Chapter 13
Leanne and her friends reached their destination by 3 o'clock in the afternoon. They stopped in a transient house near the mountain they're going to hike. Sabi ni Sam, pinsan niya ang may-ari ng mga transient house na 'yon, naging source of income na rin ng pinsan niya 'yon dahil sa mga renta.
"Ang sakit ng pwet ko," sabi ni Geoff habang himas himas ang masakit na parte ng katawan niya.
"Kahit kailan talaga, balahura ka Geoff!" bulyaw ni Geraldine sa kaibigan.
Sam clapped once to get everyone's attention. Siya kasi ang maga-assign kung sino-sino ang magkakasama sa kwarto. The transient house only have three rooms, so kailangang may magshi-share talaga. So in the end, silang dalawang babae ang magkasama dahil sabi ni Geoff baka magkaroon daw sina Geraldine at Anthony ng sariling version ng porn kapag nagsama sila sa iisang room. Namula naman pareho ang mukha ng dalawa. Sina Albert at Anthony naman ang magkasama sa pangalawang kwarto, at ang natitirang kwarto naman ay para kina Sam at Geoff na.
Bukas ng umaga daw sila magha-hike, masakit na kasi sa balat ang init ng araw lalo na kapag hapon. Kaya nag-aya na lang si Geraldine na maghiwa-hiwalay muna sila at magkanya-kanyang gala. Silang dalawa ni Geraldine ang magkasama, pumunta na lang sila ng palengke para may mailuto sila sa hapunan nila.
Nasa palengke silang dalawa nang patuloy na nagri-ring ang cellphone ni Leanne. Tinatawagan siya ni Adrian.
"Leanne," Geraldine called her.
"W-why?"
"Wala. Oh, ano bag magandang lutuin ngayon? Sinigang kaya?"
"Uhm, Adobo na lang para 'di mapanis, para may baunin din tayo bukas."
Geraldine nodded in response.
Tumawag ulit si Adrian sa kanya. She sighed and turned the call down.
Nang makabili na sila ng mga gagamitin sa pagluluto. Nagsalita si Geraldine.
"Masarap sigurong bagayan ng Emperador ang dinner?"
Leanne looked at her.
"Iinom ka?"
Ngumisi siya. "Tayong lahat."
YOU ARE READING
Still Into You
RomanceHer: Trust, a powerful word. Once it was broken, it'll never be back to its original structure. Him: I'll prove myself. I once commited a mistake, but I'll let you see that I still love you, and I'm still into you. 9/7/16