Chapter 2: I'm Sorry

63 1 1
                                    


 Mikaella Joyce's POV


After 5 minutes, nakarating din kami sa school mabuti na lang at walang traffic. Bumaba na ako ng kotse at hinintay ko na din syang makalabas. Hindi ko na rin masyadong inisip yung sinabi ni Kyle kanina.


Naglakad na kami papasok sa main gate, may mga kaibigan din ako na binati na ako. Kilala kami ni Kyle sa buong campus. Pero mas kilala si Kyle sa campus, mabait na gwapo pa! Habang naglalakad kami, nakita ko si Jacob na palapit samin. "Hi Mikaella, Kamusta araw mo ngayon?" Sabi nya habang nakangisi sakin. Isa kasi sya sa mga nanliligaw sakin. Oppsss, nasa tabi ko pala tong kumag na to. Napakaoverprotective pa naman nito!! Dont get me wrong, matagal na syang ganyan sakin pinapabayaan ko na lang hehe.


Sumingit si kyle at hinarap si jacob. "Pwede ba Jacob, tigilan mo nga tong si MJ. Tigilan mo yang ligaw na yan kundi makakatikim ka talaga sakin!! Bawal magboyfriend tong bestfriend ko kaya lumayo layo ka!!" Sabi ni kyle na seryosong nakatingin kay jacob.


"Okay,okay! Chill bro, I just wanted to know if she's ok." Sabi ni jacob na hanggang ngayon ay nakangisi padin. "Una na ko guys." sabi ni jacob sabay tapik sa balikat ni kyle. "Bye Mikaella". pahabol nya sabay kindat sakin atsaka tumakbo palayo.


Umiling nalang ako saka tinignan si Kyle, naabutan kong nakakunot ang noo nya. Problema nito? "Hoy kyle, anong acting yun ha? Parang nangamusta lang yung tao eh". Sabi ko habang naglalakad kami


Huminto siya kaya napahinto din ako. "Anong gusto mong gawin ko? Matuwa kasi madaming lalaking lumalapit sayo. Dapat ba magpaparty ako ha MJ?" medyo tumaas na yung boses nya, kitang kita mo talaga na galit sya. Madami na ding nakatingin na estudyante. 


Tinignan ko sya na parang hindi makapaniwala sa inaasta nanaman nya. "Look kyle, wala naman syang ginawang masama diba? nangamusta lang yung tao. Wag ka ngang paranoid, kung makaasta ka kala mo naman boyfriend kita". sabi ko sabay irap, kaya naglakad nako.


Kala ko susunod sya para pigilan ako, pero nandun parin sya sa pwesto namin. Tiningnan ko sya, nawala na yung bad aura na bumabalot sakanya, parang nabagsakan na sya ngayon ng langit at lupa. 

Binalikan ko sya para hilahin. "Hoy kyle ano dyan ka nalang? Late na tayo tsk". Classmate ko kasi sya 3rd subject. At dahil hindi na kami nakapasok sa dalawang subject, kailangan na naming magmadali. Ang drama naman kasi nitong lalaking to.


"I'm sorry." Yun lang ang narinig ko mula sakanya at iniwan na akong nakatayo na may halong pagkagulat at pagtataka. Bakit siya nagsosorry? May nasabi ba akong masama? OMG, baka yung sinabi ko kanina!! Pero nakakapagtaka naman kung yun nga. Haaaaay, Ang Weird nya talaga!!

My OverProtective BestfriendWhere stories live. Discover now