Chapter 1: Bestfriends

91 3 0
                                    


Mikaella Joyce's POV


Ugh, ano ba yan? bat ang liwanag? Unti unti kong dinilat ang aking mata ng tumapat sa mukha ko ang sinag ng araw. Anong oras na ba? Kinapa ko ang orasan sa tabi ng aking kama. 7:00 o'clock palang, makatulog na nga lang ulit. Ipinikit ko ang aking mata at..... WHAAAAAAT? 7:00 o'clock na!!!! Hala, late na ko. Tumayo na ako at kinuha ko ang aking tuwalya. Mabilis akong tumakbo at naligo, siguradong magagalit nanaman sakin si Kyle. Ang sakit kaya mamimitik nun tsk. Oh? btw, I'm Mikaella Joyce Bautista. 19 years old. Nag aaral ako sa HHA (Holy Heart Academy), mahaba ang buhok ko, MAGANDA, Maputi. Ahmmmmm, ano pa ba? Ah basta yun na yun hehe.


Pagkatpos kong maligo, mabilis akong nagbihis at nag ayos ng sarili. Masesermunan nanaman ako ng kumag na to tsk. Tinali ko na ang mahabang buhok atsaka lumabas ng kwarto.


Nakita ko si mama na nag aayos ng pagkain sa lamesa habang yung magaling kong bestfriend ay matalim ang tingin sakin. Yes, you hear it right? He is my one and only overprotective BESTFRIEND. Sa sobrang overprotective nyan, iisipin ko na lang na may gusto sya sakin. Pero syempre joke lang yun!! Haleeer, bestfriend lang turing sakin nyan. Imposibleng magkagusto sakin yun.


Iniwas ko nalang yung tingin ko sakanya, para na nya kong papatayin eh! At buti nalang sinalubong ako ni mama, buhat nya ang pinakacute kong kapatid hihi. Sarap pisilin ng pisngi, nakakagigil. "Goodmorning anak, mabuti naman nakapag-ayos ka na. Kanina ka pa hinihintay nitong bestfriend mo. Sabi ko nga mauna na sya eh, kasi baka ma-late ka nanaman. Kyle, kumain muna kayo". Sabi ni mama. 


"Goodmorning din po ma." sabi ko sabay halik sa pisngi. Ano ba naman to si mama? masyadong mabait kay Kyle.


Tumayo si Kyle at naglakad papunta dito sa pwesto namin. "Thanks tita, but no thanks!" sabi ni Kyle. Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita nanaman tong kumag na to. "Actually tita, okay lang po kahit maghintay ako! Sanay na po ako sa kabagalang kumilos ni MJ". dagdag nya na nagpainit ng ulo ko.


Tinignan ko sya ng masama. "Hoy kyle anong sanay? kapal mo rin eh noh? parang tatlong beses palang tayong mala-late. Ang yabang mo."


"Whatever". Sabi ni kyle sabay ngisi at kindat. Aba't talaga nga naman. Nagpapacute pa tong gagong to. Pero infairness, ang pogi nya talaga pag gumaganon sya hihihi.... Oppps? hala ano ba naman tong iniisip ko? Minsan talaga nahahawa nako sa pagkabaliw nito eh.


Pagkatapos kong kumain ay inaya ko na si kyle para pumasok. Late nako sa first subject ko, ang daldal kasi neto eh. Makipagchikahan daw ba kay mama? Oh well, palagi naman syang ganyan eh. Hinila ko na sya palabas ng bahay.


Diko alam kung matatawa ba ko sa itsura nya o ano. Hahahaha ang epic naman kasi eh! Binitawan ko na yung kwelyo nya dahil di na daw sya makahinga. "Aray ko naman best!!! Napaka-amazona mo talaga!! Ganyan ka nalang ba palagi sakin? Palagi mo nalang akong sinasaktan. Hindi mo na ba ko mahal?" sabi nya na ikinalaki ng mata ko. Seryoso ba sya dun? first time nya lang sinabi sakin yun. OMG!! Bakit ganto nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bago pa ko mabaliw sa iniisip ko ay bigla syang nagsalita. "Hoy MJ ano dyan ka nalang ba forever o gusto mo ng sumakay kasi late na late na tayo?" aniya nagpabalik ng diwa ko. Mabilis akong sumakay sa kotse nya. 


On the way na kami sa school pero wala nagsasalita saming dalawa. Ang bigat ng atmosphere! Bakit ko ba kasi inaalala yun? Hayyy ang gulo naman. Tumingin akosa labas habang iniisip parin yung mga sinabi nya kanina. "Hey MJ, are you okay?" tanong nya. Tumingin lang ako sakanya at ngumisi. "Oo naman no! may naisip lang ako, dont worry about me. I'm okay". sabi ko bago tumingin sa labas.


Tumango na lang sya at dumiretso ng tingin sa daan. Hindi pwedeng mangyare to? Wala lang yung sinabi nya kanina MJ. Calm down, wag mo ng isipin yun. Bestfriend lang tingin nya sayo, hanggang dun lang yun!! Nothing more, nothing less.


********


My OverProtective BestfriendWhere stories live. Discover now