Chapter 17
Uh, can you come later? At the Kaffeeklatsch? :)
Sent.
Napabuntong hininga si Leanne nang tuluyan na niyang na-i-send ang pang-walong message na itinype niya. Isinend niya na ito bago pa niya tuluyang mabura ulit. 'Di niya alam sa sarili niya pero hiyang hiya talaga siya kay Adrian ngayon. Oh dahil alam niyang nahuhulog na naman siya? Hindi na niya alam.
"Leanne! You ready?" bumalik lamang si Leanne sa wisyo nang lumapit na sa kanya si Albert. Mamaya na kasi ang grand opening ng coffee shop niya which is the Kaffeeklatsch.
Hinarap niya ang kaibigan saka ngumiti. "Kinakabahan ako, Al," aniya."Nagawa mo na ngang humarap sa maraming tao, grand opening lang kakabahan ka pa? Kaya mo 'yan!" pagpapalakas naman ng loob ni Albert sa kanya.
Sinuklian naman ito ni Leanne ng ngiti. Mamayang hapon ang grand opening ng coffee shop niya dahil noong isang araw, natapos ng gawin ang interior nito. Actually, ginawa niya talagang book-themed ito dahil nga sa hilig niya sa libro, hindi pa naman siguro nauubos ang mga taong mahilig magbasa ng libro, hindi ba?
Nag-vibrate naman bigla ang cellphone niya, nakita na lang niya na tinatawagan pala siya ni Adrian. She excused herself to Albert who nodded as a response.
She pressed the answer button.
"Yes?"
"Hindi pa nga kita tinatanong, sinasagot mo na agad ako. Tayo na?" tumawa naman si Adrian sa kabilang linya. Agad namang nag-alburoto ang sikmura ni Leanne, hindi niya alam kung anong nangyayari sa loob ng katawan niya. Parang may dinosaur na nagc-cart wheel sa loob ng tiyan na. She also felt her cheeks burning up.
"Bwisit ka. Ano nga? Ba't ka napatawag?" aniya habang hawak hawak ang pisngi niya.
"Wala naman, na-miss ko lang 'yong boses mo."
Napangiti naman bigla si Leanne. "Lah, parang tanga 'to oh."
"Uy, kinikilig siya oh," narinig naman niya muli ang pagtawa ni Adrian sa kabilang linya. "Sige na, papunta na 'ko d'yan."
"Ha? Ang aga naman. Mamaya pa."
"Sabi kasi nila, early persons are said to be the successful ones. Baka maging successful ako sa pagpapasagot ko sa'yo ng oo eh."
Adrian ended the call.
Bwisit talaga 'to, sabi ni Leanne sa isip niya.
Napabuntong hininga na lamang siya nang mapansin niyang nakangiti na pala siya saka inayos ang sarili para sa grand opening.
〰️〰️〰️
Music and noise of the people filled Leanne's ears. Konting oras na lang, officially, magbubukas na ang pinaka inaasam niyang coffee shop. Unti unti siyang napangiti sa thought na natupad na ang pangarap niyang magkaro'n ng sariling coffee shop. Marami-raming tao na rin ang nag-aabang sa labas para sa grand opening. Leanne let out her breath dahil sa kaba.
Minutes passed, dumating si Adrian. Sa 'di alam na dahilan, biglang kinabahan si Leanne, para siyang kiti-kiting hindi mapakali— ay hindi, alam niya pala ang dahilan, mukhang delikado na naman siya.
"Hi love," ani Adrian.
"Love ka r'yan," umiirap na sabi ni Leanne. Pero sa loob loob niya, kinikilig siya. “Doon ka muna sa loob, may aasikasuhin pa ako rito.”
“Ano ba 'yan? Tulungan na lang kita?” ani Adrian, habang tinitingnan siya sa mata. Tinabingi nito ang ulo niya nang hindi agad sumagot si Leanne.
“A-ah? Paper works lang. Pasok ka ro'n.”
“Sure k—”
Naputol ang sasabihin ni Adrian nang may nagsalita bigla.
“Ma'am Leanne!”
“Oh, Hannah? Bakit?”
“May tumatawag po, ikaw po ang hinahanap.”
“Ha? Sino raw?” tanong ni Leanne.
“Hindi ko po natanong pangalan eh,” nakahawak sa batok na sabi ni Hannah, isa sa mga barista ni Leanne.
“Ah sige, susunod ako.”
Nang umalis si Hannah, lumingon si Leanne kay Adrian. Ngumiti si Adrian sa kanya, at ngumiti rin naman siya pabalik.
“Mabilis lang ako,” paalam niya.
“It's okay, take your time.”
Umalis na si Leanne at pumasok sa office niya, naabutan niya si Hannah roon na hawak ang telepono. Hannah handed it to her and started to walk through the door.
“Ah Hannah,” biglang sabi ni Leanne.
“Bakit po?”
“Tell the other crews that we'll start the opening,” aniya.
“Yes, Ma'am!” nakangiting sagot nito.
Itinuon naman ni Leanne ang pansin niya sa tumawag sa kanya.
“Hello? Who's this?”
“Ang sad naman, hindi mo ako kilala.”
Leanne covered her mouth in shock, “OMG.”
Napatawa naman bigla ang taong nasa call, “Good luck sa grand opening mo!”
〰️〰️〰️
The grand opening started, Leanne stood in front, looking so happy as she cut the ribbons that will serve as a proof that she's already successful for making her dream come true.
Flashing lights and questions of the reporters filled the place, and Leanne answered all of the questions honestly. On the other side, the customers were satisfied at the place itself, the place is very relaxing due to its aura.
While everyone is busy, a well-built man entered the event.
“Hi baby, congratulations!” the man handed Leanne a bouquet.
“Baby amputek,” Leanne answered. The man just chuckled.
“Leanne!” Adriane came, rushing— but he stopped as he saw the man in front of Leanne.
“Adrian...?” the man asked, and looked at Leanne, “Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?”
“Ah, please let me explain.”
“Liam,” Adrian called him.
Lumapit si Liam kay Adrian, at kinwelyuhan ito. Nagulat si Leanne sa nangyari at pilit na pinaghihiwalay ang dalawa.
“Umayos nga kayo!” inis na bulong ni Leanne.
“Ang kapal naman ng mukha mong bumalik dito, hayop ka,” ani Liam.
Nanatiling tahimik si Adrian.
“Kuya, ano ba. Tama na!” muling bulong ni Leanne.
Binitawan ni Liam si Adrian, at biglang hinila si Leanne paalis pero biglang gulat ni Leanne nang hawakan din ni Adrian ang isang braso niya.
Nagsimula na namang kumuha ng litrato ang mga cameraman, may mga customers din na nagsimulang magbulungan sa mga nangyayari.
“Adrian, bitaw,” mahinang banta ni Liam.
“I won't,” Adrian answered, “I won't let her go like what happened years ago.”
YOU ARE READING
Still Into You
RomanceHer: Trust, a powerful word. Once it was broken, it'll never be back to its original structure. Him: I'll prove myself. I once commited a mistake, but I'll let you see that I still love you, and I'm still into you. 9/7/16