isang araw, tumungo ako sa kanila. para bisitain sya, kamustahin sya, makita ko man lang sya, ngunit nadatnan ko ang kanyang ina.
sa labas ng kanilang bahay akoy humingi ng paumanhin, nagmamakaawa, nanunuyo, akoy kanilang patawarin.
alam kong matindi ang galit nila sa akin. ganon din ako, galit na galit ako sa sarili ko, kung bakit ako naging ganito.
galit na galit ako kung bakit nasasaktan ako kahit alam kong kasalanan ko naman talaga ang lahat ng ito.
galit ako, galit ako kung bakit sinaktan ko sya, kung bakit malupit ako noon sa kanya.
galit ako, kung hindi ko lang sana sya tinaboy pa. minahal ko lang sana sya, hindi na sana ako nagkakaganito pa, nasasaktan, nahihirapan, nagsusumamo na ako'y balikan nya.
ang kanyang ina ay umiyak sa aking harapan. hinihiling na sana huwag ko syang gambalain pa, huwag ko na syang saktan pa, huwag na raw akong magpapakita pa sa kanya.
ang mga luha ng kanyang ina ay parang tinataboy ako. masakit ang makitang ang kanyang ina na mismo ang nagmamakaawa na lubayan ko na sya, at masakit ding isipin ang kanyang ina ay nasasaktan ko dahil sa nagawa ko sa kanya.
tinanggap ko ang bawat masasakit na salita nila. tinanggap ko dahil kulang pa yon sa lahat ng aking nagawa. tama lang sa akin yon, tama lang na kamuhian nila ako dahil sa inasal ko sa kanya noon.
tinanggap ko ang aking pagkatalo, pero bakit hinding hindi ko matanggaptanggap ang hindi ko man lang sya makita, ang pagkaitan akong makita sya ay parang ang sarap ng sumuko na.
mahal ko sya, mahal ko na sya, mamahalin ko pa sya. gusto kong ako'y mahalin pa nya, ang makasama sya, kahit huli na.
"patawarin mo na ako" sigaw ko, kasabay ng mga luhang pinipigilan kong bumuhos. pinipigilan ko pero ito ako, ang dating nagtitigastigasan ay ngayon naging malambot at iniiyakan ang isang tao. isang babaeng kinasusuklaman na pala ako.
ang pinakaingat-ingatang kong prinsipyo ay tuluyan ko ng nilamon. ang aking pagmamataas ay subra na ngayong bumaba para lang sa kanya, para bumalik sya, balikan nya ako, ibabalik ko ang pag-ibig na nakalimutan na nya.
magbabago ako para sa kanya, nagbago ako dahil masakit pala ang mawala sya, pero huli na.
sinaktan ko ang kanilang anak, tinuring nila itong prinsesa, ni hindi nila nagawang pagbuhatan ng kamay, ni hindi nila pinadapuan ng lamok.
at ito ako, sinaktan ko ang kanilang anak na parang walang kwenta. walang halaga kung ituring ko sya.
sinakta ko sya, at kahit na kaunting respeto hindi ko man lang nagawa sa kanya. kahit kaunting pagmamahal hindi ko napadama.
"pasensya na" sabi ko sa kanyang ina. alam kong wala naman itong halaga kahit na ano pa ang sasabihin ko sa kanila.
pasensya na, yan lang ang kaya kong patunayan sa kanila. pasensya na, sa lahat ng nagawa ko sa kanya.
sinaktan ko sya, sinaktan ko ang aking mag-ina, ang aking magiging anak sa kanya. sinaktan ko silang dalawa, kaya pasensya na, kahit huli na.
sana bumalik ang mga oras na yon, sana maitama ko ang maling pagkakataon na yon, sana hindi ko nalang sya ginago pa. hindi na sana ako nagkakaganito sa kanya.
nakita ko ang isa kong kaibigan galing sa kanila "huwag ka munang pumunta sa kanila pre, masilan ang pagbubuntis nya"
sana ako ang nandoon. sana ako ang nag-aalaga sa kanya ngayon. sana ako ang pinaglihian nya. sana ako ang umaakyat sa puno kapag gusto nya ng mangga.
gusto ko syang makita, pero pano ba?
"pre, tulungan mo naman ako sa kanya" pakiusap ko sa kaibigan ko.
"pasensya kana pare, hindi na kita mapagbibigyan pa, mahal ko sya" laking gulat ko sa sinabi nya.
sya ba, sya pala. ipinagpalit na nya ako sa iba. mahal ba nila ang isat-isa? bakit sya pa?
"gago ka pare, akin sya!" pagalit kong sabi sa kanya.
oo nga pala, hindi ko na pala sya pag-aari pa. iniwan ko nga pala sya, iniwan ko sya at sumama ako sa iba. sana pala hindi na ako naghanap ng iba, ako sana itong kasakasama nya.
sana, nangangarap na maibalik ko pa. sana, hindi sya sumuko kahit nasasaktan ko sya. sana, sana hindi ko nalang sya iniwan pa. hindi ko nalang sana sya pinagmukhang tanga.
huli na, meron na syang iba.
sana, kahit sa ibang pagkakataon, makita ko parin sya. sana, hindi ko na sya nasasaktan hanggang ngayon.
sana, kahit huli ko ng nakita, mga pagkakamali ko ay parang binabalikan ako. sana, hindi ko piniling maging gago. andito sana sya ngayon sa tabi ko.
sana makayanan ko, ang makita syang may kasama at hindi na ako.
"mahalin mo sya, huwag mo sana syang saktan kagaya ng ginawa ko" at tumalikod na ako.
masakapit pala ang malamang may mahal na syang iba. masakit pala ang malaman ang kaibigan mo at sya ay magkaugnay sa isat-isa.
masakit pala ang agawan ka. masakit ang makita silang dalawang masaya. samantalang ako ay nagdurusa, nasasaktang makita ko sila.
masakit ang angkinin ang isang tao na hindi na magiging sayo. masakit ang isiping hindi na magiging kayo. ang tanggapin na wala na palang kayo.
Masakit pala talaga, pero huli na.
BINABASA MO ANG
Akin Sya, Noon
PoetryAKIN SYA, NOON.. © 2017 Jane Ann Gonzales c r a z i e j a y n e