Kabanata 4

41.7K 665 3
                                    


Ally pov

Nakasimangot akong lumapit kay Ian dahil naaasar ako. Paano naman kasi pinagpalit niya ako ng damit na siya ang namili tapos nung sinuot ko. Jusko! Para akong manang.

"Kaasar ka naman bakla! Ang pangit ko ngayon. Hindi bagay sakin yung damit!" naaasar na sabi ko.

"Bagay kaya sayo." seryosong sabi nito kaya wala na akong nagawa pa.

"Oo na bagay na." sumusukong sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Siya nga pala Ally.Pinapapunta ka sa bahay ni Lolo." sabi nito sakin habang papunta kami nang parking lot.

"Siguro itatanong ni lolo kung may pagbabago ba haha."natatawang sabi ko.

"Ano namang pagbabago yun?" takang tanong ni Ian pero nginitian ko lang ito.

Darating ang araw at magiging tunay lalaki ka din Ian.

"Kamusta ang misyon mo? matamlay na tanong sa akin ni Lolo. Dahil sa kanyang pananalita hindi ko naiwasang mag-alala

"Ok lang po. Pero may sakit po ba kayo?nag-aalalang tanong ko kaya agad namang sumagot si Lolo.

"Oo hija. Tama ka. Ang sabi ng doktor anytime pwede akong mawala dahil mahina na ang puso ko. At kung mangyayari yun sana alagaan mo si Ian." malungkot na sabi nito.

"Wag kang mag-alala lolo aalagaan at mamahalin ko siya." nakangiting sabi ko at niyakap ito.

"Hoy! Ally ano ba yung pinag-usapan nyo ni lolo?" nagtatakang tanong sa akin ni Ian habang nagdadrive siya.

"Wala lang yun. At wag ka ngang makulit baka mabangga tayo!" inis na sabi ko dito kaya nagpatuloy ito sa pagmamaneho.

Present

"You bitch! Talaga bang ayaw mo akong tigilan?" galit na sabi nito sakin at mahigpit na hinawakan ang aking braso.

"Naghatid lang naman ako ng lunch mo." malungkot na sabi ko.

"Itapon mo yan! Hindi ko kailangan ng pagkain na dala mo." sigaw nito kaya agad akong umalis sa opisina niya para umuwi.

Habang nasa kwarto ako hindi ko mapigilang umiyak dahil sa akin namatay si Lolo. Siguro kinarma ako dahil ilang araw lang ang lumipas ay bumigay na ang kapatid ko.

Siguro kung hindi ako pumasok sa kasunduan na iyon hindi ito mangyayari.

Flashback

"Totoo ba? Na binayaran ka ni lolo para gawin akong lalaki?" galit na tanong nito sa akin pero hindi ako kumibo habang umiiyak.

"Tara! Sumama ka sakin." uto na sabi nito sakin sabay hila papunta sa kwarto ni Lolo

"Lolo, please naman! Sabihin niyo na ang totoo? Niloloko niyo ba akong dalawa, ha?" galit at naaasar na sabi ni Ian sa lolo niya.

"Sorry, apo. Kaya ko lang naman nagawa yun.." hndi na natapos ang sasabihin ni lolo dahil biglang umalis si Ian.

Kaya agad akong lumapit para pakalmahin ito.

"Lolo,paano nalaman ni Ian yun?" umiiyak at naguguluhan na tanong ko.

"Tinanong kasi sakin ni Ian kung ano ang pinag-usapan natin at dahil sa hindi ko kayang magsinungaling sa kanya kaya nasabi ko saka pasensya ka na hija ang pagkakaintindi kasi ni Ian kaya ka lang nakikipagkaibigan sa kanya dahil sa mayaman siya at taga pagmana siya ng isang malaking kumpanya"malungkot na sabi nito sa akin.

"Wag kang mag-alala lolo. Kakausapin ko siya." sabi ko dito.

Paalis na sana ako pero nakarinig ako ng malakas na kalabog.

At  nakita ko si lolo na nakahiga na sa sahig na walang malay..

"Lolo!!!"sigaw ko at agad lumapit

Nakita ko si Ian na dumating siguro dahil sa lakas ng sigaw ko.

"Shit!!!! Anong ginawa mo kay Lolo?" galit na tanong nito sa akin at agad binuhat si lolo papuntang kotse para dalhin sa ospital.

Author pov

SHORT STORY LANG ITO GUY'S. Maikli talaga per chapter. Wag ibash kung mabilis ang flow ng story. Salamat❤️

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon