Chapter 5

25.8K 444 2
                                    


Ally pov

Pagdating ko sa Maynila ay hindi ko maiwasang manliit dahil sa tingin sa akin ng mga tao.

Buti nalang meron akong telang dala para takpan ang kalahating sunog ng aking mukha pero hindi parin ito sapat dahil kitang-kita ang pilat ko sa isang pisngi at makalayo sa akin ang mga tao akala mo may malala akong sakit.

At napakaliit talaga ng mundo dahil kaibigan ni Nanay Seyla ang Mayordoma ng mansyon ni Ian.

Hindi ko mapigilang kabahan dahil makikita ko na siya kaso alam ko naman na hindi niya ako makikilala at hindi muna pwede na malaman na buhay ako kasi natatakot ako na balikan ako ng gumawa sakin ng kahayupan na ito.

"Hija,ikaw ba ang anak-anakan ni Selya?" tanong ng isang matandang babae kaya tumango nalang ako.

"Oh siya, sumakay kana sa sasakyan at marami pa tayong gagawin." utos na sabi nito kaya agad akong sumakay sa kotse.

Nung una ang akala ko masungit si Manang Tess pero hindi pala dahil nakikipagkwentuhan ito sa akin at tinanong nito ang pangalan ko syempre nagpakilala akong Rachel dahil hindi pwede na may makakilala sa akin.

Pagpasok ko sa loob ng mansyon ay kitang-kita ko ang pagbabago nito pero namangha ako dahil hanggang ngayon hindi parin tinatanggal ni Ian ang wedding picture namin. Kaya napangiti ako.

"Siya si Maam Allyza asawa ni Sir Ian. Ang ganda diba? Kaso namatay na ito dahil sa isang aksidente." sabi ni Manang Tess.

"Ano pong klaseng aksidente?" tanong ko na nagtataka dahil sa sinabi niya.

"Natagpuan kasi ang labi ni Maam na sunog na sunog siguro dahil sa pagsabog ng kotse pero mamaya na ulit ang chika pauwi na si Lian." nagmamadaling sabi nito at umalis.

Kaya pala hindi ako hinanap ni Ian dahil ang alam niya patay na ako saka wait tama ba ang narinig ko pauwi na si Lian.

"Hoy!Panget ang trabaho mo dito ay tagalaba at tagaplantsa saka wag na wag kang magpakita kay Sir Ian at Lian baka sumama lang ang araw nila dahil sayo."sabi ni Macey ang apo ni Manang Tess at kaedaran ko ito.

"Sige pero paano kung lalabas ako ng bahay?" tnong ko sa kanya.

"Tsk! Panget na nga tanga pa. Syempre dumaan ka sa likod saka wag mong tangkain na lumabas sa quarters natin maliwanag ba?" sabi nito sa akin kaya tumango ako.

At kahit gustong-gusto ko na makita ang mag-ama ko ay hindi pwede dahil hindi naman nila ako makikilala dahil sa itsura ko saka kailangan kong mag-ingat dahil ayaw ko ng mangyari ang nakaraan. Kailangan kong mag-ingat.

Author's note.

Mabilis talaga ang story na ito at malayo sa katotohanan kaya wag na pong icomment yung tungkol dun. Salamat❤️

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon