Lumalakas na ang ulan, buti nalang may dala akong payong.Sino kaya yung lalaki kanina bihira ang lalaki sa subdivision na ito lalo na dun sa lugar kung saan ako lagi sumasayaw ng patago.
"Well, well, ang babaeng mang-aagaw ng boyfriend" si Annika na nakatayo na pla sa harapan ko habang pinapayungan sya ng kaibigan nyang si rissa
Isa sila sa mga hinahangaan sa University dahil sa ganda nila. Ano naman kailangan nila sa akin, hindi naman nila ako pinapansin dati. Tsaka, teka. Mang-aagaw ng boyfriend? Ako ba talaga kinakausap nya?
Inikot ko ang ulo ko sa paligid mukang kami lang naman ang tao sa paligid. Anong drama nila, wala naman ako boyfriend o kahit inaagaw di ko ugali yun noh.
"Tanga, ikaw nga yun. Dahil ikaw lang ang tao dito bukod sa amin" sabi ni Rissa.
"Teka, di ko kayo maintindihan"
Lumapit sila sa akin dahan dahan. Bakit parang galit sila sa akin. Ano ba nagawa ko sa kanila?
Inagaw ni Annika ang payong ko at binali nya ito. Saka pinag-aapakan.
" hay, grabe.. Nababaliw na ba kayo?"
"Malamig ba? Ganyan na ganyan ang naramdaman ko at higit pa dyan." sabi ni Annika.
Ramdam ko ang galit nila, pero di ko maintindihan. Natatakot na din ako, anong gagawin ko, tatakbo na ba ako?
"S-sorry, hindi ko alam ang sinasabi mo. Mauuna na ako." paalam ko sa kanila at nagpatuloy na ako sa paglakad. Nilalamig na rin ako, ikaw kaya maligo sa ulan ng gabi.
Biglang hinila ni Rissa ang manggas ng damit ko dahilan para mapunit to. Nagsimula na ako tumakbo. Nang makapasok ako sa gate may nakita akong kotse. Pero hindi ko na to pinansin kaso nadapa ako ng makalapit na ako sa kotse.
"Hindi ka makakatakas sa amin." si Rissa kasama si Annika na papalapit sa akin.
"Ano ba kasi gusto nyo? Ano ba kasalanan ko sa inyo?" nanginginig kong tanong. Pero di nila ako sinagot.
Pinunit ni Annika ang t-shirt ko.. Tanging bra nalang ang pantaas ko at ginaw na ginaw na ako.
"Tama yan annika" sabi ni Rissa
"Tama na please..sabi ko habang umiiyak."
Biglang bumukas ang ilaw sa bumper ng kotse at napahinto si Annika dahil don. Narinig ko ang pag-bukas ng pinto ng kotse.
"Arf! Arf!"
Napatakip na ako sa mukha sa takot kung ano mangyayari. Palalapa yata nila ako sa aso.
"Ahhh!" sigaw ni Annika at Rissa
Anong nangyari? Naliligo na sa tubig sila annika. Hindi tubig ulan, tubig mula sa hose ng garden, isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil sa liwanag na galing sa kotse. Hawak nya ang hose at nakatapat ito kila Annika. Basang basa na sila Annika
Napalingon ako sa katabi ko. ⊙︿⊙
K-katabi ko ang isang wolf!! Akala ko sa gumat lang may wolf?
"Tara na, Rissa" sabi ni Annika at tumakbo na palayo, sumunod sa kanya si Rissa.
Binitawan na ng lalaki ang hose at dahan dahan lumalapit sa akin. Ano gagawin ko? Gusto ko na din tumakbo palayo pero may katabi akong wolf.
![](https://img.wattpad.com/cover/81507783-288-k27738.jpg)
ESTÁS LEYENDO
My Dream Came True? Sorry, I Have Amnesia
RomantikSi Shane Alcantara. Isang simpleng babae na patay na patay sa isang sikat na boy band na Fahrenheit. Wala syang ibang pinangarap kundi makalapit sa kahit isang myembro ng banda. Ngunit isang simpleng babae nga lang ba talaga sya? O may tinatago pa s...