Kabanata 1

54.8K 831 14
                                    

Ally pov

"Bakit ngayon kalang umuwi??galit na tanong ko kay Ian.

"Pakielam mo ba! Saka lumayo layo ka sakin baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo?" galit na sagot nito sakin kaya lumayo nalang ako.

Sobrang sakit na ganito ang nangyari samin sana hindi nalang ako pumayag para hindi na umabot sa ganito. Nasayang lahat ng masasayang pagsasama namin bilang mag bestfriend.

"Hanggang kelan ka magagalit sakin Ian? Hindi ko naman sinasadya ang nangyari sa lolo mo."umiyak na sabi ko.

"Sana naman kahit ngayon lang maniwala ka sakin Ian. Pagod na pagod na akong magpaliwanag pero sarado ang isip mo kaya mas nagiging magulo tayo." sabi ko sa aking sarili at malungkot na umiiyak habang nakatingin sa kanya.

"Mapapatawad lang kita Allyza pag nawala ka na sa buhay ko. Naiintindihan mo?" galit sabi nitong sabi sakin at umalis na sa aking harapan.

Ang sakit marinig na sa taong mahal mo na gusto kana niyang mawala. Hindi ko kayang umalis sa buhay mo hanggat may galit diyan sa puso mo. Gusto ko maging maayos ang lahat para payapa din ako na lalayo sayo. Pero paano ko gagawin yun? Ang hirap-hirap mag-isip.

Hindi ko naman inaasahan na ganito ang mangyayari. Sana hindi ko na tinanggap ang offer ni Lolo para hindi na kami nagkagulo at nagkasira ni Ian.

Flashback

"Allyza, sama ka sakin mamaya gogora tayo!" ayang sabi sa akin ni Ian habang kumakain ng french fries.

"Opo! Sasama na po bossing!" natatawang sabi ko.

Bakit ba kasi ang gwapo-gwapo mong bakla ka? Naiinlove tuloy ako sayo. Nasabi ko nalang sa aking sarili.

"Ilang beses ko ba sasabihin Allyza na Ina nalang ang itawag mo sakin"inis  na sabi nito sakin sabay hawi ng buhok niya na akala mo ay long hair pero hindi naman. Ilusyunadang bakla!

"Ang panget panget kaya ng Ina. Hindi bagay sayo, at saka Ian po ang pangalan mo. Ok? At sayang ka ang pogi pogi mo pero mas babae ka pa sakin"pabirong sabi ko dito.

Sayang talaga kasi hindi ka makakapagkalat ng lahi dahil dyan sa kaartehan mo.

"Please! Ina nalang ang itawag mo sakin." nagmamaka-awang sabi nito sakin.

Dahil sa gustong-gusto ko siyang iniinis ay tumatawang tumanggi ako sa kanya.

"Ayaw!" sigaw na sabi ko at tumakbo paalis dahil alam ko na sasabunutan ako ng bruhang iyon.

Sasakit ang ulo mo sakin bakla. Kahit kelan hindi kita tatawagin bilang isang babae. Belat!

Author's note.

Ang mga susunod po na kabanata ang nakaraan nila Ian at Allyza. Inuulit ko po mabilis lang ang flow ng story kaya wag akong ibash. Wag nalang ituloy basahin kung hindi niyo gusto ang flow at masyado kayong nabibilisan.Thank you!

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon