二十三

456 24 4
                                    

Romeo's

"You screwed up big time, this Romeo." Nagulat ako sinabi ni Dad. Pinatawag niya ako ngayon sa office niya, pero it seems like he's in a bad mood. "Explain this thing to me." Inabutan nya naman ako ng picture at nagulat ako sa nakita ko. Ito 'yung araw na habang hinihintay ko si Ashley, tapos dumating si Nica. Damn! Sana hindi pa 'to nakikita ni Ash!


"Dad I-" He did not even bother looking at me, and he immediately snatched the photo as he ripped it into pieces. "I swear, I have no more romantic feelings for Nica! Si Ashley na ang gusto ko!" He slammed his hands on the table, as he looked at me sternly.


"Wala nang magagawa 'yang pagmamahal mo kay Ashley, Romeo. Sinira mo ang lahat! I promised Richelle! I freaking promised her!" Gusto kong magalit, but after I saw dad cry, I wondered why. Gaano ba kahalaga ang Richelle na 'yan sa kanya? And most importantly, sino ba siya? "Go out, Romeo. We'll talk soon." 


I obeyed, and this time, umalis ako ng office niiya ng hindi galit. I'm confused, bakit galit si Dad? Picture lang 'yon, I can explain to Ash! And she'll believe me, right? Pero, anong sinasabi ni Dad na sinira ko na ang lahat? Can it be -- No, hinding hindi mapopostpone ang kasal namin. 


I went down and walked into the living room, and saw Mom sitting on the sofa. She looked so sad, and I wonder why. Lumapit ako sa kanya, at tumabi. Saka ko nakitang nagtitingin siya ng mga pictures sa photo album nya.


"I see that your Dad has told you." Malumanay niyang sabi. Magtatanong sana ako nang magsalita syang muli. "Ashley's such a nice girl. Too bad, she's leaving soon." Sabi niya, saka niya inilabas ang isang picture na may dalawang babae. "Richelle, she's my best friend, and your father's first love."


Leaving? First love? Sobrang gulo, ano bang nangyayari? Bakit wala akong kaalam-alam? I'm getting frustrated. "This," itinuro niya ang babaeng medyo matangkad, at kamukhang-kamukha ni Ashley. "Is Richelle. Tapos ako yung katabi nya. Ashley really looked like her, right?" 


"Yes, but mom. Anong sinasabi mong aalis na si Ashley? I don't get it." Nagtataka kong tanong. She sighed and held me on my shoulders, as a tear escaped her eye.


"Everything's ruined now, Romeo. Wala na tayong magagawa." She wiped her tear. "Just, please. Intindihin mo muna ang daddy mo as of now. He's just mad...at his self. Let's give him some space, okay?" She patted my head before going upstairs.


Ano ba ang nangyayari? I tried calling Ash, but her phone's unreachable. Nahihiya naman akong tawagan ang kaibigan niya. Ano na ang gagawin ko? I feel so...helpless. Ayoko nang ganito. Kailangan kong puntahan si Ashley.


Agad akong tumakbo papunta sa garage. Kinuha ko ang susi ng kotse ko, saka pinabuksan sa guard ang gate. I need to go there as soon as I can. Naguguluhan na ako. Why does everything seem so blur? Wala akong maintindihan. Ano bang papel ng mommy Ashley sa nangyayari ngayon? And Ashley's leaving? I can't let it happen. Ngayon pa na lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya.


Maya-maya pa ay nakarating na din ako. Agad akong pinapasok nung guard, kasi kilala naman nila ako. Nakikita ko pa ang mga maids na naglilinis sa garden. I sighed in relief. She's not going to leave. I know it. I just know it.


Pinapasok ako nung isang maid sa loob, at nakita ang kuya ni Ashley na nakaupo sa salas. Nang makita nya ako, agad syang tumayo at agad na sinuntok ako sa mukha. Bago pa man ako makapagsalita, itinulak na niya ako palabas.


"Umalis ka na. Leave my sister alone." Malamig niyang sabi. Anong...anong nangyayari? Nakita na ba nila yung picture? Damn it!


"Let me explain--"


"Explain? Damn, Romeo. I told you to not break my sister's heart! But you still did. Sabi ko na nga ba, you're no good for her." He closed his eyes as he inhaled. "Ayoko na nakikitang nasasaktan ang kapatid ko. Kaya pwede ba, umalis ka na. Kapag nakita ka nya pa dito, baka magsisi ka pa." 


Tuluyan na niya akong itinulak sa labas, at isinara ang pinto. "Buksan nyo 'to! Please, let me explain! I love you Ashley! I really do!" Napaupo ako sa lupa, at tuluyan nang umiyak. Ashley, please. Hear my voice. 


I can't live without you.


Ashley's

"Buksan nyo 'to! Please, let me explain! I love you Ashley! I really do!" Hinigpitan ko ang yakap ko sa unan ko. I could hear him from my room. Nakita ko siyang pumasok sa bahay namin, pero ipinagtulakan siya ni kuya. He just did the right thing. Or...no. Tama na siya. Stop making a fool out of yourself. Romeo does not mean everything he had said.


Tuluyan na akong napaiyak, nang narinig kong magbukas ang pinto. Kuya went in, and hugged me tightly. "Wala na sya, Ash. Please move on. Hindi ka niya kayang mahalin." Sinubukan ko nang paniwalaan yan, pero hindi ko pa rin kayang mag-move on. He's my first love, after all.


"Kuya, bakit ang sakit? Kung sino pa 'yung taong pinagkatiwalaan ko, kung sino pa yung minahal ko ng todo, bakit sya pa ang nanakit sa akin? Why is everything so unfair!?" Humagulgol ako habang yakap ako ni Kuya. Ang sakit. 


"I kept on telling you that he's no good for you. Don't cry, Ash. Ayoko nang nakikita kang ganyan." He kissed my hair. "Makakalimutan mo rin siya. We're leaving soon, Ash. 'Wag kang mag-alala." 


Naaalala ko 'yung sinabi sa akin ni Dad. Aalis na kami ng bansa. He canceled my engagement with Romeo. He decided to migrate in Italy, at isara nang tuluyan ang kumpanya namin. Mayroon kaming kamag-anak doon, at sabi ni Dad, magtatayo daw sya ng bagong business with my uncle na nakatira doon.


I should be happy, yes. Matagal ko ring hiniling na ma-cancel 'to. I don't want to be married at such an early age. Well, sino nga ba ang may gusto? Pero, bakit ngayon pa? Bakit kung kailan nagugustuhan ko na si Romeo? Bakit...hindi noon pa?


Gusto kong paniwalaan na wala nang feelings si Romeo para kay Veronica. But that picture proved it all. Naaalala ko na ang katayuan ko sa buhay ni Romeo. Isa nga lang pala akong malaking harang sa love story nila ni Veronica.


Pero a part of me wanted to believe that he really does love me. Yung mga actions niya, parang lahat totoo. I...just want to wake up from this nightmare. Pero, nasa realidad nga pala ako. Ako si Ashley, sya si Romeo. Sila ni Veronica ang para sa isa't isa. 


Masakit. Masakit ang mabuhay sa realidad na wala nang Romeo sa tabi ko. 


The Lucky OneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora