IFILWME 6

59 1 0
                                    

Chapter 6

Sandra's POV

"hahaha! Grabe wala na namang teacher!" ako habang nakangiti ng malapad

"Hmmm... Sigurado ako.. Bukas magdadagsaan yan ng seatwork!" - ciara sabay pout.  haha ang cute!

"okay lang yan! mukha ka namang matalino eh!" - ako

"ano ba yan, first day pa lang, nag uusap na kayo tungkol sa seatworks." - ela

"hehe.. sorry." Giit ni Ciara with peace sign

Well dahil nga walang teacher at wala na akong topic, tumingin na lang ako sa paligid.. nagbabaka sakaling makita ko si Christian...

Ops! mali kayo ng iniisip! Gusto ko lang siyang pagtripan!

Pero may naka kuha ng atensyon ko. Ang cool at ang cute niya! Pero wala syang kausap, nasa likod lang sya. Naka upo at nakikinig sya ng music... Hehe, may panlalake syang singsing, may bracelet na... bungo?? at may dalawa siyang earrings sa isang tenga... siguro piercings? Haha.. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganun eh.. pero ang cute sana niya kung babae ang aura nya... Boyish?? yun nga... Pero cool siya. naka dungaw lang siya sa bintana.. Haha.. Dinedescribe ko sya pero di ko man lang alam ang pangalan nya.

"uy! ela at ciara, lapitan nga natin yun! Gusto ko sya makilala!" sabi ko habang hinihila sila.

"ah ah... Sige! Ang cute nya!" bulong sakin ni ciara

"......" ela. ayun, tahimik lang. alam niya kasing mapilit ako eh.

Nilapitan namin yung babae, hmmm.. maputi, maikli ang buhok nya, siguro sa balikat lang nya yung haba.. tsaka medyo maliit pero okay lang naman, kasi bagay sa cheeky nyang face!

"Hello!" Bati ko na medyo malakas ang boses para marinig nya.

Napatingin sya samin at sa akin at tinanggal yung earphones nya.

"Anong kailangan nyo?" maangas nyang pagkakasabi.

"ah.. wala naman... anong name mo?" - ako

"Lea." wow! ang ikli naman!

"Lea?" - ciara na para bang hinihingi nya yung buong pangalan.

"Lea Villanueva" ang tipid talaga magsalita huhu

"ah... Gusto mo bang sumama sa amin magkwentuhan at lunch na rin?" offer ko habang naka ngiti

Sya naman, kumunot ang noo. "And why would i?" tanong nya na naiirita.

Wow! Grabe! ang sungit! Tsk.

"Ah... kasi baka nabobored ka at gutom ka na?" - ako na medyo nagpapout. Sana gumana.

"No thanks." sabi nya na para bang amboring namin kausap. Engk. Wa epek ang pout ko!

"Tsk." i mumbled then hinila ko sina ela at ciara ng padabog.

Lumayo kami at pumunta sa unahan ng mga upuan at nag usap.

"Grabe naman sya! ang sunget!" Sa totoo lang, ang sungit nya. Hays. Ang cute pa naman nya. Feeling ko ang saya maging kaibigan pag nakilala sya ng tuluyan.

Well... naaalala ko si Christian kapag may ganito akong inis...

ayyy.. hindi! erase! erase!!

"Hay... Ang angas pa nya. Sayang naman." - ciara na nang hihinayang

"Hmph! bakit ka nang hihinayang? Tsk. Bahala siya! Kainis!" Ako na naiinis.

"Guys, wag na lang kayo mainis baka may iniisip lang sya." - ela

I Fell In Love With My EnemyWhere stories live. Discover now