sa malayo nalang ako nakatanaw sa kanya. sa isang sulok, sa isang pasilyo kung saan hindi na nya ako makikita pa. pasimple akong tumitingin, pasimpleng umaasa kahit sinasabi nilang tama na.
sinaktan ko sya, kaya't nararapat ko na syang bitiwan na.
pero pano ba? sa tuwing nandoon na ako, hindi ko makaya kaya. kahit sinasabi ko na sa sarili ko na tama na lalo ko lang syang sinasaktan, pero sa tuwing gagawin ko na sana, nahihirapan akong huminga.
bakit hindi ko kayang pabayaan nalang syang maging masaya.
ako ngayon itong habol ng habol na parang tuta sa kanya, umaaligid aligid kahit kinasusuklaman na nya.
mahal ko nga syang talaga, pero bakit noon hindi ko man lang kayang ipakita. hindi ko kayang ipadama, hindi ko kayang sabihin sa kanya.
minahal ko nga sya, pero bakit pauli-ulit ko syang ginawang tanga.
mahal ko sya, pero binaliwala ko ang pagmamahal nya.
tama na..
ngayon, umaasa akong mapatawad nya. kahit umabot man ng ilang taon, hahayaan ko ang mga sugat na dinulot ko sa kanya na maghilum. at sa tamang panahon, ipapaalala ko sa kanya kung gaano ako kawalang kwenta dahil iniwan ko sya, ipapaalala ko kung gano ako ka tanga dahil sinaktan ko sya, pero ngayo'y abot langit ang pagsisi na,
umaasa, kahit sa isang pagkakataon pa mahalin parin nya.
naging tanga ako dahil tinalikuran ko ang isang tulad nya. ipapaalala ko ang bawat araw na bukambibig ko lage ang pangalan nya. ikwekwento ko sa lahat kahit sa kanya at sa anak ko na nasa sinapupunan nya kung gaano ako kasabik na makasama ko sila.
kasabik na makapiling ang aking mag-ina, kahit pa ultimo ang makausap man lang sya ay tila wala na akong pag-asa.
tama na huwag ko na raw syang gambalain pa, tama na dahil wala akong ginawang mabuti sa kanya.
tama na..
idadaan ko nalang sa pangarap ang mahalin ko sya, idadaan ko sa pag-iyak ang aking pagdurusa. idadaan ko sa paghiyaw ng pangalan nya para lang maging masaya. idadaan ko sa limut ang malamang meron na syang iba.
tama na..
hindi ko alam kung saan ako lulugar. kung ang iba naghahanap ng daan papuntang langit para lang sa kaluluwa nila, ito ako hinahanap, umaasa na sana may daan pabalik sa puso nya.
sana ganon nalang kadali ibalik sya. ako sana ngayon ang nagpapasaya sa kanya.
tama na kase ang kahibangan ko sa kanya, ginago ko sya kaya tama ng mangarap na babalik pa sya.
kinausap ko sya, sinabi kong, "ako'y patawarin mo na."
nakita ko syang lumuluha, pero nagdilim ang kanyang mukha. galit sya sa akin, ang kanyang mga mata ay nasasaktan sa tuwing tinititigan ko sya. sa tuwing nakikita nya ako ay parang preskong presko pa sa kanya ang aking nagawa.
kahit siguro paulit ulit akong magmakaawa, walang kapatawaran sa kanyang mga mata ang aking nakikita. kaya tama na, dapat ko na syang lubayan talaga.
"hindi ko na kaya" sabi nya nahihirapang huminga, kahit kitang kita ko sa kanyang mga mata ako'y mahal pa nya.
kahit nasaktan ko sya hindi nya isinumbat sa akin ang mga kamaliang nagawa ko sa kanya. ako itong walang hiya, nagmamakaawang balikan nya pagkatapos ko syang pinagmukhang tanga, itunuring na walang kwenta. itinaboy ko sya, at ito ako gustong gusto na bumalik sya.
alam kong huli na, pero ito ako umaasa kahit wala na, hindi ko alam kung pwede pa, pinaasa ko sya noon, kaya't ako ngayon ang walang sawang umaasa sa kanya ngayon.
"tama na" isang masakit na salita galing sa kanya, na wari'y hindi na nya kaya. mga bigkas na kahit sa panaghinip nya nasasaktan ko parin sya.
lumuhod ako sa harap nya, gagawin ko ang lahat para sa kanya. kahit sarili ko na ang nagsasabing tama na.
tatalon ako sa isang talon kung yon ang gusto nya, huwag lang nyang hilinging huminto ako na mahalin ko sya dahil lang sabi nyang tama na.
"tama na" paulit ulit nyang pagmamakaawa. namumugho, naiiyak, nasasaktan, nahihirapan.
huminto ang pagtibok ng aking puso ng marinig ko syang nagmamakaawa. huminto ang aking paghinga, bumigat ang aking dibdib, nawawalan ng enerhiya.
nagpang-abot ang lungkot, ang kirot, ang pag-asa na sana kami ay maaayos pa, ang hapdi ng kanyang sumbat, pinapadama sa akin kung gaano kalalim ang kanyang mga sugat.
damang dama ko kung gaano ko sya nasaktan hanggang ngayon, damang dama ko sa kanyang mga boses kong gaano nya ito sinarili sa kalooblooban nya mula pa noon at ngayon palang nya nasaitinig, ngayon palang sya nakahinga sa sakit na naidulot ko sa kanya.
ang mga sugat na iniwan ko sa kanya ay tila yon nalang ang komukonikta sa aming dalawa.
"tama na" huling sabi nya, nasasaktan akong pangkinggan sya.

BINABASA MO ANG
Akin Sya, Noon
PoetryAKIN SYA, NOON.. © 2017 Jane Ann Gonzales c r a z i e j a y n e