Scandal

112 10 1
                                    

Chapter 7

Galit na dinala ni Geoff ang first aid kit sa harapan ni Albert. Kasalukuyang ginagamot ni Albert ang mga maliliit na sugat na natamo ni Leanne sa pagkakahampas ni Samantha ng libro sa kanya. Feel at home na talaga ang mga kaibigan niya, akala yata ay condo rin nila ito. Si Anthony at Geraldine kasi magkatabi sa sofa na pang-isahang tao, nagsisiksikan sila kahit may mas malaki namang sofa, habang naghahati sa isang plato, mukhang lasagna ang nilalantakan ng mag-nobyo. Si Sam naman, nakatayo sa likod ng single sofa na inuukopa ni Leanne, pinapanuod si Albert na gamutin ang sugat niya habang si Geoff naman, nakaupo sa sahig while holding a hotdog on stick.

"Tangina talaga ng Samantha na 'yan! Demonyo kahit kailan, walang delikadesa my ghad," iritang saad ni Geraldine nakatingin sa direksyon niya.

"Bakit ka kasi nagpasapok? Tanga mo rin minsan eh," Anthony told her while feeding her girlfriend.

"Malay ko ba? Doon nga kayo sa kusina! Ghad, lalandi niyo," sabi niya.

"Why? What's wrong in feeding my girlfriend anyway?" Anthony said at biglang yumapos si Geraldine sa bewang ng nobyo and stuck her tongue out.

"Wala ka kasing jowa, frenny," at humagalpak ito ng tawa. Ang mga kasama nila'y nakitawa na rin.

"Aray! Be gentle, Al-- ouch! Masakit hoy!" bulyaw ni Leanne sa kaibigan ng diinan nito ang paglapat ng bulak sa pisngi niya. Pag-uwi kasi niya sa condo niya, nagulat siya nang biglang may pumutok na party popper, she saw Chainstream, plus their road manager, inside of her unit, and there were a freakin' feast! Pero mas nagulat ang mga kaibigan niya nang makita nila ang pisngi niya. There were small cuts, maybe because of the corner of the hardbound book, and it was swollen, really swollen. Mukha siyang may tinatagong pagkain sa pisngi niya.

"Kung ginamit mo lang kasi 'yang pagiging Amazona mo 'di ba?!" inis na sabi ni Albert sa kanya. "Eh 'di sana siya 'yong may namamagang pisngi and not you!"

"Yeah. I agree with Albert," sabi ni Geoff na busy sa pagkain ng pizza sa harapan nila.

"No, hindi rin," apela ni Sam. "If Leanne acted impulsively awhile ago, malamang sira na ang pangalan niya. Dahil for sure, sinapak na 'yon ni Leanne. Baka ma-comatose 'yong babae."

Leanne glared at him, then suddenly Albert turned her face with a soft grip. "Ang gulo mo naman, pindutin ko 'yang pisngi mo eh."

"Don't you dare!" singhal niya.

Albert put band-aids on her face nonchalantly. "Oh ayan, ayos na."

"Una na 'ko, nagpapatawag ng meeting 'yong big boss," biglang sabi ni Sam.

"Kahit h'wag ka ng babalik, Sam," biro ni Geraldine sa manager.

"Hahanap talaga ako ng ibang bokalista, Geraldine," natatawang sabi ni Sam sa babae.

Biglang yumakap si Anthony kay Geraldine. "No."

Sam threw a disgusted look in a playful manner.

Leanne headed to her unit's kitchen para kumuha ng tinidor saka platito. While Albert was aiding her wounds and swollen cheeks, she spotted the lasagna in the table which made her stomach grumble. And she went baclk to the living room, naroon kasi ang mga pagkain. Agad siyang kumuha ng lasagna na nasa lamesa at she took a bite and tried to munch it pero sumasakit ang pisngi niya tuwing nagagalaw ito.

"Ouch!" sigaw niya. "Ah! Samantha should pay for this! I can't even eat."

Dahan dahan lang ang pagbukas ni Lesnne ng bibig niya, kumikirot kasi ang pisngi niya especially if it is moving.

"Guys!"  biglang sigaw ni Albert.

"What? Magkakalapit lang tayo Al, 'di mo kailangang sumigaw," paalala ni Geoff kay Albert.

"Putangina talaga!" sigaw muli ni Albert.

"Hey, ano bang nangyayari?" usisa niya.

Anger, that's what Leanne see through Albert's eyes while he was looking in his phone.

"Ang bilis talaga ng balita. She even turned the tables, what the hell!" galit pa ring sabi ni Albert and he turned his phone towards Leanne's direction.

It was obviously an article, but the headline made her blood boil.

LEANNE CALDERON PUBLIC SCANDAL

The photo attached was taken awhile ago. And it stated that Leanne public shame a woman, and hit her with a book several times.

"Damn! It's a hoax!" Leanne hissed.

-

Note: Third Person Point of View po ang gamit ko, but it is only one sided. So, focus lang kay Leanne ang narration but in third person. Magkakaroon din si Adrian ng kanya, okay? 'Di pa nga lang ngayon. HAHAHA.

Still Into YouWhere stories live. Discover now