sinaktan ko sya

4.8K 87 12
                                    

ako ang una nyang naging boyfriend, classmate ko sya sa isang subject ko noon, kaya niligawan ko sya, wala lang, niligawan ko lang sya dahil nalaman kong may gusto pala sya sa akin, at matagal na.

simula palang ng unang pasukan daw namin noong college pa kami may lihim na raw syang pagtingin sa akin. ilang buwan ko din syang sinuyo, kinukuha ko pa ang loob nya, at ang tiwala nya, pakipot pa talaga sya kaya saka ko pa sya tuluyang niligawan na.

sinagot naman nya ako, as what I say matagal na nya akong crush, kaya siguro subrang saya nya noong niligawan ko na sya, lalong lalo na nong naging kami na.

lage kami nagkikita sa university, magkasamang kumakain, gumagawa ng tuntunin.

tinutulungan nya ako sa mga homeworks and projects ko, matalino kase sya kaya talagang laki ng pasasalamat ko dahil andyan sya para gawan ako.

sabay din kami umuuwi, hinahatid ko sya sa kanila, minsan din kumakain ako sa bahay nila.

malaki ang tiwala ng mga magulang nya sa akin, sana raw ingatan ko sya, protektahan at mahalin.

napakalambing nga nya, masunurin sa mga magulang, ni hindi makapagbasag pinggan ang paguugali nya, yong tipong kahit tutuksuhin mo sya, aawayin, kahit tapunan mo ng mga masasamang salita, masasakit na salita, ngingitian ka lang nya, nanatili lang syang mahinahon at tahimik kahit alam kong sa kalooblooban nya, nasasaktan na sya.

napakahaba ng kanyang pasensya, hindi ko pa nga sya nakitang nagalit dahil napakalawak ng pang-uunawa nya, pati narin ang kanyang pag-iisip. hindi nya hinahayaan ang sarili nyang tuluyang magalit.

sincere naman ang ipinakita ko sakanyang mga magulang at sakanya, ngunit bigla nalang akong nag-iba, bigla nalang nag-iba ang pakikitungo ko sa kanya.

alam kong gusto ko narin sya sa haba ng aming pinagsamahan, sa haba ng aming pinagdaanan sa aming relasyon.

hindi ko maitatangging, ako ay naging ako, kalaunan.

nagtagal kami ng ilang taon, binigay nya ang lahat sa akin, at nakuha ko naman ang lahat ng gusto kong kunin sa kanya.

ang mga kaibigan nya ay naging kaibigan ko narin, minsan nga'y naging girlfiend ko ng palihim ang isa sakanila, habang patuloy parin ang relasyon namin.

hindi ko inaasahang matutukso ako sa iba, sa bestfriend pa nya mismo.

lalake ako ngunit hindi pala ako nagpakalalake para sa kanya,

pinili ko syang linlangin at paasahin,

ang paglihiman sya, ang gawin ang hindi dapat, ang mali, ang saktan ko sya ng paulit-ulit.

alam kong ginagawa ko na syang tanga, naging tanga din ako, hindi ko nakita ang importansya nya.

nalaman nya ang tungkol sa aming dalawa ng kaibigan nya, ang pinagagawa ko sa kanya, ang lihim naming relasyon.

kaya nagsinungaling ako, nagpalusot at ako pa ang may ganang magalit sa kanya, dahil ako'y pinagbibintangan nya.

alam kong hindi ko yon dapat ginawa ngunit may kong ano dito sa sarili ko na hindi ko matukoy, hindi ko mapigilan kaya nagpatuloy lang ako na gawin lahat ng yon. ang magsinungaling sa kanya.

naging kabisado ko na nga ang pagsisinungaling ng hindi nahahalata, ng hindi nya nalalaman, ng hindi nabubuko.

ang pauli-ulit itago ang mga kabalastugang ginagawa ko sa kanya.

ni hindi ako nagsosorry, tinatakot ko pa sya na hihiwalayan ko sya, kung hindi sya tumigil sa mga pagdududa nya,

nasabi ko pa sa kanya "wala kang tiwala" kahit alam kong ako yong bumasag ng tiwala nya.

Akin Sya, NoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon