Kim Povs
Hi, ako nga pala si Kim.. Ako ang bestfriend ni Shane. Isa akong half chinese half filipino. Isa akong model. Saan? Secret ko na yun. Basta sa isang magazine 😉
Childhood bestfriend ko si Shane kaya naman kilalang-kilala ko na sya. High school palang kami pinapangarap nya na makaharap ang banda ng farenheit pero kapag nagkakaroon ng pagkakataon.. Wala. Nganga ang lola. Pano kasi kapag andyan na. Natutulala na lang sya bigla at hindi na nakalapagsalita kaya ayun nasasayang ang pagkaka-taon na binibigay ko sa kanya.
Anong ibig ko sabihin? Saka nyo malalaman ang sikreto ko. Ituloy nyo lang pag-babasa ng kwento namin hihi.
" bes, kanina ka pa?! " sigaw ni Shane pagkapasok sa pintuan ng restaurant
Hay! Napaka-ingay lagi! Inirapan ko lang sya. At ngumiti sya ng napagkalaki laki sakin habang umuupo sa upuan sa harap ko.
"Bakit ang tagal mo? 30minutes ago sabi mo malapit kana. " sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay.
Itinaas nya ang kamay nya para kumuha ng atensyon ng waiter.
"Na-trapik eh" nakangising sagot nya sa akin
" yahhh natrapik sa CR. Kabisado na kita. Yung malapit mo ibig sabihin maliligo palang. Ano bang bago. Hay nako. "
"Grabe ka, jetlag pa kaya ako, nakakalimutan mo bumyahe pa ako galing ni bicol" sagot nya
"Excuse me, mam. Ready na po kayo umorder?" tanong sa amin ng waiter
" may lason ba tayo? Para sa bespren kong pagong? " sarcastic kong sagot na kinagulat ng waiter.
Tumawa ang bruha.
" just give us 2 clubhouse and 2 orange juice" sagot nya habang tumatawa" 2 clubhouse and 2 orange juice, is that all mam? " tanong ulit ng waiter
Pwede ba pukpukin ng takong ko yung waiter ang tagal eh kanina pa ako nagugutom kundi dahil dito sa walang yang bespren ko tsk
" sige bigyan mo din kami tigisang chocolate ice cream" sagot ulit ni Shane at nagpaalam na ang waiter
" bakit ba ang sungit mo ngayong araw, meron ka ba ngayon?" tatawa-tawang sabi ni Shane.
"Eh bakit ka tawa ng tawa? Baliw lang?"
"Nakakatawa kasi yung mukha mo!"
"Yung maganda ko mukha nakakatawa? Sobra ka na talaga ah!"
"Syempre honest bestfriend!" sabi nya na nakangise at napangise na rin ako.
"Sorry late ako." sabi ng isang pamilyar na boses na nakapagpawala sa ngiti ko.
Ang boses na yon ay galing sa babaeng dahilan ng pagkasira ng pamilya ko.
"Ok lang maupo ka na" nakangiting sabi ni Shane sa kanya
"Bes sorry ako nag-invite sa kanya pagbigyan mo na ako ngayon, birthday ko namn"
May magagawa pa ba ako? Tumango na lang ako bilang pag-sangayon. Ramdam ko ang mga tingin nila sakin kahit nakayuko ako.
Huminga ako ng malalim at ngumiti. Kinuha ko ang isang maliit na box sa loob ng bag ko at ipinatong ito aa lamesa.
"Bes yan regalo ko sayo, happy birthday!" bati ko sa kanya at tumayo ako para halikan sya sa pisngi
ESTÁS LEYENDO
My Dream Came True? Sorry, I Have Amnesia
RomanceSi Shane Alcantara. Isang simpleng babae na patay na patay sa isang sikat na boy band na Fahrenheit. Wala syang ibang pinangarap kundi makalapit sa kahit isang myembro ng banda. Ngunit isang simpleng babae nga lang ba talaga sya? O may tinatago pa s...