Sealed With A Hug

182 14 5
                                    

Chapter 4

Hi Leanne! Are you free later? Let's have lunch together. My treat. ;)

Kung kagabi ay iyak ng iyak si Leanne, ngayong umaga naman ay ngiting ngiti ito. Kinikilig kasi ito sa text ni Kyle. She already admitted that she has a crush on him. Pero hanggang do'n lang 'yon. Napaka-attractive naman kasi nito!

Leanne typed her reply.

Yup. Just a short taping then I'm off to go.

Sent.

Isinend niya na ito bago niya pa maisipang dagdagan ng sangkatutak na heart emojis ang reply niya. Agad namang tumunog ulit ang phone niya, nag-reply si Kyle.

Great! Well, a delight's waiting for you. Open your door.

Dali-daling tumakbo si Leanne papuntang pintuan, nagkandapatid-patid pa ito kakamadali. Pagkabukas niya ng pinto, nakita niya si Kyle na may hawak na tupperware habang may suot pa na apron. He's sweating.

"Good morning, Leanne! I brought some breakfast. I didn't notice na naparami pala 'yong niluto ko. So, here it is!" he said while smiling.

Si Kyle 'yong tipo ng tao na kapag ngumiti, nakaka-good vibes. Lakas makahawa ng ngiti eh. .

"Ay, nag-abala ka pa. Thank you!" Leanne said. Saktong sakto, wala pa ring nakahandang almusal si Leanne.

"Oh, naka-apron ka pa."

Biglang napakamot si Kyle sa batok niya, "I forgot to remove this awhile ago."

She smiled, "it looks good on you naman."

And he smiled too.

〰〰〰

"The suspect for the mass murder is hereby declared not guilty. The court is adjourned!"

Nagbulung-bulungan lahat ng tao sa paligid. Mariin siyang pumikit at pinuntahan ang kliyente niya, habang nagsisimula ng mangilid ang luha niya.

"Congratulations Sir, you were proven innocent."

At kusa ng naglakad ang paa nito palabas ng korte. Pero bago pa ito makalabas ay tinawag siya ng kliyente niya.

Still Into YouWhere stories live. Discover now