nagpakatanga

963 17 0
                                    

pagsubok ang mahalin ko sya. tama man o mali, wala akong pakialam. mahal ko sya, sya lang ang nabubukod tanging minahal ko at wala ng iba.

ginawa ko ang lahat para sa kanya, nagpakagaga, nagpakatanga, dahil lang sa kanya. ang laki kong tanga sabi nila, mahal ko sya at hindi ko kayang mawala sya.

sa bawat tao na aking nakakasalamuha, nakikita ko silang walang mukha. sya na lagi kong gustong makasama, makita, ay lagi kong nakikita ang mukha nya sa kanila.

nasasaktan kana, sabi ko sa sarili ko. tama na kase, huwag ka ng magpakatanga. tanga na kung tanga, basta mahal ko sya.

ang makita syang masaya ako'y nagiging kontento na, kahit pa hindi para sa akin ang mga ngiti nya.

unang beses ko syang nakitang masaya, kasama ko sya, laking gulat ko dahil baka ako'y mahal narin nya. uli, tiningnan ko sya, nakangiti pala sya sa iba.

masayang mukha ang aking pinapakita, nakangiti na wari'y walang nag iba, pilit na tinatago ang nasasaktang damdamin ko sa kanya. 

kaya mo yan, isang pagkakataon pa, mahal mo sya hindi ba, panagutan mo yan kahit masakit na.

sya lang ang lalaking pinagkalooban ko ng aking oras at panahon. sinayang ko ito sa kanya, naghihintay na sana mahalin din nya ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.

akin sya, pero bakit ang mahalin sya ay kay hirap na. oo akin nga sya, pero hindi kailan man naging akin ang puso nya.

masakit na, tumigil kana. nagmamakaawa, naaawa na ang sarili kong isipan. pero itong puso ko, na sigi parin ng sigi, buong pusong tinatanggap sya kahit nahihirapan na.

nagsusumamo, na  baka balang araw matauhan sya, makita nya ang pagmamahal ko sa kanya.

nakita ko syang may kasamang babae, nagpapakasasa sa piling ng iba. laking gulat ko nang nakita ko silang magkasama, sarili kong kaibigan ang umahas sa kanya.

nagsawa na ba sya? sya ba'y mahal nya?

pinilit ko ang sarili kong tumalikod na, huwag ko na silang tingnan pa, para hindi ko na naiisip ako'y nasasaktan na.  

mga luhang pilit kong pinipigilan ay bigla bigla nalang tumutulo kahit wala namang dahilan. 

nakatanaw sa malayo, naiiwan ang bakas ng sakit sa aking puso. nakikita ko parin sila, ang isipan ko'y hindi na tumigil na ipaalala sya, ang mga pinagagawa nya.

ang sakit ang makitang may kasama syang iba, sagad hanggang buto ang pagkamuhi ko sa kanya. ang sakit na, pero bakit ganon, mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya. ako talaga'y napakatanga.

pareho kaming mga babae nya pero mas may malasakit pa sya sa kanila. ako itong girlfriend nya pero hindi man lang nya naisip ako'y naghihintay sa kanya, binabaliwala, itinuring na walang halaga.

pinipigilan ko ang sarili kong lumuha, wala akong nakita, hindi ako nasasaktan. isa pa, kakayanin ko naman hindi ba? isa pa, kahit masakit na ang magpakatanga.

pinaasa ka nya, linoko, ginago, kulang paba, sabi nila. wala akong naririnig, tibok lang ng puso ko ang aking pakikinggan kahit halos mamataymatay na ito sa sakit. paulit ulit kong pakikinggan ito para sa kanya,

mararamdaman ko rin ang pagmamahal na hinahanap ko sa kanya, pero sana sa araw na yon ay kaya ko pang magpakatanga para lang hintayin sya.

lulunukin ko kahit buto, bato, kahit ubos na ubos na ang natirirang prinsipyo ko, ang dignidad na meron ako. para sa kanya, handa uli akong magpakatanga.

"bitiw na" sabi ng kanyang kaibigan, naawang tingnan ako sa tuwing nakikita ko syang may kasamang iba. 

wala akong pakialam sa sasabihin nya, nila, nino man. dahil bulag ako sa katotohanan, nagmamaangmaangan sa lahat, kahit harap harapan na nya akong pinagtaksilan.

mahal ko sya, pero bakit ang pagmamahal ko sa kanya'y hindi nya kayang pahalagahan, bakit nahihirapan syang mahalin ako, ang bilis naman nya akong saktan.

kulang pa ang isang pahina para isulat ko sa kanya kung gaano ako nagsakripisyo. sya na walang ibang ginawa kundi paasahin ako, paglaruan, ginago.

iniiyakan ko ang isang taong hindi naman ako kayang panagutan, mahalin, alagaan. iiyak nalang ako sa isang sulok kung saan walang makakakita, ako pa ang may kasalanan, masama, dahil nagmahal ako ng isang tulad nyang walang hiya.

kaya pinaubaya ko nalang ang sarili kong magpakalunod sa pag-asang mamahalin din nya. balang araw sya naman ang maghahabol at hindi na ako. balang araw sya naman ang hihingi nagpagmamahal ko.

sa ngayon, magpapakatatag muna ako, nagpapakatapang na harapin ang katotohanan, harapin ang sakit, ang puot, ang lungkot, ang mga pighating dinulot nya sa buhay ko.

darating din ako sa puntong hindi ko na makakayanang isipin sya, mahalin sya, mawawala din itong matinding kirot na aking nadarama.

ito ako, kahit sinabi ko na sa sarili kong kakalimutan ko na sya, ako pari'y habol ng habol walang sawang nagmamahal sa kanya.

saan ba ako nagkulang, binigay ko naman lahat sa kanya, kahit sarili kong kaluluwa. kulang parin ba ang pagmamahal ko sa kanya? kaya ninais nyang sumama sa iba?

mananaghinip na muna ako kahit dilat na dilat ang aking mga mata, para sa kanya, mahal ko sya kahit na ako'y nagpakatanga. mangangarap ako hindi lang para sa sarili ko kundi para sa aming dalawa.

kakalimutan ko muna ang sakit na dinulot nya, ang araw na ito ay dapat masaya. gusto kong ibahagi sa kanya kung gaano ako kasaya, kagalak, dahil dinadala ko ang anak nya.

kakausapin ko sana sya, pero ako'y pinagmalupitan nya. nagmakaawa ako sa kanya, balikan nya ako, bubuo kami ng isang pamilya. ang akala kong masasalbang relasyon ay tuluyan ng nawasak pala.

ang araw na akala koy masaya, yon pala ang araw na akoy iiwan na nya.

Akin Sya, NoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon