Chapter 5: Crush

30 0 0
                                    

 Mikaella Joyce's POV


Hindi maalis sa isip ko yung nangyari kagabi. Halos di ako nakatulog dahil sa naramdaman ko kay kyle. Am I dreaming right? Hindi totoo lahat ng yun kagabi. Haaaaay, kaya heto ako ngayon, antok na antok na bumangon sa kama ko. Di ko na kasi alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Kainis na kyle to!!!


Tapos na akong maligo. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba. Naabutan ko si mama na naghahanda na ng almusal para sa'amin. Nahagip ng mata ko yung taong nagpabilis ng puso ko kagabi. Shit, what happened to me? Eto na naman yung puso ko. Umiwas na ako ng tingin dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kapag pinagpatuloy ko pa ang pagtitig sakanya.


Pumunta na ako kay mama na ngayon ay pinapakain na ang bunso kong kapatid. "Oh anak, kumain na muna kayo ni kyle bago pumasok." sabi ni mama habang sinusubuan si Kaizer.


Tumango ako kay mama. "Opo ma, tawagin ko lang po si Kyle." sabi ko na tinanguan naman ni mama. Naglakad na ako papunta kay Kyle para ayain ng kumain.


Habang papalapit na ako sa pwesto niya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit basta kinakabahan ako ng sobra.


Nasa tapat na ako ni Kyle, nag-angat siya ng tingin sakin. Naramdaman nya siguro ang presensya ko.


"A-ahm Kyle, kain na daw muna tayo sabi ni m-mama bago u-umalis." sabi ko habang nauutal. Shit.


Kumunot ang noo nya at mabilis na lumapit sakin. "Are you okay MJ? May masakit ba sayo?" sabi nya na mukhang nag-aalala na.


Umiling ako at lumayo ng kaunti. "I'm okay Kyle and wala ding masakit sakin. Nagugutom na kasi ako. Ano tara na? Baka ikaw pa makain ko sige ka hahahaha." pabiro kong sabi para hindi na sya mag-alala. 


Bago pa siya magsalita ay naglakad na ako. Alam ko naman kasi na hindi sya naniniwala sa sinabi ko kaya iniwan ko na siya dun. Kumuha na ako ng pinggan at nagsandok ng makakain. 


Habang kumakain ako, naraamdaman ko na nakatayo si Kyle sa likod. Nagsalita si mama at pinaupo na sa tabi ko. "Kumain ka na muna Kyle." sabi ni mama, nakita kong umiling si Kyle. 


"Thankyou na lang po tita. I'm still full, kumain na po kasi ako kanina sa bahay bago pumunta dito." sabi ni Kyle habang nakangiti ngunit nararamdaman ko na peke lang yung ngiti na yun.


Tumango si mama. "Ah ganoon ba? Osya sge. Mj bilisan mo na dyan nang makaalis na kayo." sabi ni mama, tumango lang ako atsaka nagmadali ng kumain. Nagpaalam na ako kay mama at hinalikan sya sa pisngi bago umalis. 


Nakasakay na kami ngayon. Wala nanamang umiimik saming dalawa. Nagpapakiramdaman lang kami kung sino ang unang magsasalita.


Magsasalita na sana ako ngunit naunahan na nya ako. "Anong balak mo sa nalalapit na pageant? Sasali ka ba?" Tumingin siya sakin ngunit binalik niya din agad yung tingin sa kalsada.


Oo nga pala malapit na yung pageant. Nung nakaraang taon kasi, ako yung nanalo sa pageant! Ayoko na sanang sumali noon, pero mapilit yung mga ka-blockmates ko kaya wala na rin akong nagawa.


Nilingon ko siya. "Hindi ko pa alam eh. Alam mo naman na ayaw ko ng mga gantong bagay diba? Pinilit lang nila ako kaya sumali ako noon." sabi ko. 


Sa totoo lang, ayaw ko talaga ng mga ganitong kaganapan kasi unang una sa lahat. Gatos lang yan, eh hindi naman kami mayaman. Pangalawa, hindi naman ako mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Ayos na ako sa ganitong mukha. Pangatlo, ayoko talaga ng mga ganito.


Tumango lang siya. Andito na pala kami sa school, nauna na akong bumaba. Hinintay ko nalang sya sa entrance dahil pinark nya pa yung sasakyan nya.


Naglakad na kami papasok ng school. Marami ang ngumingiti at bumabati saamin. Karamihan na nakakasalubong namin ay puro babaing nagpapacute dito sa katabi ko. Kulang nalang mahimatay sila dahil sa kilig. Ngiti palang kasi ni Kyle pamatay na, hindi ko naman maitatanggi yun. Oh well, ang gwapo naman kasi ng bestfriend ko eh! Kaya kahit sinong babae, nagkakandarapa sakanya.


Hinatid na ako ni Kyle sa room ko. "Kita nalang tayo mamayang lunch. I'll text you." sabi nya at umalis na. Pumasok na ako at nakita kong kinawayan ako ni Trisia. Nilapitan nya ako at niyakap, niyakap ko din sya pabalik. 


Siya na yung unang kumalas sa yakap naming dalawa atsaka hinarap ako. "Hi friend, sasali ka ba ulit ng pageant?" tanong nya. Hindi ko maitatanggi na maganda talaga si Trisia. Bukod sa maputi,maganda, at mabait ay napakatalino nya pa. Isa sya sa pinakaclose kong kaibigan dito sa campus. Let's say we're bestfriend na din. Hihihihi.


"Diko pa alam trish eh. Wala naman kasi talaga akong hilig sa mga ganyang bagay." sabi ko atsaka umupo.


Nakita kong lumungkot ang mata nya. "Sayang naman friend, akala ko pa naman sasali ka?! Balak ko pa naman na ilista na yung pangalan mo kaso mukhang ayaw mo na ata." sabi nya.


"Hoy trisia, ang drama ah. Syempre hindi ko pa alam kung ako yung irerepresent nila ulit. Malay mo iba na diba? Tyaka wala talaga akong hilig sa mga ganito. Pero kung ako padin yung irerepresent. Pag iisipan ko!" Ngumiti ako sakanya para naman mabawasan yung lungkot sa mukha nya. 


Tumili siya ng pagkalakas-lakas. Halos mabasag ang eardrums ko dahil sa pagtili nya. Kahit kailan talaga tong babaing to.


"OMG friend!! Bilisan mo na ang pag iisip dahil ang balita ko ay kasi kasali daw si Cristian. Yung crush mo!!! Kyaaaaaaah, malay mo siya maging partner mo." sabi nya na di parin tumitigil sa pagtili.


Wait!!! Ano daw? Tama ba narinig ko? Sasali si Cristian?? Kyaaaaaaaaaaah, OMG!!! SASALI NA AKOOOOOOOO.


******

My OverProtective BestfriendWhere stories live. Discover now