Chapter 10
"Delikado. I shouldn't be with him, pero hindi ko man lang naisip na tumakas kanina because--- ahh! What the hell!" sabi ni Leanne sa isip niya. Kasalukuyang nasa kalagitnaan silang dalawa sa traffic. Halos kalahating oras na rin silang hindi umuusad, at gutom na talaga siya.
"Ano ba 'yan, ang traffic!" sabi ni Adrian but the smile in his face says the otherwise.
"Halata ngang naiinis ka eh, halata sa ngiti mo," inis na sabi ni Leanne.
"I can't help it, mas tumatagal ang oras na kasama kita," and he winked at her.
Bakit ba kasi bigla itong naging prangka? Uh, ganyan naman na talaga ang ugali ni Adrian habang sila pa pero, nang maghiwalay sila marami ang nagbago. Sobra. Iniisip nga niya na dapat galit siya rito pero unti-unti itong nawawala. Marupok.
"Adrian... why?"
"Huh?" nagtatakang tanong ni Adrian.
Why are you doing this to me? Bakit ka bumabalik? You should've done this before 'di ba? Bakit ngayon lang? You're making me insane. Why, Adrian? Why?
"W-wala, sabi ko nagugutom na 'ko, dalian mo."
Adrian grinned. "Yes ma'am!" at sumaludo pa siya bago gumawa ng paraan para makaalis sa traffic.
Buong byahe, hindi na niya inimikan si Adrian. Nakatingin lamang ito sa labas na puro city lights. Ilang minuto pa, huminto na sa pagda-drive si Adrian.
"We're here!" nakangiting sabi nito.
Leanne looked at him confusedly. "Grocery?"
"Yep!" sagot naman ng kasama niya habang tinatanggal ang seatbelt niya. She unbuckled her seatbelt too, bago pa maisipan ng lalaki na tanggalin ito para sa kanya.
Akmang lalabas na siya ng kotse nang pigilan siya ni Adrian.
"What?" kunot noong tanong niya.
Hindi ito sumagot, sa halip lumabas ito ng kotse at dali-daling binuksan ang pinto sa tabi niya.
"Mahal na prinsesa, maaari ka ng bumaba," he flashed a genuine smile, na halos mag-rainbow shape ang mata niya while offering his hand.
Nakakatunaw.
She can't help it, she smiled in his small gesture. Sabi ng isip niya, dapat magalit siya rito, but her heart contradicted. Nangingibabaw kasi ang kilig niya.
"Para kang sira!" tinabig niya ang kamay ni Adrian saka bumaba ng sasakyan.
Napakamot na lang ang lalaki sa batok nito.
"Aha! I saw that!" Adrian blurted out habang naglalakad sila papasok ng grocery.
"Huh?"
Adrian grinned. "You blushed!"
"I didn't!"
"Sus. Ayos lang 'yan, it's an achievement for me. I made you blushed twice," he winked at nauna ng maglakad para kumuha ng pushcart while leaving her speechless.
Binalikan din naman siya nito agad.
"Tara? I know ayaw mong kumain sa labas. So naisip kong kumain na lang sa condo mo, ipagluluto na lang kita," he said. "A-ano teka paano ba 'to? I should've asked your opinion or kung gusto mo ba- shit. I am bad at this, I'm s-sorry."
YOU ARE READING
Still Into You
RomanceHer: Trust, a powerful word. Once it was broken, it'll never be back to its original structure. Him: I'll prove myself. I once commited a mistake, but I'll let you see that I still love you, and I'm still into you. 9/7/16