Kabanata 3

42.7K 798 9
                                    

Ally pov

Nang pumasok na ako sa loob nang office ay pinagtitinginan ako. Siguro dahil first time lang nila na makita akong nakasuot ng medyo revealing na damit.

Ang suot ko kasi ay mini-skirt na kapag yumuko ay makikita na ang hindi dapat makita, at hapit na hapit na white sando na pinatungan ko ng black na blazer..

Nang makaupo na ako ay agad ko nang ginawa ang report ko pero bigla akong pinatawag ng gay bestfriend ko na si Ian.

Nang makapasok na ako sa office niya ay busy na busy siya sa pagtatype pero ng maramdaman na niya siguro ang presensya ko ay tumingin na siya sakin.

"What the heck!" sigaw na sabi nito at natakot pa ako kasi buong buo ang boses niya lalaking-laki.

Pero hindi ako nagpa apekto at umupo na sa tabi niya, at hindi naman ako naiilang dahil ganito na talaga kaming kaclose ni Ian.

"Makasigaw naman wagas." natatawang sabi ko sa kanya.

"Ano naman ang naisipan mo Allyza Dela Cruz, at ganyan ang suot mo aber?"tanong nito sa akin.

"Wala lang gusto ko lang eh? At para makahanap na ako ng boylet." sabi ko at kinalikot ang laptop niya.

"Kung ako sayo Allyza magpalit kana ng damit dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo?" nakakatakot na sabi nito.

"Bakit ba kasi ang init ng ulo mo? Jusko Ian ngayon lang naman ako nagsuot ng ganitong damit kaya pagbigyan mo nalang ako." sabi ko at akma ng aalis pero bigla siyang nagsalita kaya natigilan ako.

"kung hindi mo yan papalitan Allyza,ako mismo ang magpapalit ng damit mo." galit na sabi nito sakin. Dahil sa inis ay sinagot ko ito.

"Sige!Gawin mo nga?" naghahamon na sabi ko pero nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin kaya tumakbo ako.

"Baliw talaga ang baklang ito!" nasabi ko nalang sa aking sarili.

Author's pov

SHORT STORY LANG ITO GUY'S.

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon