Yung... Yung picture.
Biglang nagflashback sa isip ko yung pangyayari. Yung graduation pic namen. Yung pinaka unang picture namin na magkasama. Hahaha! Yung pinilit pa ako ng mama nya na magpapicture sa kanya.
Hmmm. At naka frame pa. Sa may tabi pa talaga ng kama nya ha? Lol. Ay oo nga pala. Sya pakay ko dito hindi yung kwarto nya. Tumingin ako sa kanya. Bigla naman syang gumalaw. Pero tulog pa din. Hinawakan ko yung noo nya. Ang init nya. Ang taas siguro ng lagnat nya.
"Ang hot mo panget. Literal."
Bumaba ako para magluto ng noodles.
"Tita! Paluto po ako ng noodles. Para po kay christian."
"Sige lang hija."
Nagpainit na ako ng tubig. Habang nagpapainit ay kinuha ko na yung instant noodles sa may ibabaw ng ref.
Ayan. Kumukulo na. Hahahaha! Pinatay ko na yung kalan at pinihit ko na yung sa may gas. Nilagay ko agad yung tubig sa noodles. Kumuha na din ako ng malamig na tubig at maliit na towel para sa noo nya.
"Nakakapagod yun ah. Buti nalang tapos na."
Umakyat ako nang dala dala ko yung malamig na tubig at yung towel. Nilagay ko saglit sa may sahig at piniga yung towel. Inayos ko yung higa nya.
"Hmmmmm." Hala nagising ko ata.
"Saglet. Lalagyan kita ng towel sa noo mo." Bago pa sya magsalita ulit ay nilagay ko na sa noo nya. Tulog nanaman.
Bumaba ako para naman kunin yung noodles. Jusko. Nakakapagod pala. Akyat baba XD hayaan na nga.
Nang makarating nako sa kwarto nya, nilagay ko muna sa side table yung noodles.
"Chan, gising naaa."
"Hmmmmm."
"Kakain kana para makainom kana ng gamot mo."
"Mamaya naaaa." Para syang bata na ayaw talaga. Basta yun.
"Ngayon na. Wag nang makulit."
Bumangon na sya at halatang pilit. Yung mukha nya. Ayun. Nakabusangot. Well, kailangan e.
"Galit ka? Sorry ha? Kailangan mo kasi e." Malumanay kong sabi sa kanya.
"Hindi. Okay lang." Nag unat sya tas ngumiti. That smile.
"Sure ka ha? Ay teka, kumusta na pakiramdam mo?"
"Okay na. Nandito kana e." Djaucnwidnjznw stahp it. Hahaha. Jokeee. Hindi ako kinikilig.
"Harhar. Corny mo. Ano nga? Seryoso?"
"Seryoso naman ako ah. De joke. Mejo umokay naman ako." With matching ngiti again. Juicecolored.
Kinuha ko na yung noodles sa side table. "Oh eto, kumain ka." At inabot ko na sa kanya.
Pero bago pa man sya kumain, tumingin muna sya sakin.
"Thankyou mae ah? Hindi ko akalain na sobra ka palang concern sakin kahit na inaaway kita."
Jajxhahdnkfjwndjd take meeeeee. Waaaaah. Joke masyadong oa XD
"Ngayon lang to. De joke. Wala yun. Kaibigan pa rin naman kita kaya concern ako sayo." With matching ngiti yaaan.
Kinain na nya yung noodles. Habang ako, eto, nililibot yung paningin sa kwarto nya. Nakakamangha e. Ang organized masyado. Dinaig pa ako.
Christian's POV
![](https://img.wattpad.com/cover/8515410-288-k518498.jpg)
YOU ARE READING
I Fell In Love With My Enemy
Fiksi PenggemarDati pa lang kinaiinisan mo na sya dahil sa lagi ka nyang inaasar at lagi ka nyang trip. Pero sa kabila pala nito ay may tinatago pala syang feelings sayo. Hindi sya maka amin ng dahil sa pag ka torpe nya. What if bigla syang umamin sayo at handa da...