Chapter 4: Phone Call

41 0 0
                                    


 Mikaella Joyce's POV


Tapos na kaming gumawa ni kyle ng assignment. Pauwi na kami ngayon, wala na namang nagsasalita samin. Gusto ko siyang kausapin pero di ko alam kung saan ako mag uumpisa kaya naisipan kong magpatugtog nalang. Kinuha ko ang cellphone ko atsaka nag-play ng music.

Habang nagso-soundtrip ako, tinignan ko siya na mukhang seryoso sa pagda-drive. Di ko na kinaya ang katahimikan kaya nagsalita na ako.

"Ahm best? don't get me wrong. I'm just asking, why are you so protective over me?" sabi ko. Nilingon nya ako atsaka ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Simple lang, dahil bestfriend kita. Ayokong may mangyari sayo, kung kailangang bantayan kita magdamag gagawin ko. Ayokong may lumalapit sayo na ibang lalaki." nginitian nya ko. Damn that smile!! Di na ako umimik, hahaba lang tong pag uusapan namin. Wala din namang magbabago, ganun at ganun parin naman ang gagawin nya kahit na magreklamo ako.

Nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Pinapasok ko muna siya ngunit tinanggihan nya ako. "Wag na MJ, anong oras na din kasi baka hinihintay ako ni mommy. Magdi-dinner kasi kami." sabi nya.

"Ah ganun ba? Sige. Thanks ulit best, text mo nalang ako mamaya. Ingat sa pagda-drive. Bye!" Pinaandar na nya ang kotse nya, kinawayan ko lang siya.

Pagpasok ko ng bahay, sinalubong ako ni mama ng yakap. "Kumain na po ba kayo ma? Si kaizer po tulog na ba?" tanong ko. Dumiretso ako ng kusina dahil naaamoy ko ang nilutong pagkain ni mama.

"Di pa anak, hinihintay kita para sabay na tayong kumain. Si kaizer nasa kwarto natutulog na, napagod kanina yun sa paglalaro." ani mama na siyang tinanguan ko.

Nang matapos kaming kumain ni mama, ay nagpaalam na akong umakyat ng kwarto. Haaaaay nakakapagod makapagshower nga muna. Kinuha ko ang tuwalya ko pero bago ako pumasok ng banyo ay naalala kong magtetext nga pala si kyle. 

Nakita kong may 3 messages galing sakanya.

From: Best<3

Ano ginagawa mo?

Hey, are you busy?

Why did you not answering my text? 


Nakoooo, mukhang nagalit. Nireplyan ko na siya agad agad, baka tadtarin na ako nito.

To: Best<3

Sorry kyle. Kumain kasi ako eh, sumabay ako kay mama kasi hinihintay daw nya ako. Wait up, shower lang ako

MESSEGE SENT!


Ilalapag ko na sana ang cellphone para pumunta ng banyo ng bigla nanaman siyang magtext. Aba, ang bilis naman nyang makapagreply.

From: Best<3

Ah ganun ba? Sige shower ka na muna, ang baho mo na eh. HAHA kidding


Ayos to ah?! Sabihan daw ba kong mabaho. Porket mabango siya!! Ay ano ba yan bakit yun iniisip ko? Makapagshower na nga lang. Tumayo na ako at nagpunta na ng banyo.

Pagktapos kong maligo, kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung nagtext nanaman siya. 

From: Best<3

Hey are you done? Tawag ako ngayon.


Yung text nya na yun ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. OMG, bakit ganito nararamdaman ko? Bakit parang gustong lumabas ng puso ko. 


PHONE RINGS!!!


AYAAAAN NA TUMATAWAG NA SIYAAA!! WHAT CAN I DO? 

Sinagot ko yung tawag niya, kinakabahan ako! Sana di nya mahalata.


(Hello Best!!)

.........

(Uyy hello, bat ayaw mong magsalita?) 

Patay kang bata ka?! MJ ano ba? Si kyle lang yan umayos ka!!

"A-ah h-hello best?" 

(Bakit hindi ka nagsasalita? may problema ka ba? are you okay?)

Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

"Wala kyle, Okay lang ako! May ginawa kasi ako". I lied baka kung ano pa isipin nito.

(Ah ganun ba? Busy ka ba? Pwede naman ako tumawag mamaya. You should take your time)

Sabi nya. WHAAAAAAAAT? NO WAY, DI KO NA NGA ALAM SASABIHIN KO EH.

"Okay na kyle. Bat ka nga pala napatawag?"

(Wala naman, namiss lang kita!)

ANO BA KYLE?!! TIGILAN MO KO SA MGA GANYAN MO KINIKILIG AKOOOOO. 

"A-ah ganun, n-namiss din k-kita" SHIT.

(Oh bakit ganyan ka magsalita? Ayos ka lang ba talaga?) 

"Oo nga. Ayos lang ako. Wala ka na bang sasabihin?" Calm down MJ, mahahalata ka nya.

(Ayaw mo na ba akong makausap?) 

"Hindi naman sa ganun. Inaantok na kasi ako, kailangan kong mag-beauty rest. Alam mo na masyado akong napagod kakahanap sayo kanina." sabi ko na nagpahalakhak saknya. Oh shit kyle wag kang tumawa!!!

(Alright then, magpahinga ka na. I'll pick you up tommorow. Gumising ka ng maaga ha? Ayoko ng ma late) 

"Okay!" Then i'll hung up.

Wooooo, Thanks god. Bakit ganito nararamdaman ko para kay kyle? Am I inlove with my Bestfriend? Hell no, Impossible!! Kailangan ko tong pigilin bago pa lumalim. Mag bestfriend lang kami. Hanggang dun lang yun.


*******


My OverProtective BestfriendWhere stories live. Discover now