Kabanata 13

36.6K 630 3
                                    


Ally pov

Pag-uwi namin sa mansyon ni Ian ay hindi parin ako nito pinansin at sana naman bawiin niya ang sinabi niya na makikipaghiwalay siya sa akin.

Siguradong hindi ko kakayanin yun lalo't magkakaanak na kami. Sobrang sakit dahil nadadamay sa karma ko ang aking anak.

"Ian,saan ka pupunta?"tanong ko dito ng makita ko itong may dalang maleta.

"Pwede! Tigilan mo ako. Hindi ko masikmurang isipin ang nangyari sa inyo!"asar na sabi nito at umalis na.

Ito na nga yung kinatatakutan kong araw. Na iiwan na niya ako at sasama siya sa first love niya.

Diyos ko! Sana wag naman dahil si Ian nalang ang natitira sa akin kasama na ang baby ko.

Lumipas ang isang buwan at medyo halata na ang tyan ko at sa ngayon ay nanunuod ako ng tv.

Pero ng makarinig ako ng ugong ng isang sasakyan ay agad akong lumabas.

At nakita ko si Ian na kasama si Laurine.

"Ian, bakit ngayon kalang umuwi? Saka bakit mo kasama si Laurine?" mahinang tanong ko pero inutusan lang ako nito.

"Wag ka ng magtanong at ipaghanda mo kami ng makakain." utos nito sa akin kaya agad akong pumunta sa kusina.

Nang matapos ko ng maihanda ang pagkain ay agad silang nagsimula at kahit gutom ako ay hindi ko magawang sumabay dahil nagseselos ako sobrang selos na selos.

Sumapit ang gabi ay dumating na si Ian dahil inihatid niya si Laurine at siguro ito na ang araw para makausap siya.

"Ian, pwede ba kitang makausap?" tanong ko dito pero tumango lang ito

"Please Ian! Sana naman wag mong idamay ang anak natin sa kasalanan ko at nakikiusap ako sayo sana bigyan mo ng chance ang relasyon natin."nagmamaka-awang sabi ko.

"Fine! Pumapayag ako pero sa isang kundisyon." sabi nito sa akin kaya tumango ako bilang pag sang-ayon.

"Ano naman iyon?"tanong ko dito.

"Simula ngayon bawal ka ng lumabas sa bahay pag hindi ako kasama at syempre aaliwin mo ako tuwing gabi." nakangiting sabi nito pero makikita mo sa mata niya na hindi siya masaya. Alam kong nasasaktan siya dahil na din sa nangyayari sa aming dalawa na ako ang may kasalanan.

"Oo gagawin ko iyon basta maging maayos ang relasyon natin." sabi ko sa kanya at maya-maya pa ay hinalikan na niya ako.

Nung una hindi ako tumugon pero matapos ng ilang segundo ay tumugon na ako.

"Sana naman maging maayos na ang lahat." piping sabi ko sa aking sarili.

Nagising ako na gusto kong kumain ng halo-halo kaya agad kong ginising si Ian para magpaalam.

"Fuck! Bakit ka ng gigising anong oras palang?" asar na tanong nito sa akin sabay kamot sa ulo.

"Ano kasi pwede ba akong magpaalam bibili kasi ako ng halo-halo." paalam ko sa kanya.

"Nababaliw kaba ba? Dis-oras ng gabi naghahanap ka ng halo-halo?" sigaw nito sa akin kaya nalungkot ako.

"Sige hindi nalang ako bibili." naluluhang sabi ko at bumalik sa pagkakahiga.

"Fine! Ibibili na kita."inis na sabi nito sa akin.

At hindi ko mapigilang ngumiti dahil hindi niya ako natiis..hihi...

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon