Chapter 8: Confession

44 1 0
                                    


MJ's POV


 Nagising ako ng marinig kong nagriring ang cellphone ko. Sinong matinong tao naman ang tatawag ng gantong oras. Inis na tumayo ako at kinuha ang cellphone ko sa gilid ng kama ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung sino ang tumatawag.

 Biglang nagising lahat ng paru-paro sa tiyan ko, di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nanginginig kong sinagot ang tawag nya.


''Hello..." sabi ko sabay hikab, nagkunwari akong inaantok pa para di nya mahalatang nanginginig ako.

 [Mukhang nagising ata kita..] sabi nya na natatawa pa. 

''Oo talagang nagising ako, inistorbo mo ang maganda kong tulog. Bat ka ba napatawag?" sabi ko na may halong inis.

[Wala naman, gusto lang kitang makausap.] biglang sumeryoso ang boses nya. Kinabahan naman ako bigla.

"At ano naman ang pag uusapan natin? Siguraduhin mo lang na importante yan ah?" pagtataray ko pa.

[Labas ka. Andito ako sa tapat ng bahay nyo.] pagkasabi nya non, agad akong tumakbo papuntang bintana para tignan kung andun talaga sya, baka kasi nagbibiro lang sya.

Pero laking gulat ko nang makita ko syang nakasandal sa kotse nya at nang dumapo ang tingin nya sa kinaroroonan ko. Ngumiti sya at kinawayan ako.

Pinatay ko na ang tawag nya at nagmadaling bumaba. Ano bang pumasok sa isip ng lalaking to? Una, tumawag ng gantong oras at alam naman nyang natutulog na ko. Pangalawa, pumunta pa dito. Baliw ba sya? Pano kung di ako nagising sa tawag nya? Edi napagod lang sya. Haaaaaay ang bipolar talaga ng lalaking to.

-------

Kyle's POV


 Kahit alam kong walang kasiguraduhan na sasagutin nya ang tawag ko ay tinawagan ko parin sya. Di ko alam kung bakit ganito ako kabaliw sakanya. Basta ang alam ko lang kapag kasama ko sya masaya ako pero kapag di ko sya kasama halos di na ko mapakali.

Laking gulat ko ng sagutin nya ang tawag ko. Sobrang bilis ng tibok nang puso ko na animo'y lalabas na ito. Nagsalita sya at sa hindi malamang dahilan natawa ako. Mukhang nagising sya. Takte, pwede mo naman kasi syang kausapin bukas diba? Bakit ngayon pa? Eh alam mo naman natutulog ngayon yun.

Sinabi ko sakanya na nandito ako sa labas ng bahay nila dahil gusto ko syang makausap. Nakatingin lang ako sa bintana ng kwarto nya, nakita ko sya na sumilip. Sa pangalawang pagkakataon, napangiti na lang ako at kinawayan sya.

Maya maya lang ay nakita ko syang palabas ng bahay nila. Damn, ang ganda nya kahit bagong gising sya! Umayos lang ako ng tayo at natulala sa maamo nyang mukha.


"God! Kyle, dis oras na ng gabi nagpunta ka pa dito. Pwede naman ata nating pag usapan bukas yang sasabihin mo eh." sabi nya na may halong inis. Nakatulala parin ako sakanya. Bakit ba minahal ko tong amazona na to? Putek nababaliw ako saknya! Nagbalik ako sa katinuan ko ng magsalita ulit sya. "Ano ba? Kung wala kang sasabihin umuwi ka nalang." Inis na sabi nya. 

Akmang tatalikod na sya at papasok na sa loob ng hilahin ko ang kamay nya. Niyakap ko sya. "5minutes mj, 5minutes.'' sabi ko. Sa wakas, nagkaroon din ako ng lakas ng loob.

Alam kong nagulat sya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Pagkakataon ko na siguro para sabihin saknya lahat ng nararamdaman ko. "Hey! W-what happened? A-are you d-drunk?" nauutal nyang sabi. Natawa ako bigla, kinakabahan ba sya?

My OverProtective BestfriendWhere stories live. Discover now