Epilogue

527 29 3
                                    

Ashley's

"Ash, we'll be leaving in an hour. Dapat three hours before our flight, nandoon na tayo." Sabi ni Kuya, saka isinara ang pintuan ng kwarto ko. Sa Milan pala kami pupunta. Mom had always wanted to live there. Too bad, she's not here.


This is it. Aalis na kami. I have to start anew. Dad has talked to me already. Malinis ang intentions niya sa pag-alis namin. He's right, we're too young. Natutuwa rin ako, kasi kahit papaano, naiisip pa pala ni Dad ang pamilya namin. He chose to close the company that had too much memories of mom, and I salute him for that.


Kanina pa akong nakabihis. Ready na rin ang mga bagahe ko. Maging 'yung mga gamit ko sa bahay namin ni Meo, nakuha na nila. Halos nababalot na din ng while cloth ang kwarto ko. I sighed. Ayokong umalis, and leave my friends behind. Pero...kailangan talaga. 


But something's holding me back. Pumilas ako ng papel sa notebook ko, at saka nagsulat doon. Hindi ko sigurado kung mababasa man ito ni Meo, pero gusto ko lang malaman niya ang nararamdaman ko.


"Kuya! Daanan nyo na lang ako sa University!" Hindi ko na sya hinintay na sumagot, at agad na nagpahatid sa driver. Nang makarating na kami, pinabalik ko na si Manong. Kailangan ko munang mapag-isa sa huling araw ko rito.


Nagsimula na akong maglakad, at nagtungo sa may tambayan namin ni Meo. 'Yung doon sa may puno. Napangiti ako ng mapait. Dito rin nakuhanan ang picture ni Meo at Nica. I shook my head, as I took a seat on the grass.


Hindi kami matagal na nagsama ni Meo, but surely, those memories I shared with him are truly lovable. Sa kanya ko naranasan kung paano ba ma-inlove. I lost my first kiss to him. And I wouldn't have chosen anyone to steal it rather than him.


Sa maiksing panahon, natuto akong lumigaya sa tabi mo Romeo. But maybe, it's not yet our time. Or baka naman, we're not really meant to be. This is the harsh reality, Romeo. At ayokong patuloy na ipagsiksikan ang sarili ko knowing that you love someone else.


I have to let you go. Masakit man sa akin, pero kailangan ko. I have to move forward. Hindi palaging iikot ang mundo ko sa'yo. I need to grow up first bago kita muling harapin. I might be a coward, but I might not be able to say goodbye if ever I see you today. Mas mabuti na 'yung hindi mo alam na umalis pala ako.


I was expecting that I'll cry. Pero wala na, namanhid na ako. Sa sobrang sakit, hindi ko na magawang umiyak. Napagod na rin siguro ang mga mata ko. I looked up at the sky, and smiled.


Natuturuan naman ang puso, diba? Then I might as well teach my heart to forget you. Alam kong sa pag-alis ko, sasaya ka na ulit. You're free to love anyone, and so am I. Pero sana kapag nagkita ulit tayo, we could be friends, though we were never one to begin with. 


Napatingin ako sa papel na hawak ko. Natatawa ako sa sarili ko dahil sa mga kadramahan ko. Anim na salita lang ang nakasulat doon, but it summarizes my feelings towards him. Sana lang Romeo, makita mo 'to.


Nagpunta ako sa puno, atsaka naghukay doon at inilagay ang sulat bago ko ibalik muli ang lupa. Mababaw lang iyon, kaya makikita pa rin ang puting papel. Sana lang, si Romeo ang makakuha kundi magiging fail ang pagdadrama ko.


Nagtungo na ako sa gate, at saka tinext si Kuya na daanan na nila ako. Maya-maya pa ay dumating na sila. When I entered the car, Dad smiled at me, while Kuya tapped the seat beside him. I leaned my head on his shoulder, as Dad drove.


"Himala, hindi ka umiyak." I punched his knee. "I thought that you'll be bawling your eyes out at baka nga hindi ka na umalis doon. Pero mukhang panatag ka pa." 


"I did something inside the University, but it's not that much." I smiled lightly.


"Baka naman sinunog mo yung locker ni Meo." Napatingin ako kay kuya, saka tumawa.


"Bakit ko nga ba hindi naisipan na gawin 'yon?"


---


"Calling the passengers of Flight RO615, please proceed to the boarding area now. We'll be leaving in a bit." 


"Ash, let's go." Sabi ni Kuya, bago naglakad papunta doon sa departure area. I looked outside for one last time. Balita ko, matagal-tagal rin kaming mawawala dito. Sayang lang, hindi ko siya makikita. Maybe I won't have the heart to leave if he was ever here.


I sighed deeply, and turned around, not wanting to look back. I'll be leaving the sad memories here, and might as well live in the present. Masyado na akong masasaktan if I'll ever be living in the past. 


I love you Romeo, but good bye.

The Lucky OneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora