IFILWME 8

24 1 0
                                    

Chapter 8

Jake's POV (hehe, ayaw niyo yun? agad agad!)

Tumayo siya at pinagpag ang palda niya. "Tsk... alis na ako. Baka bukas pupunta pa rin ako dito." - siya

Ngumiti at tumango lang ako. "See you." - ako. Tapos umalis na siya agad.

Well, nagmuni-muni lang ako dito. Tutal wala ring teacher sa amin eh. Ayoko rin sa mga babae dito eh. Pwera lang dun sa Emo Girl na yun.

Anti-Social lang talaga ako sa iba. May isang bestfriend lang naman ako na lalaki eh. Si John Vincent. Pero all in all na kaibigan, wala.

Di naman sa Emo rin ako. Pero tingin ko lang kasi gusto lang nila ako maging kaibigan dahil sa pera, kasikatan ko or what. Parang friends with benefits.

Pero sa nakikita ko dun sa babeng yun... Hehe, ang cute at unique niya eh. Di naman sa gusto ko siya, pero gusto ko lang na maging close kami. Sana nga.

Uhmmm... Nga pala. Ako nga pala si Jake Asuncion. 17 years old. Maputi, Matangkad at hehe.. sabi nila hot daw...? Ewan.

Ciara's POV

Wow! Nagiging close na rin kami ni Lea! Haha. Sana nga tuloy tuloy to. Well, nandito ako sa section B. Tsk... Si John kasi eh, may sinabi na ihahatid niya ako. Ewan, sabi daw ng mama niya eh. Well, gustong-gusto kasi ako ng mama nun eh.. Ewan! Naiinis lang ako.

Naglalakad ako papunta sa corridors para maka punta na sa classroom. Pero bigla kong nakita si Lea, naglalakad sya papunta sa.... Saan nga ba? Haha! Susundan ko na lang siya.

Nakita ko siya papunta sa... Garden? Ang cute naman ng lugar na eto. pero syempre nagtatago lang ako.

Umupo sya sa isang bench na nasa lilim ng puno. Nakita ko siyang lumuluha. Ewan, parang napaka lungkot ng mga luha niya. Nakakasakit sa pakiramdam. Pupunasan nya sana ang luha niya at pupuntahan ko sana siya kaso nakita ko kaagad na may lumapit sa kanya.

Isang gwapo, matangkad at maputing lalaki. Wafu! hehe. Ayieee... may lovelife agad! Inabutan ito ng Itim na Panyo at parang tinanong yung lalaki. Ngumiti ng killer smile yung lalaki... Psh, hindi ko gaano marinig yung pinag uusapan nila.

Haha. Batay sa reaksyon ni Lea, halatang nagsunget na naman! Sayang naman yun. Tapos parang nagpakilala sa kanya yung lalaki. Ewan ko kung sinabi rin niya yung pangalan niya. Pero pusta ko, Hindi.

Ngumingiti lang yung lalaki sa kanya. hehe, alam na.

Tapos ilang minuto lang, tumayo na si Lea at parang may sinabi yung lalaki. Ngumiti ulit si Wafu ng killer smile. Tsk tsk, buti pa si Lea.

Tapos naglakad palayo si Lea. Tumalikod na lang ako habang nakayuko. Ewan, naiisip ko kasi si John kung sana may gusto rin sya sakin...

Wait.... Ano?!?! Argh! Wala! Wala! Hindi!

Napa buntong hininga na lang ako.

"Galing mo rin mag espiya ah..." - ???

"L-L-Lea! Ah! hahaha..." - ako na medyo kinakabahan.

*PAK*

"Aray!!! Masakit yun ah!" - ako habang hinihimas ko yung parte na nabatukan niya. masakit...

"Nagdedeny ka pa.... Halika na nga... Dismissal na rin naman eh." - siya

Tapos naglakad na kami papunta sa classroom.

Nakita ko si Sandra at Ela na nagtatawanan.

Lumapit kami sa kanila.

"Oh! Ikaw pala Ciara... Ano ginawa mo kanina sa labas?" - Tanong ni Sandra

I Fell In Love With My EnemyWhere stories live. Discover now