638 30 11
                                    

Ashley's 


Mag-isa akong naglalakad sa hallway. I took dance classes, kaya naman medyo malayo pa yung pupuntahan ko. Kainis naman. Bakit ba kasi sa kabilang building pa yung Arts building? Sisihin ang tatay ni Sab. De, joke lang.


Pumasok ako sa classroom, at nagpunta sa may dressing room para magpalit ng damit. Sinuot ko yung hanging shirt ko, shorts at sneakers para mas kumportable ako. Saktong pagkapasok ko, may pumasok na dalawang babae, and as expected, nagchichikahan. Nang matapos ako, bubuksan ko na sana yung pinto nang marinig ko ang pangalan ni Romeo sa usapan nila.


"Alam mo ba, rumored na ipapakasal na daw si Romeo?" Sabi ni Girl 1. Damn it. Paano nila nalaman? 


"So? Panigurado namang kay Veronica yon ipapakasal." 


"Eh, paano naman mangyayari yon? Eh ayaw nga ng Dad ni Romeo kay Veronica, diba?"


"Tch. Bakit ba kasi pinapakialaman mo pa sila? As if naman na makakatulong sila sa ekonomiya ng Pilipinas. Ayusin mo muna yang eyeliner mo bago ka mangialam! Tsk." Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa usapan nung dalawa. Napahinga ako ng malalim at sumandal sa pintuan ng cubicle. Buti naman at hindi nila alam na ako yun. I sighed in relief and went out the cubicle happily.


Paano nalang kaya kung nalaman nila? Edi sira na ngayon ang tahimik kong buhay. Mas mabuti na yung hindi nila alam. Pasakit naman kasi sa buhay tong Romeo na 'to. Akala mo, kung sinong gwapo kung makaasta. Ang sarap ihampas sa pader.


---


"Okay class, that's all for today. See you all next Wednesday." Niligpit ko na ang gamit ko saka umalis ng dance room. Naglalakad ako sa may hallway, nang mapansin ko na hindi ayos ang bun ko. Hayy nako. Wala na talaga akong nagawang ayos sa buhay ko. Masyado siguro akong napagod sa dance practice.


Tumigil ako saglit sa may tapat ng isang classroom. Dahil glass door, pwedeng manalamin dahil tinted sya. Naks, buti pa tong building na 'to. Bago kasi. Eh yung amin, old building. Kaya ayun, hindi glass doors. Dapat talaga nagtake nalang ako ng Photography. Oh well.


Inayos-ayos ko din yung sarili ko saka umalis. Hmm, makapag-McDo muna!


Romeo's

Ang boring talaga ng Photography class. Bakit ko nga ba kasi tinake pa 'to? Ang panget naman kung dancing, or singing. Pang-KPOP lang? Kung may choice pang iba, hindi ito ang kukunin ko. 


 Pinaglalaruan ko ang ballpen ko nang marinig ko ang bulungan ng mga katabi ko. 


"Bro, ang sexy oh." 


"Oo nga, 'no. Shit pare, my abs!" Napalingon agad ako--at mali ang iniisip nyo. Nacu-curious lang ako sa itsura nung babae. Malay nyo kasi maganda nga yung katawan, hipon naman. Nakita ko naman na nakatingin sila sa may bandang pinto, kay napatingin din ako dun--ANONG GINAGAWA NI ASHLEY DOON? AT BAKIT KINAPOS YATA SA TELA ANG TSHIRT NYA PATI BAKIT ANG IKLI NG SHORT NYA? AT TALAGANG NATRIPAN PANG MAG-IPIT SA TAPAT NG PINTO NAMIN.


Nakita kong pati yung iba kong kaklase, napansin na ang ginagawa nya. Shit. Ano ba kasi ang pumasok sa kokote ng babaeng 'to at talagang sa harap pa ng pinto namin nag-ayos? Is she crazy? Kalma, Romeo. Hindi na nila papansinin yan mamaya.


"Bro, ang ganda pa ng mukha oh!" Concentrate, Romeo. 


"Kinis ng legs! Mukhang anak-mayaman!" Bakit ba kasi hindi napapansin ng prof.?


"T*ngina! Tumaas yung shirt!" Hindi na ako nakapagpigil kaya tumayo na ako at kinwelyuhan ang katabi ko.


"Tangina pare, fiance ko yan." 


The Lucky OneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora