa rin ako nang tawa.
"Mameh oh. Si Zyana.. tinatawanan ako." Pagsusumbong niya.
"Hay nako, kayo talagang bata kayo. Kumain na kayo."
Nang matapos kaming kumain dumiretso agad ako sa kwarto ko parang gawin ang lahat ng homework.
Si Skyler ay nagpa-iwan na muna sa baba para tulungan si Mom at para rin makipag-kwentuhan.
Habang nagsusulat ako.. biglang tumunog ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Cheyanne.
"Hello?"
"Zyana.. ano na gagawin natin? Birthday na ni Seifred next week." Ay oo nga pala. Nakalimutan ko na. Mabuti pina-alala netong bwisit na 'to.
"Sige. Bukas before morning class, magpunta muna kayo dito sa bahay. Okay? Bibili tayo ng balloons." Rinig ko naman ang pagsagot ni Cheyanne ng, "okay".
Nang mababa ko na ang tawagㅡgulat ako nang mag-ring ulit ang phone ko. Tinignan ko iyon ngunit unknown number.
Dahan-dahan ko naman iyon sinagot. "H-hello?"
"January 22, 2017."
Magsasalita pa sana ako nang mabitawan ko ang phone ko dahil sa mga numero na nakita ko sa dingding ko. Puro 22 ang nakalagay.
Hanggang sa may naalala ako.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa kalendaryo ko. Hinahanap ko agad ang 22.
Shit.
22. Next week. January.
Oh my God.. no.
Birthday ni.. Seifred.
YOU ARE READING
I'll Be Back, My Friend
Horror"Humanda ka, dahil papatayin din kita.." -Lalisa. All rights reserved~ -deerqueen