Chapter 12

29.5K 426 3
                                    

Ally pov

Ilang araw ang lumipas bago namin sabihin ang katotohanan kay Lian. Sinundo muna ni Ian sila nanay selya sa probinsya para makumpleto kami.

"Hindi po talaga ako makapaniwala na buhay pa ang mommy ko."sabi sa akin ni Lian at niyakap ako.

"Buhay na buhay ako anak. Pasensya na kung ngayon lang bumalik ang mommy!"umiiyak na sabi ko habang nakayakap ng mahigpit sa aking panganay.

"Ok lang po iyon. Thank you po mommy dahil may baby brother na ako."

Masayang sabi nito at maya maya pa ay narinig ko ang boses ni Jelo kasama ang kanyang daddy...

"Mommy tiya po ba ang ate toh?" bulol na tanong nito sa akin at tumingin kay Lian.

"Oo baby. Siya ang ate mo." masayang sabi ko kaya agad itong tumakbo sa kinaroroonan ni Lian at niyakap ito.

"Yehey!! May ate na atoh at may daddy pa!!"masayang sabi nito at lalong niyakap si Lian kaya napatawa nalang ito..

"Ano baby payag kanaba na pumunta na tayo sa Amerika?" tanong sa akin ni Ian at niyakap ako mula sa likod.

"Sige payag na ako. "nakangiting payag ko kaya ngumiti nalang ito.

Lumipas ang dalawang buwan ay nakauwi na kami galing sa Amerika at masarap sa pakiramdam na bumalik na ang dati kong mukha.

At kahit halos ayos na ang lahat ay hindi ko parin kayang maging kuntento dahil hindi ko pa kilala kung sino ang gumawa nito sa akin pero bahala na ang Diyos sa kanya.

"Baby aalis lang ang mommy at bibili lang ako sa grocery." sabi ko kay Lian at Jelo na busy sa paglalaro

"Mommy, gusto kong sumama." sabi ni Lian at tumigil sa paglalaro.

"Wag na anak! At saka saglit lang naman ang mommy ok?" paalam ko at hinalikan ang dalawa sa noo at agad umalis.

Habang nagmamaneho ako ay naramdaman ko na parang may masamang mangyayari pero hindi ko nalang ito pinansin.

Nang nasa highway na ako ay nagulat ako dahil biglang may humintong kotse sa harap ko kaya agad akong nagpreno..

Nagtaka ako dahil wala namang lumabas kaya agad akong lumabas ng kotse at kumatok sa bintana nito baka mamaya may nangyari ng masama sa driver.

Pero sa pagbukas ng bintana ng kotse ay nakalanghap ako ng kakaibang amoy at hindi ko namalayan na nawalan na ako nang malay.

Author's note.

Maikli po talaga ang chapters ng story na ito kaya wag magreklamo sinabi ko na yun sa umpisa palang hehe. Salamat❤️

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon