Chapter 3: Or Else...

53 0 0
                                    


 Mikaella Joyce's POV

Habang nagdi-discuss ang Prof. namin. Hindi ko maiwasang tumingin kay kyle. Masyado akong nabo-bother sa inasal nya kanina. Galit kaya siya sakin? May kinalaman ba talaga yung mga sinabi ko kanina? Haaaay! Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Gusto ko syang tanungin kung bakit di niya ako pinapansin pero di ko magawa.

"Okay class dismissed." Yun lang ang tanging narinig ko sa Prof. namin, halos wala akong naintindihan dahil si kyle lang yung iniisip ko. Ano ba kasing problema ng gagong yun? Lumabas na ako ng classroom dahil ako na lang yung tao, nagsilabasan na kasi sila. Wait, seriously? Iniwan talaga ako ni kyle dito? What the!? Gaano ba kalaki galit nya sakin?

Habang naglalakad ako, nakita ko yung iba kong kaklase. Nilapitan ko sila dahil itatanong ko kung nakita nila si kyle. "Claire? Nakita nyo ba si kyle? kanina ko pa kasi sya hinahanap e". umiling lang sila. "Ah ganun ba? sige una na ko, salamat". sabi ko atsaka nilagpasan sila.

Naglalakad ako ng mahagip ng mata ko si Kyle kasama yung kaibigan nyang si Brian sa loob ng Cafeteria. 

Gugulatin ko sana sya ngunit lumingon sya sa gawi ko. Nakita kong kumunot yung noo nya habang tinignan ako, nag iwas na din sya ng tingin atsaka bumaling sa kausap nyang si Brian. Tumingin si Brian sakin saka ako nginitian. Tumango lang ako bilang bawi sa pag ngiti nya sakin. 

Lumapit ako sa table nilang dalawa atsaka inakbayan si Kyle. "Best, di mo man lang ako hinintay wala tuloy akong kasama. Kanina pa kita hinahanap eh". sabi ko nang nakaakbay parin. Nakita kong tiningnan nya yung kamay kong nakaakbay sakanya kaya wala huwisyo na tinanggal ko ito. "Sorry". yun lang ang nasabi ko. Yumuko lang ako at umatras ng konti. 

"Anong ginagawa mo dito?" sabi nya. 

"Hinahanap nga kasi kita dahil iniwan mo ko kanina". sabi ko sabay irap. 

Tumayo si Brian at nagpaalam saming dalawa. Tumango lang si Kyle bilang sagot, nginitian ko nalang sya.

Tahimik lang kaming dalawa, walang may gusto magsalita kaya inunahan ko na sya. Huminga ako ng malalim saka umayos ng upo. "Kyle are you mad at me? Di mo kasi ako pinapansin, iniwan mo din ako kanina". sabi ko habang nakatingin saknya.

Tinignan nya lang ako, marahan syang pumikit at bumaling ulit sakin. "No Mikaella, I'm just tired". aniya na nagpalaglag ng panga ko. Confirm! galit nga talaga siya sakin. Halata naman eh, kapag tinawag na nya ako sa first name ko ibig sabihin galit na sya.

Ngumuso at yumuko, huminga ng malalim atsaka nag angat ulit ng tingin. "Kyle kung galit ka sakin sabihin mo naman, nacu-curious na kasi ako eh. We're Bestfriends right? So tell me, what's the problem?" Tumikhim siya at huminga ng malalim.

"Alright, we'll talk about this problem later but please can we eat first? I'm starving". Tinignan ko lang siya atsaka tumango. Ano pa nga ba? wala naman akong magagawa. 

Umorder na kami atsaka kumain ng pagkain. Walang gustong magsalita samin, gusto ko siyang kausapin kaso baka hindi niya lang ako pansinin. Pinili ko nalang ang tumahimik.

Nang matapos kami at tumayo na siya. Signal na mag-uusap na kami. Sinundan ko lang siya at huminto kami sa isang lugar na sobrang tahimik. Nandito kami sa rooftop. Malakas ang hangin dito, kita mo rin ang mga sasakyang sobrang bilis ng pagpapatakbo. 

Nilingon ko siya at laking gulat ko na nakitingin din siya sakin. Sobrang seryoso niya. Kung tama ang iniisip ko, naghihintayan lang kami kung sino ang unang magsasalita. 

Dahil sa nakakabinging tahimik, napagdesisyunan ko ng magsalita. "Kyle, about sa nangyari kaninang umaga. May kinalaman ba dito yung -----". Pinutol niya ang sasabihin ko at marahan na lumapit sakin.

"I'm sorry MJ". sabi nya. "I'm sorry kung masyado akong naging over-protective sayo. I know na hindi mo ako boyfriend pero bilang bestfriend mo, ayoko lang na masaktan ka dahil sa mga gagong lumalapit sayo. Ayoko lang na makita kang umiiyak. I know too much already being a over protective bestfriend for you but MJ I don't want to hurt you just because of that assholes". sabi nya na nakapagtulala sakin. Ang lapit ng mukha nya sakin kaya kitang kita ko kung gaano sya kagwapo. Walang duda, kaya maraming nakakagusto sa ugok na to.

"Believe me, gusto lang kitang protektahan kasi di ko alam kung anong mangyayaring masama sayo. You said I'm your bestfriend right?" wala sa oras na napatango ako saknya dahil busy ako sa pag oobserba ng mukha nya. "So you better listen to my words or else...." Ngumisi sya. Ang pogi nya talaga pag ngumingisi.

"Or else what kyle?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya dahilan para humalakhak sya.

"Hahahaha nothing!! Come on, bumaba na tayo. May gagawin pa tayong assignment diba?" 

Tumango na lang ako at ngumiti. Finally, okay na kami. Ang hirap kasi na ganito kami eh. 


******

A/N: Diko ineexpect  na may magbabasa ng story ko na to hahaha. Thankyou guys!! Enjoy reading. Next chapter, kikiligin kayo ng bongga hahaha. 


My OverProtective BestfriendWhere stories live. Discover now