Lia's POV
Bakit ba ako nagsorry sa kanya?Eh kasi naman parang may mali ako kaya ako nagsorry. Nakakainis naman ang sarili ko!
"Hoy Lia!" Sigaw nya saakin pagkatalikod ko sa kanya.
"Bakit?" Lumingon ako sa kanya at nakita ang mukha nya na ganito --> :-( Hala bakit anong nangyari sa kanya?tsaka ngayun ko lang sya nakitang ganyan?Ano ba nangyari,nalungkot bigla mukha nya baka nalungkot sya sa sinabi ko o.O pero nagsorry lang naman ako ah.
"Gustong-gusto ko ng sabihin ito eh,sana maintindihan mo ang sasabihin ko sayo...dahil mahalaga saakin ito hindi ko na kayang itago ito." Hala ano ba sinasabi nya?
"...gustong-gusto ko talaga ng icecream...nakakainggit kasi yung bata na yun ohh. Bili mo 'ko icecream promise pag binili mo 'ko bati na tayo,iaaccept ko na yung sorry mo." Kailangan may ganon?Libre muna para mapatawad?Oh well sige pero alam nyo ang childish nya pala hahahaha. Parang icecream lang malungkot na sya. May halong childish pala itong sunget na 'to hahaha!
"Sige ako na lang ang bibili baka maubos pera ko pag ikaw pinabili ko eh"
"Okay ^^" Para sa icecream papatawarin nya 'ko hahaha how nice.
Pagdating ko sa bilihan ng icecream may bumibili rin elementary students. Merong tindahan ng icecream sa school namin actually parang syang icecream parlor mini nga lang.
"Kuya dalawa nga po cookies and cream" Sabi ko sa manong na nagtitinda. May biglang dumating isang lalaki rin.
"Ako nga rin po cookies and cream,isa" Ang boses nya,katunog ng kay Kean.
"Uy Lia, dito ka pala" Nabigla ako sa pagsalita nya saakin. Kinakausap nya ako.
"Yes. Hehe nabili lang"
"I see,hmm two icecream?kanino yung isa?"
"Ahh. Sa kaibigan ko" Binigay na saakin ni manong yung binili ko.
"Lia,naman ang tagal mo bumili akin na nga yang icecream ko" Si Axel na nakapout na sabi. Bakit ba ang childish nya ata ngayun. T___T
"Oh eto na d-___-b"
"Uy Axel,magkakilala kayo ni Lia?" Biglang tanong ni Kean kaya napatigil si Axel sa pagdila ng icecream nya. Sabay tumingin sya saakin. Problema nito!?
"Ah. Oo girlfriend ko pala Aiz." Sabay akbay na sabi ni Axel saakin. Teka siraulo ba sya!Nakadrugs ba sya!bakit sya nagkakaganito ngayun?
"Hoy!hindi mo 'ko girlfriend 'no tumigil ka nga. Baliw ka nanaman!"
"Joke lang. Pero soon haha!"
"Nako bro,lakas ng tama mo ah haha!" Hay nako. Kean,kung sya malakas ang tama pwes ako. Ako rin malakas din tama ko pero sayo. Sayo ang lakas ng tama ko. Kung alam mo lang.
"Hahaha. Di 'no alam ko namang iba gusto nyan ni Lia eh. Diba Lia?" Napatingin saakin si Kean kaya napatitig ako sa mga mata nya. Shemay!mas nakakaattract naman oh.
"Ha?"
"Wala ang binge mo naman -.-" Problema nanaman nito?Kung ano-ano sinasabi psh.
"Tara na nga lang dun tayo sa garden,maganda dun!" Aya ni Kean saamin. Kaya sumunod kami.
Pagdating namin sa garden ng school...
"Bro sabi mo kanina class nyo na?"
"Ahh. Oo nga eh pero wala namang turo eh tsaka bakla yung teacher namin tapos lagi pang nakatingin saakin, nakakakilabot kaya lumabas na lang ako Haha" -Kean
"Kaya naman pala." Umupo kami sa damuhan,ganda ng mga bulaklak dito at ang bango pa.
Tahimik lang ako na nakain ng icecream,habang sila naguusap tungkol sa kung ano-ano. Hindi ko alam na close pala sila. -___- nakaka-OP puro panlalaki yung pinag-uusapan nila T__T
"Oy Aiz,yung kaninang tanong ko sayo hindi mo sinago!"
"Ang aling tanong?"
"Yung babae nga,sino ba yung gusto mo?" Err. Curious much ako. syempre tungkol yun sa babaeng gusto nya eh.
"Wala yun. Tsaka wala naman akong gusto Hahaha!kasi nalaman ko na may Boyfriend na pala sya"
"Sus!selos ka naman haha!alam mo bro,malay mo friends lang yun hindi magboyfriend." Napaka-ano naman ng usapan nila,lablayp!? Hmm.
"Sana..."
"Bakit puro lablayp usapan nyo haha!" Bigla kong singit sa usapan nila. Sarap maging OP promise T___T
"Haha,wala bakit masama ba?" Oo masama dahil nasasaktan ako Kean,ikaw kaya ang gusto ko tapos malalaman ko may gusto kang iba... Napakasakit! :(
"Ah hindi ah,ahm sige maiwan ko na muna kayo puntahan ko lang si Kiara" Kahit ang totoo nyan hindi ako pupunta kay Kiara,uuwi lang naman na ako. Ewan ko biglang sumama pakiramdam ko :'(
---
Nagkulong lang ako sa kwarto ko walang ginagawa kundi nakahiga. Nag-iisip haysss!Bakit kaya ganun,Bakit ang hirap Umasa?Bakit hindi man lang nila nabibigyan ng chance ang taong nagmamahal?Alam ko Oo hindi pa ako nakakaamin sa kanya, pero kasi kahit ganun nasasaktan rin ako dahil nalaman ko na iba ang gusto nya.
BINABASA MO ANG
Crazy Inlove with You
Teen FictionLia, Simpleng babae na may matagal ng gusto sa isang Hearthrob ng school nila marahil hindi sya napapansin nito dahilan ng maraming babae ang nakapalibot sa Hearthrob at si Lia ay nakatingin lang sa malayo para silayan Ito.