masakit pala

2K 19 2
                                    

"putang ina ka!" sabi ng kanyang ama. namimiligro raw ang buhay nya, pati na ang kanyang dinadala.

napatigil ako at wala sa sarili kong tinanong ang kanyang ama "buntis sya?"

"sino ang ama?" dagdag ko, na parang hindi ko inaangkin ang sarili kong anak sa kanya.

mga pagdududa ang unang kong naisip, ngunit wala namang ibang lalake ang gumalaw pa sa kanya kundi ako lang, ako lang ang kanyang pinagkalooban ng kanyang katawan, at ako lang ang pwedeng umangkin sa kanya.

kahit sa ganitong sitwasyon hindi ko mapigilang maging ako, ako'y nag-iisip ng kahit na ano, mga pagdududa, pagsuklam at wari'y walang pakialam.

nagmamangmaangan ako sa harap ng kanyang ama. may parte sa kalooblooban ko ang hindi kayang akuin ang sarili kong anak sa kanya, ang kasalanan na aking ginawa.

pero mas tumindi ang mga kirot dito sa puso ko na parang kahit pagdusahan ko lahat ng yon ay kulang pa.

dahil sa aking mga nagawa sa kanya, tuluyan akong napako sa sarili kong katauhang hindi kayang mangako. ang mahalin sya ng totoo at hindi ko sya dapat sasaktan.

ako'y naguluhan kung saang paarte sa sarili ko ang dapat kong paniwalaan, may parte sa akin ang nagsasabing "pabayaan ko na sya dahil hindi ko naman sya pinapahalagahan"

at may parte din sa akin ang masugid na nagtatanong "pano ko nakayanang saktan ang isang babaeng nagmahal lang naman at ngayon ay dinadala ang aking magiging anak?"

alam kong kahit hindi ko alam na may anak kami, hindi ko parin sya dapat sinaktan, hindi ko dapat ito  ginawa sa kanya dahil wala naman talaga syang kasalanan.

at ngayon sya itong nagdusa sa lahat ng aking kamalian.

ang aking konsensya ay hindi na tumigil, paulit-ulit na binabalikan ang araw na ginawa ko syang basahan, pinagmalupitan, ginago, pinaasa, ginawang tanga, pinagsinungalingan, linoko at yong sinabi ko sa kanyang hindi ko na sya kailangan.

ang araw na yon ay walang halaga, pero bakit hinding hindi ko ito makalimutan?

hindi na ito nawala sa aking isipan, ang araw na tinakwil ko pala silang dalawa, ang araw na sinaktan ko sila at isinawalang bahala.

sana pala hindi ko nalang sya pinabayaan, sana hindi ko nalang sya iniwan. doon sa labas, sya'y walang sawang naghintay, nagmamakaawa, pero kahit na katiting na pag-aalala hindi ko man lang pinakita.

ang nangyaring yon ay parang araw-araw kong pinagdudusahan. wala na akong pakialam sa kanya, at bakit ngayon, nangingialan ako sa buhay nya.

naging pepe at naging bingi na ako sa lahat ng bubulong-bulungan, hindi ko na sila inintindi dahil wala rin naman akong kayang patunayan.

tama nga naman sila, ako ang may kasalanan kung bakit nasa bingwit sila ng kamatayan. at ang masakit pa doon ay wala akong magawa kahit na magmakaawa pa ako sa kanyang harapan.

kinakamuhian na ako ng lahat at alam kong pati sya ay hindi na nya ako kayang tingnan.

pinagtaksilan ko sya, sinaktan, pinagmalupitan, kaya nararapat lang sa akin ang mahusgahan.

umaasa akong mapatawad nya, maling mali ako sa aking ginawa sa kanya, dapat nga nya akong kamuhian na, kalimutan, kahit ngayon hindi ko sya kayang pakawalan pa.

sisingsisi ako sa mga nagawa kong kabalastugan, sa aking mga kamalian, sa aking mga kasalanan. dapat noong una palang hindi ko na sya ginambala, ibang babae nalang sana ang aking pinaasa at hindi sya,

ibang babae nalang sana ang aking sinaktan, pero naisip ko hindi ko pala talaga sila dapat sinasaktan, kahit na sino mang babaeng pa yan.

ngayon ko lang napagtanto, masakit pala ang agawan, masakit pala ang pagmalupitan, masakit pala ang magmakaawa sa harap nya na bumalik sya pero wala na syang pakiaalam.

sana pala minahal ko sya noon pa. sana, iningatan ko ang pagmamahal nya. umaasa ngayon na sana ako'y mahalin pa nya.

sa tuwing gusto ko syang makalimutan, sya at ang aking anak sa kanya, hindi ko na makayanan. walang silbi ang aking pagsisi kung hindi man lang nya ako bibigyan ng kapatawaran.

gusto ko man silang tingnan, gusto ko silang hagkan, ang makitang inululuwal nya ang aking anak ay parang ako'y lubusang pinagkaitan.

itong makasarili kong mundo ay ngayon umaasa sa kanya, mahalin nya ako muli, maging akin sya uli, bubuohin ko muli ang dating pag-ibig, ang mga nasayang na pagmamahal nya, ang aking sinirang tiwala,

bakit ko naman kase nagawa iyon sa kanya, bakit kay hirap sabihin ang totoo noon sa kanya. bakit ko pa niloko ang isang tulad nya, iniwan ko sya at pinaglaruan pa.

may mahal na syang iba, meron na syang iba, may mag-aalaga na sa kanya. may umako na sa sarili kong responsbilidad sa kanya.

bakit ngayon, ako'y nasasaktan pag may kasama syang iba.

Akin Sya, NoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon