623 36 11
                                    

Ashley's

Kahit na labag sa loob ko, nagsimula na akong mag-impake. Hindi ko maimagine kung anong magiging atmosphere sa 'bahay' namin. Kasi naman, isang dyosa at isang alipin under one roof? Nakaka-stress!


"Oh Ash. Itsura mo?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Kuya Wats na nakacross arms habang nakasandal sa may pinto. I rolled my eyes and continued packing. "Snob. Hindi mo manlang ba mamimiss ang pogi mong kuya?" Tapos nag-act pa sya na parang nasasaktan.


"Miss your face. Atleast nga mas mapapalayo pa ako sa pangit mong pagmumukha eh." I stuck my tongue out, and carried my last bag. Nagulat nalang ako ng biglang lumapit sakin si Kuya Wats tapos niyakap ako. 


"Pero seriously Den. Mamimiss kita." He then caressed my hair, while I buried my face on his shoulder. Minsan lang magdrama itong kuya kong panget kaya dapat lubusin ko na.


"I would lie if I say I'll not miss you right?" He then smacked me in the head, while I just pouted. "Oo na, mamimiss na kita. Drama mo. Pero makikita mo parin sa school ang aking byutipul peys! At lagi akong mags-stay dito pag weekends, okay?" I winked playfully, and he ruffled my hair.


"Tch. Oo na. Atleast pag weekends, may kukulitin ako." We both laughed together, cherishing the last moment I'll be sharing with him before I move out of our house. He then got out, while I just looked at my now-empty room. Seriously speaking, mamimiss ko ang kwartong 'to. 


Bumaba na ako, carrying my bags. Nadala na kasi yung ibang gamit ko kanina pa. Oh diba, ang chaka. Nauna pa yung gamit ko kesa sakin. Si dad naman at si kuya, nakaabang dun sa may staircase. I gave them a near hug, which lasted for minutes.


"I'll miss my little princess." I smiled. "Behave there, okay? Saka, palaging nakabukas ang pintuan ng bahay natin in case na gusto mong pumunta." I giggled, and gave my father another hug.


"Hoy kayo. Wag munang gagawa ng kababalaghan habang hindi pa kayo kasal, okay?" Sinapok ko si Kuya. Kung ano-ano ang iniisip. Akala mo naman, gagawin ko yung ano kasama ang demonyong 'yon. No. NEVER.


"Dad, Wats. I'll go na. I'll miss you both. Palagi akong uuwi dito pag weekends okay?" I turned to look at Kuya." "Hoy kuya. Skype tayo mamaya. Hehehehe--BYE!" I pecked their cheeks, saka lumabas ng bahay at sumakay sa kotse nung maghahatid sakin. I turned to look at our house one last time, and waved at Kuya and Dad. This is it, this is the time to live with the demon.


---


Nakarating na kami sa condo. And in fairness, maganda ang interior. Malaki sya, yung tipong may kusina, living room, saka tatlong bedroom. Spacious naman, at malinis tignan. Dumiretso ako sa kwarto ko, at napansing wala pang demonyong gumagala-gala sa loob. Buti naman. Nakita ko naman yung room na may pangalan ko, saka pumasok.


Exact replica sya nung nasa bahay namin. I smiled widely, and jumped to the bed. Hayy. Nakakamiss tuloy. Pero atleast, hindi ko masyado mamimiss ang bahay namin dahil sa aura ng kwartong 'to. Ilang minutes muna akong nagmunimuni, saka inayos ang mga gamit ko.


Dahil ayos na naman ang closet ko, yung mini-library atsaka yung study table ko ang aayusin ko. Dinala ko yung mga novels ko, para naman hindi ako mabored. Naglibot-libot ako sa kwarto ko matapos maayos ang gamit ko. May bathroom, tapos medyo malaki yung walk-in closet. Ayos na 'to.


Lumabas ako para tignan yung living room at kitchen. And speaking of the devil, nanonood sya sa may salas. Nilagpasan ko lang sya at dumiretso sa kusina. Nagugutom na ako eh. Buti nalang at loaded yung fridge. Kinuha ko yung tiramisu, saka kinain. 


"Baboy." I almost choked when I heard his voice. Agad akong tumayo para kumuha ng tubig, and glared at him. I went back to my seat and continued eating. Syempre tinaas ko pa ang paa ko para feel. Lumapit naman sya tinapik yung saka, sakay pinush pababa. I glared at him, but he just smirked. "Wala pang manners." 


Tumalikod sya, pero bago pa man sya makaalis, I threw the placemat at him. "What--" Pero bago pa man sya makapag-react, tumakbo na ako papunta sa kwarto ko. I turned to look at him one last time, and stuck my tongue out before closing the door.


Romeo's

I shook my head. I can't believe I'll be living with this girl. Napakachildish, wala pang manners. Ibang-iba kay Nica. No wonder how I don't like her. I can't even imagine how we'll work out together. 


Bumalik ako sa sala and continued watching. Teka--malapit na palang magdinner. Wait. Sinong magluluto? Aish. Marunong bang magluto yon? Should I ask her--NO. NEVER. Magluluto na lang ako. Saka ko nalang tatawagin ang baboy na yon pag kakain na.


Dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng kung ano-ano. Bahala na. Magluluto ako ng adobo. Pero syempre, magsasaing muna ako. Matapos kong magsaing, kinuha ko yung manok sa freezer, saka binabad sa tubig. Naghiwa na ako ng sibuyas at bawang. Ano nga ba yung nagpapa-itim sa adobo? Ah, kape.


Natapos ko ng lutuin yung adobo. Hindi ko na tinikman. Nakakatamad eh. Naghain na ako, at pumunta sa kwarto ng anak ni satanas, at kumatok.


"Oh?" Halatang kakagising nya lang. Hot--I mean, panget. Naka-dirty bun yung buhok nya, tapos nakaloose shirt sya at shorts. Agad akong tumalikod, dahil baka akalain nyang I'm checking her out. In her dreams. 


"Kakain na." Maikli kong sabi, saka umalis papuntang kusina.  Grabe, ang init don ah! Nakabukas ba ang heater dito? I fanned myself using the placemat, saka umupo. She took a seat in front of me, and started eating. "How's the--"


"TUBIG!" Agad naman akong tumayo at kumuha ng tubig. Ininom naman nya yon, and glared at me. "Are you trying to kill me?!?! Bakit ang pakla? Pwe!" She then drank more water. Ano bang mali sa niluto ko? I tasted it and--


"Damn it. Pagkain ba 'to?" She then looked at me weirdly.


"Are you insane? Ano bang ginamit mo dito ha? You could've asked me to cook for you!" She rolled her eyes and crossed her arms. Brat.


"Kape--" Ashley threw the placemat at me. What the hell is her freaking problem!? "Ano ba--"


"Toyo ang ginagamit don hindi kape. Tanga! Umorder na nga lang tayo. Kesa magtiis pa ako jan sa pagkain mong lasang ewan." She stood up and went to the sala to call the fastfood. Niligpit ko nalang ang kalat, saka itinapon ang 'pagkain'.


And that night, we decided to just eat fastfood delivery rather than my so-called 'adobo'.


The Lucky OneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora